Chapter 28: The King’s in Danger

2416 Words
*Third Person’s POV* Dali daling pinuntahan ng mga miyembro ng mafia ang mga bampira at binuhat ang mga ito papasok sa isang silid kung saan sila inihiga at hinayaan munang makapag pahinga. “Kailangan nating sabihan ang reyna,” sabi ni Yashida sa mga kamiyembro ng kanilang grupo. “Pero master pano kami makakapunta dun? Hindi pa po kami nakakapunta sa palasyo nila,” sabi ng lalaking tumulong sa kanila Andrew kanina. “Ako na mismo ang pupunta doon, bantayan niyo lang sila,” sabi ni Yashida at aalis na sana ng may maalala siya. “Mas makakabuti kung huwag na muna kayong papasok sa loob ng silid na yan. Iwan niyo muna sila sa loob ng silid at kahit na anong mangyari, huwag na huwag kayong papasok sa loob,” utos ni Yashida sa mga miyembro. “Masusunod po!” Sigaw ng mga kamiyembro nila kaya dali dali nang umalis si Yashida at nag tungo na sa mundo ng mga bampira. Habang nag lalakbay si Yashida papunta sa palasyo ng mga bampira ay sinisigurado niyang wala siyang makakasalubong o makakasalamuha na kung anong nilalang dahil hindi talaga ligtas ang mundo nila Jason para sa mga mortal gaya niya pero dahil nga sa matagal nang nakakapunta si Yashida sa palasyo ng mga Hunter ay alam niya ang pasikot sikot sa kagubatan at alam niya na ang daan papunta sa palasyo kaya hindi din naman siya masyadong nahirapan pa. Pagkarating sa unang tarangkahan ng palasyo ay agad siyang sinalubong ng dalawang kawal ng kaharian. “Sino ka!? Anong pakay mo dito!?” Matigas na pag kakasabi ng isa sa mga kawal. “Nais kong makausap ang dating reynan,” mahinahong sagot ni Yashida. “Ipagbigay alam mo ang iyong ngalan at kukumpirmahin muna namin sa dating reyna ang iyong nais,” sabi ng isa pang kawal. “Yashida ang aking ngalan,” sagot ni Yashida. “Pakisabi tungkol ito sa kanyang anak, ang hari,” sabi ni Yashida kaya nag katinginan ang dalawang kawal at kaya agad na umalis ang isa sa mga kawal at tumakbo na papunta sa loob ng palasyo. Naghintay na lamang si Yashida sa labas ng tarangkahan ng palasyo at hinintay ang pag dating ni Josephine. Sa loob ng palasyo ay agad na nag tungo ang kawal sa loob ng throne room kung saan nag uusap usap sila Josephine, Violet at Jasmine. “Mga kamahalan, paumanhin po sa aking pang iistorbo,” sabi ng kawal at yumuko sa harapan ng mga maharlika. “Ano ang iyong pakay?” Malamig na tanong ni Violet sa kawal. “Meron pong nag hahanap sa dating reyna sa unang tarangkahan ng palasyo,” sabi ng kawal. “Ang kanya pong ngalan ay Yashida at may sasabihin daw siya tungkol sa hari,” dagdag pa ng kawal kaya agad na nag lakad sila Josephine, Violet at Jasmine papunta sa pinto ng silid, sumunod naman sa kanila ang kawal. Pagkarating nila sa pinto ng palasyo ay agad na silang tumakbo gamit ang kanilang bilis bilang bampira papunta sa unang tarangkahan ng palasyo. Hindi man lang umabot ng limang minuto ay nakarating na sila sa unang tarangkahan ng palasyo. “Yashida? Anong ginagawa mo dito?” Tanong ni Josephine sa kay Yashida. “Kamahalan,” pag bati ni Yashida sa mga maharlika at yumuko sa harap nila. “Nandito po ako para sabihin sa inyo na kailangan po ng hari at mga prinsipe ang inyong tulong,” sabi ni Yashida kaya lumapit naman sa kanya si Josephine. “Anong nangyari sa kanila?” Tanong ni Josephine. “Nawalan po sila ng malay at nanghina dahil sa matinding init ng araw,” sagot ni Yashida sa tanong ni Josephine. “Isama mo ang ilan sa aming mga kawal, kunin niyo ang hari at ang mga prinsipe sa mundo ng mga tao at dalhin sila dito sa palasyo, ngayon din!” Utos ni Josephine sa dalawang kawal sa kanilang likuran. “Masusunod po,” sagot ng dalawang kawal at bigla na lamang nag laho sa kanilanga harapan at maya maya lamang ay bumalik na sila at kasama na ang sampu pang mga kawal. “Iuwi niyo dito ang inyong hari,” utos ni Violet sa mga kawal habang inaalalayan ang kanyang kapatid na si Josephine na hinihilot ang sintido. “Masusunod po,” sagot naman ng mga kawal at agad na nga silang umalis kasama si Yashida. “Mom, ihahanda ko lang po ang hihigaan nila kuya,” sabi ni Jasmine sa ina nito na tumango lang sa kanya kaya agad na siyang umalis at pumunta na sa loob ng palasyo. “Ate mag pahinga ka na muna, ako na muna ang bahalang mag asikaso dito,” sabi ni Violet sa kapatid nito. “Sige sige,” sabi ni Josephine kaya inalalayan na lang siya ni Violet pabalik sa palasyo hanggang sa maihiga siya nito sa kanyang kama. “Huwag mo masyadong istress ang sarili mo ate,” paalala ni Violet sa nakakatandang kapatid nito pero nginitian lang siya nito at pinikit na ang mga mata upang makapag pahinga na. Inayos na lang ni Violet ang kumot ng kapatid at tsaka lumabas na ng silid nito. Habang nag lalakad si Violet pabalik sa unang trangkahan ng palasyo ay napansin niya si Jasmine na nakatayo sa di kalayuan, na para bang meron itong kausap kaya tinawag niya ito. “Jasmine!” Sigaw ni Violet pero hindi lumingon si Jasmine sa kanya kaya napag desisyunan na lang ni Violet na lapitan ito. Nang makalapit na siya sa kinatatayuan ni Jasmine ay muli niya itong tinawag. “Jasmine,” tawag ni Violet sa pamangkin nito. “Tita? Bakit po?” Tanong ni Jasmine ng makalingon na ito sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan? Akala ko ba aayusin mo ang paghihigaan ng mga kuya mo?” Tanong ni Violet sa kay Jasmine at ngumiti naman ito sa kanya. “Tapos na po tita,” sagot na lamang ni Jasmine sa tiyahin. “Ang bilis naman yata,” puna ni Violet. “Ganun po ba tita? Ginamit ko kasi ang bilis ko bilang bampira para maayos kaagad ang mga pag hihigaan nila kuya. Bakit tita mag problema po ba sa ginawa ko?” Tanong ni Jasmine sa tiyahin pero umiling lang si Violet sa kanya. “Wala wala, sige na pumasok ka na sa loob, ako na ang mag hihintay sa mahal na hari at sa mga prinsipe,” sabi ni Violet. “Sige po,” ssagot na lang ni Jasmine sa tiyahin nito at nagsimula na maglakad papunta sa palasyo. “Teka,” pag tawag muli ni Violet sa pamangkin kaya lumingon ito sa kanya. “Bakit tita?” Tanong ni Jasmine. “May kausap ka ba dito kanina?” Tanong ni Violet sa pamangkin nito pero napakunot noo lang si Jasmine. “Wala naman po tita, bakit po?” Tanong din ni Jasmine sa kanya. “Ah wala, akala ko lang kasi kanina eh may kausap ka dito,” sabi ni Violet sa pamangkin. “Sige na, pumasok ka na sa loob,” dagdag na lang ni Violet. “Sige po,” sagot na lang ni Jasmine sa tiyahin at nag lakad na nga papasok sa palasyo habang si Violet naman ay nag lakad na papunta sa unang trangkahan ng palasyo kung saan niya hihintayin ang pag dating ng mga kawal na sumundo sa hari nila at sa mga prinsipe. *Jasmine’s POV* Ano kayang nangyari sa kanila kuya? Kailangan malaman to ni Joanna pero pano? Hindi ko alam kung nasaan sila. Habang nag iisip ay may naramdaman akong presensya sa paligid na nag mamatyag lang kaya pasimple kong inilibot ang paningin ko at sa dulong bahagi ay napansin ko ang isang aero, siya yung aerong laging kausap ni Joanna, si Black. “Mom, ihahanda ko lang po ang hihigaan nila kuya,” sabi ko sa kanila mom para maka alis na ako agad dito. Tumango lang si mom sakin kasi hinilot niya ang sintido niya, mukhang masyado na siyang stress sa mga nangyayari. Hayaan mo na muna Jas! Kailangan mo munang kausapin si Black, nandiyan naman si tita eh. Gusto kong makausap si Black, pakiramdam ko kasi ay may alam siya sa kung nasaan sila ni Joanna, dahil simula ng mawala sila Joanna ay wala na din ako masyadong nakikitang aero dito sa paligid pero nararamdaman ko pa rin naman ang iilan sa kanila na para bang nag mamanman. Nag lakad na ako papunta sa palasyo pero hindi ako papasok sa loob. Muli kong sinilip si Black sa at nandoon pa din siya sa kinatatayuan niya kanina, nakatingin pa rin siya sa kanila ni mom na hanggang ngayon ay kausap pa rin ang mga kawal na susundo sa kanila kuya. Ginamit ko ang bilis ko bilang bampira at pumunta sa direksyon ng kinatatayuan ni Black pero mukhang nahalata niya yata ako kaya agad din siyang tumakbo palayo pero hindi niya malalamangan ang bilis ng isang bampira. “Black,” tawag ko sa kanya ng mahawakan ko siya sa braso pero iwinaksi niya lang ang kamay ko at tuluyan nang naging hangin ang anyo nito. “Black alam kong alam mo kung nasaan ang reyna, please sabihin mo na sakin para maayos na ang lahat ng ‘to,” sabi ko kahit na hindi ko na nakikita pa si Black pero ramdam kong nandito pa rin siya. “Hindi maaari,” narinig kong sagot ng isang lalaki. Si Black ba yun? Pero pano ko siya naririnig eh tanging sa prinsesa ng yelo lamang nakikipag usap ang mga aero, pero, kung siya nga yun pwes sasabihin ko na sa kanya to ngayon. “May nangyari sa hari, hindi namin alam ang buong detalye pero pumunta si kuya sa mundo ng mga tao para hanapin ang reyna niya kaya please, sabihin mo na sakin kung nasaan si Joanna,” sabi ko ulit pero wala akong narinig na sagot. “Ligtas ba si Joanna kung nasan man siya ngayon?” Tanong ko kay Black. Kahit ito lang sana, masagot niya. “Oo,” rinig kong sagot ni Black. Salamat naman. “Jasmine!” Narinig kong sigaw ni tita Violet pero di ko siya nilingon bagkus ay pinag patuloy ang pakikipag usap kay Black. “Sabihin mo kay Joanna na bumalik na siya kasi mababaliw ang kuya ko kapag hindi pa siya bumalik, kailangan siya ng hari,” sabi ko kay Black pero wala akong narinig na sagot. “Please Black, pauwiin mo na si Joanna,” sabi ko kay Black pero wala pa rin akong naririnig na sagot at nararamdaman ko na ang pag lapit ni tita sa kinatatayuan ko ngayon. “Black, pakiusap, pauwiin mo na ang reyna,” sabi kong muli sa kay Black pero tuluyan nang nawala ang presensya ni Black sa paligid kaya napahinga na lang ako ng malalim. “Jasmine,” tawag ni tita Violet sakin. “Tita? Bakit po?” Tanong ko kay tita Violet ng makaharap na ako sa kanya. “Anong ginagawa mo diyan? Akala ko ba aayusin mo ang paghihigaan ng mga kuya mo?” Tanong ni Violet pero ngumiti lang ako sa kanya para di niya mahalatang nag sisinungaling ako. “Tapos na po tita,” sagot ko. “Ang bilis naman yata,” puna ni tita Violet. Uhh...anong ipapalusot ko? Isip, isip...ah! “Ganun po ba tita? Ginamit ko kasi ang bilis ko bilang bampira para maayos kaagad ang mga pag hihigaan nila kuya. Bakit tita may problema po ba sa ginawa ko?” Tanong ko sa kanya pero umiling lang si tita Violet bilang sagot. “Wala wala, sige na pumasok ka na sa loob, ako na ang mag hihintay sa mahal na hari at sa mga prinsipe,” sabi ni tita Violet. “Sige po,” sagot ko na lang kay tita at nagsimula na maglakad papunta sa palasyo. “Teka,” pag tawag muli ni Tita Violet kaya napahinto naman ako ulit sa pag lalakad. “Bakit tita?” Tanong ni ko sa kanya at nilingon siya ulit. “May kausap ka ba dito kanina?” Tanong ni tita Violet. Narinig niya ba ko kanina? Ang layo niya kanina kaya siguro naman ay hindi niya ako narinig. “Wala naman po tita, bakit po?” Tanong ko din sa kanya. “Ah wala, akala ko lang kasi kanina eh may kausap ka dito,” sabi ni tita Violet. “Sige na, pumasok ka na sa loob,” dagdag na lang ni tita Violet. “Sige po,” sagot ko na lang din sa kanya at nag lakad na nga pabalik sa loob ng palasyo. Sana mapilit ni Black si Joanna na umuwi na kasi sa mga nangyayari ngayon, hindi ko alam kung hanggang kelan pa ang kakayanin ni kuya. *Black’s POV* Umalis na ako kaagad sa harapan ni Prinsesa Jasmine ng makita kong papalapit na ang kapatid ng dating reyna, alam ko kasing malakas ang pandama nito kaya kailangan kong lumayo sa kanya lalo na sa ngayon na mulhang may ideya na sila na alam naming mga aero na umalis ang reyna. “Black!” Tawag sa akin ng isang kapwa ko aero kaya lumapit ako sa kanya. “Kila, anong ginagawa mo dito? Diba ang bilin ko sayo ay mag manman sa hardin?” Tanong ko sa babaeng aero na naka anyong tao. Kahit na naka anyong hangin ako ngayon ay nakikita niya pa rin ako dahil nga sa isa din siyang aero at kakaiba ang paningin naming mga aero dahil nakikita namin ang mga nilalang na hindi nakikita ng normal na nilalang. “Muntik ka na kaninang mahuli! Sinabi mo ba?” Tanong niya sakin pero umiling lang ako sa kanya. “Hinding hindi ko susuwayin ang ating reyna,” sagot ko sa kanya at tumango maman siya. “Dapat lang, maliban na lamang kung nais mong makulong sa pinagbabawal na kagubatan,” sabi ni Kila. “Pero, sa tingin mo ba maganda doon? Kagaya ng sa kwento ni ina?” Tanong ni Kila. “Hindi ko alam Kila at huwag mo nang pangarapin pang mapunta sa sinumpang kagubatan,” sabi ko sa kapatid ko. Oo, nakababatang kapatid ko si Kila, ngunit iba ang kanyang ama, sa madaling salita, nagtaksil ang ina ko sa ama ko kung kaya’t siya ngayon ay nakakulong sa pinagbabawal na kagubatan. Galit ako sa kanya pero hindi ko rin maiwasang mangulila sa kanya dahil kahit na anong gawin ko, ina ko pa rin siya. Kelan kaya makakalaya si ina?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD