Napatigil sa pag lalakad si felicie patungo ng kanilang bahay ng makita ang isang magarang sasakyan sa tapat ng kanilang bakuran.Mula sa di kalayuan ay tanaw na tanaw niya ang kanyang itay sergio at si don elias.
Habang kausap ng kanyang itay si Don elias ay kita niya ang pag lungkot ng mukha ng kanyang ama.At alam niya kung anu ang dahilan noon.Ang lupa nilang naka sanla kay don elias.Isang linggo na ang naka kalipas ng mag punta siya sa mansyon ng mga zaavedra. At kausapin si don elias tungkol sa lupa.Ngunit hindi niya gusto ang alok nito.Kapalit ang kanilang lupang naka sanla dito.
Napa titig siya sa mukha ng kanyang ama. At hindi naka ligtas sa kanya ang subra subrang lungkot na nasa mukha nito. Isang malalim na pag hinga ang kanyang ginawa. Paano ba niya tatanggapin ang alok ni dno elias kung ang kapalit nito ay ang kanyang sariling kaligayahan at kalayaan. Ngunit matitiis ba niya ang kalagayan ng kanyang magulang kung alam naman niyang may magagawa naman siya para sa mga ito.
Ang unfair ng buhay.Bakit kailangan pang may mayaman at mahirap. Bakit kailangan pang may nag hihikahos sa buhay.Bakit hindi na lang lahat mayaman, nang a gayon ay wala nang nag dudusa sa hirap.
Napa hilamos ang kanyang mga kamay sa sariling mukha.Saka malalim na pag hinga ang ginawa. Paano na ang haap buhay ng kanyang ama?Kapag tuluyan ng nakuha ni don elias ang kanilang natitirang lupa.Paano na ang kanyang tatlo pang kapatid na mga nag sisipag aral pa.
Kung tutuusin ay maganda ang ina alok sa kanya ni don Elias. Maibabalik ang lupa sa kanyang ama. Bukod pa doon ay makaka pag aral din ang tatlo pa niyang kapatid sa magandang paaralan.Ngunit ang kapalit naman ng lahat ng yun ay sya.
Ang mag pakasal sa anak nito.Paano ba niya maatim na mag pakasal sa taong ni minsan ay hindi pa niya nakikita.At higit sa lahat ay di naman niya mahal.Ang kasal ay sagrado.At para lang yun sa dalawang taong tunay na nag mamahalan.Hindi para sa mga taong napilitan.
A, bahala na. aniya sa sarili.Ilang sandali pa ang itinagal ng pag uusap ng kanyang ama at ni Don Elias. Hanggang sa matapos iyun. Mabilis niyang tinungo ang kanilang bahay ng makita ang pag alis ni Don Elias. Naratnan niya aang kanyang amat ina sa balkunahe ng kanilamg bahay. Pilit na ngumiti ang mga ito sa kanya'
"Tay , nay mano po.''
Bati niya sa mga ito na bakas pa rin sa mukha ang lungkot.
"Kaawaan ka ng diyos anak. Saan ka na naman ba nang galing?"
Tanong sa kanya ni aling emma sabay kuha sa kamay niyang naka umang sa mga ito upang mag mano.
"Kina ernsto po nay, nag baka sakali lang po baka may ka kilala syang tao na pwede nateng mapag utangan para may maipang tubos sa ating lupa kay don elias.''
"Anak, hindi mo kailangan gawin yun.Kami ng inay mo ang dapat gumagawa ng paraan para dyan.Felicie' anak hindi mo responsibeliad yun. Saka naka pag desisyon na rin kami ng iyong ina na ibigay na ng tuluyan ang ating lupa kay Don Elias.''
Anang kanyang ama na bakas sa boses ang subra subrang pag ka lungkot. Isang malalim na pag hinga ang kanyang pinakawalan. Alam niyang may magagawa pa siya para sa kanilang lupa.
"Pero tay, kapag nawala ang ating lupa paano na tayo?Mawawalan tayo ng mapag kukunan.Ang lupang iyin ang bumubuhay sa pamilya naten. Saka hindi ba at mahalaga sa inyo ang lupang yun."
Tutol niya sa sinabi ng kanyang ama. Malungkot na ngumiti sa kanya si Mang Sergio.
"Ayaw ko rin naman na mawala sa atin ang lupang aking sinasaka.Alam niyo kung gaano sa akin kahalaga ang lupang yun.Iyun na lang ang natitirang alaala sa akin ng aking mga namayapang magulang.Pero wala na akong magagawa pa. May iba pa namang paraan anak.Saka pwede namang akong maki saka dyang kay pareng nestor.''
"Pero tay,iba-''
"Anak hayaan muna. Karapatan din naman ni Don Elias na kunin ang lupang yun dahil isinanla natin sa kanya. At hindi na natin matubos pa.Sya at ako'y paparoon muna sa bukid para alisin doon ang mga apat alisin.Sa makalawa ay kay Don Elias na ang lupang yun.''
Anang kanyang na nag mamadaling lumabas ng kanilang bahay. Alam niyang para ikubli nito ang lungkot dahil sa pag kawala ng kanilang lupa.Binalingan niya ang kanyang ina. Maging ito man ay bakas sa mukha ang lungkot.At tila maiiyak pa dahil sa kalagayan na mayroon sila.Isang malalim na pag hinga ang ginawa nito saka pilit na ngiti ang ginawa sa kanya.
"Nay, wala na po ba talaga tayong magagawa pa?"
"Anak,wala ng iba pang paraan. Gustuhin man namin ng iyong ama ay wala naman tayong ganoon kalaking halaga na pang tubos.''
Napa buntong hininga sya.Alam niyang may magagawa sya, ngunit ang malaking kapalit noon ay sya. Malalim na ang gabi.Ngunit gising pa rin sya. hindi sya dalawin ng antok.Matamang pinag mamasdan niya ang mga kapatid na mga kapwa mahihimbing na ang pag tulog.Ini isip pa rin niya ang kanilang lupa.Alam niya kung gaano iyon ka halaga sa kanyang mga magualng lalo na sa kanyang itay.Dahil pamana pa ang lupang iyon ng kanyang mga namayapa ng lolo at lola.
Isang mabigat na desisyon ang kanyang gagawin. Kailangan bukas na bukas ay maka usap niyang muli si Don Elias. Labag man sa kanyang kalooban ay kailangan niyang gawin. Alang alang sa kanyang mahal na pamilya. Kinabukasan ay sinadya niyang maging maaga ang pag gising. Tulad ng kanyang plano, kailangan niyang maka usap si Don elias tungkol sa lupa.
Dumiretso sya ng kusina at naabutan niya roon ang kanyang inana nag luluto ng kanilang almusal.Ang kanyang tatlo pang kapatid ay mga kapwa nag sisipag gayak sa pag pasok.
"Magandang umaga po nay.''
"Magandang umaga naman anak. Ang aga mo naman yata gumising.''
Anang kanyang ina.Madalas naman niyang gawin ang pag gising ng maaga lalo na kung may pasok sya sa hyper mart na kanyang pina pasukan sa bayan.Siguro ay nag tataka ang kanyang ina dahil alam nitong day off niya ng araw na yun. Lumapit sya sa lababo at saka nag mumog doon. Nang maka tapos ay lumapit sya sa mesa nilang gawa sa kahoy at inakupa ang bakanteng upuan doon.
"Ah ano po kasi nay-kuwan may pupuntahan po kasi kami ngayon ni ernesto."
Pag dadahilan niya sa kanyang ina.Kunot ang noong napa tingin sa kanya ang ina. At bumakas sa mukha nito ang tila pag ta taka. Ngunit di ito umimik. Nanatili lang itong tahimik saka marahang tumango sa kanya .
"Nay, kailangan na nga po palang bayaran yung sa exam na min.Kasi nay, sabi ni teacher hindi makaka pag exam ang hindi bayad."
Anang kanyang kapatid na si Ren. Na kasalukuyang nasa senior high school na. Napa iling at malalim na pag hinga ang kanyang ginawa .
"Mag kano ba anak ang dapat bayaran?"
"Nay,one hundred po. Saka po pala nay yung sa PTA."
Sa pag kakataong iyon ay napa buntong hininga na rin ang kanyang ina. Alam niya na talagang wala at said ngayon ang kanilang mga magulang. Dahil sa sunod sunod ang naging bayarin nitong mga nakalipas na araw.
''A nay ako na po.May na itatabi pa naman po akong pera.'' ani niya sa kanyang ina.
"Pasensya ka na anak.Kung pati ikaw ay na o obliga dyan sa mga kapatid mo.Aalam mo naman marami tayong pinag bayaran nitong mga nakaraang araw.Dahil sa pag kaka sakit ni junior."
"Okay lang po nay.''
Nakangiti niyang sagot sa ina. Hindi sapat ang kanyang sweldong sinasahod sa grocery store sa bayan kung saan ay isa syang casher. At kung wala nga syang pasok roon ay kung anu anong sideline ang kanyang ginagawa para lang madagdagan ang kanyang kita.Ngunit hindi pa rin iyon sapat para maka tulong sya sa kanyang mga magulang.
Matapos maka pag almusal ay agad syang nag paalam sa ina.Ilang pag hinga muna ang kanyang ginawa bago tinahak ang daan patungo sa mga Saavedra.Ilang sandali pa at narating din niya ang malawak na bakuran ng mga saavedra.Kinakabahan sya sa kanyang gagawin. Aalam niyang hindi magugustuhan ng kanyang mga magulang ang kanyang gagawin uras na malaman ng mga ito iyun.Nang tuluyan syang maka lapit sa gate ay agad niyang nakita si ka Isko.
"Magandang umaga po ka Isko.''
Bati niya sa matandang katiwala ng mga Saavedra.
"Uy felicie ikaw pala. Magandang umaga naman.E,anu bang lakad naten at mukhang ang aga naman yata.''
Naka ngiti nitong turan sa kanya.Alanganing pag ngiti ang kanyang ginawa dito.Naalala niya baka mamaya makita nitoang kanyang itay at ma i kwento pa nito sa kanyang ama ang pag punta niya sa mansyon.
"Anu,kuwan po kasi-"
"Felicie,iha.''
Bigla syang napatigil sa pag sasalita ng marinig niya ang tinig na iyun. Si don Elias.
''Magandang umaga po Don elias'' Bati niya sa Don. Na napangiti pa ng makita sya.
"Magandang umaga naman iha. Ano bang maipag lilingkod ko?"
Anang don sa kanya na naka ngiti.
"Don Elias tungkol po doon sa--"
Hindi niya nagawang ituloy ang sasabiin ng makitang nasa malapit lng sa kanila si ka Isko. Na ngamba sya na baka marinig nito ang kanyang sasabihin at maulit yun sa kanyang ama. Mukhang nakuha naman ng Don ang kanyang ibig sabihin.
"Isko papasukin mo si Felicie. May mahalaga lang kaming pag uusapan."
Anang Don kay Ka Isko.Agad naman itong tumalima. Binuksan nito ang gate. Nang tuluyan syang maka pasok sa mansyon ng mga Saavedra ay napa awang ang kanyang labi dahil sa ganda ng mansyon na iyun.Bukod sa malawak na bakuran ang mayroon ito ay napaka eleganteng tingnan ang loob noon.
Halata na bawat gamit na naroon ay mamahalin. Halos malula sya sa mga nag lalakihang chandelier na naroroon.
Anu pa nga ba ang dapat niyang asahan. Sa pag kaka alam niya ay mayaman ang mga Saavedra.
''Take a seat iha.''
Anang Don nang nasa loob na sila ng mansyon.Nang maka upo ay wala syang sinayang na uras. Agad niyang kinausap ang Don.
''Don Elias, tungkol po doon sa ina alok nyo?''
Ani niya dito'Agad na napa ngiti ang Don sa mga sinabi niya.
''Tina tanggap mo na ba iha?''
''K -kung available pa po san Don Elias.''
Aniya rito na nahihiya pa.Ang totoo ay kinakabahan at natatakot sya sa magiging kahihinatnan ng kanyang desisyon.
"Pumapayag kana mag pakasal sa anak ko?''
Muli ay tanong nito sa kanya na naka ngiti. Alanganing pag tango ang kanyang ginawa sa Don. Gagawin niya ito hindi dahil sa pera ,o kahit anu pa man.Gagawin niya ang mag pakasal para mabawi ang lupa ng kanyang Itay.At higit sa lahat para sa kanyang pamilya.
''Tina tanggap ko na po Don Elias.Wala naman po akong ibang mapapag pilian eh.Ginigipit nyo po ang pamilya ko.''
Ani niya sa matandang Don na malakas na pag tawa ang ginawa nito sa kanya.Dahil sa mga huli niyang sinabi.
''I'm a businnes man iha, nasa mundo ako ng negosyo.Kaya sana maintindihan mo rin ang sitwasyon ko.Tulad mo , ikaw bilang isang anak sa mga magulang mo.Ako naman iha , bilang magulang sa aking mga anak, gusto kong mapa buti sila. Lalo na ang aking panganay.Gusto ko ng maputol ang kanyang pagiging malikot ang kamay.Kung kani-kanino kasi iha nakaka abot.''
Saad pa ng Don na napatawa pa sa mga huling sinabi. Hindi niya naintindihan ang mga huling sinabi ni Don Elias kaya naman tanging pag kunot ng noo lang ang nagawa niya. Habang sila ay nag uusap ni Don Elias ay hindi niya napansin ang pag baba ng isang malaking bultong iyon na ka gigising lang.
''Iho mabuti at gising kana.''
Bati ni Don Elias dito. Kaya naman ay agad syag napa lingon. Kunot ang noong napa tingin sya sa binatang bagong gising. Samantalang ang binata ay napa titig sa kanya.Naka pajama ito, samantalang hubad baro naman ang pang taas nito.At ang buhok ay gulo gulo.Ngunit hindi niya ma itatanggi na kahit nsa ganoong ayos ang binata ay gwapo pa rin itong tingnan.
Napa kurap kurap pa sya at saka inayos ang suot suot na salamin.Nang mapag masdan niya ng mabuti ang binata ay ganoon na lang ang kaba at pan lalaki ng kanyang mata ng mamukhaan at makilala ito.
''Ikaw!
"You!"
Halos mag kapanabay pa nilang sambit.Napa tayo sya mula sa sofang kina uupuan.Habang ang binata naman ay naging matatalim ang gingawang pag tingin sa kanya.Nag tatakang napa tingin sa kanilang dalawa si Don Elias.Nag palipat lipat ito ng tingin.
''Do you know each other?
Mayamaya ay tanong sa kanila ni Don Elias.Sunod sunod na pag iling ang kanyang ginawa.
''Hindi ko po sya kilala Don Elias, pero sya lang naman po yung lalaking ubod sama ng ugaling ayaw mag bigay ng daan at ayaw mag padaan doon sa tubigan.''
Naka nguso at irap niyang sabi na ang mga mata ay na kay calex na ng mga sandaling iyon.Sa dinami rami niyang pwedeng makita ay ito pa talagang ka anak ni tarzan na ubod nga ng gwapo pero ubod ding sama ng pag uugali.
''Hey nerdy!did you forget? you pushed me into that stinking pond!''anang binata na halos taas na naman ang kilay at matalim na tingin ang ginawa sa kanya.
''Hoy mister! na kamag-anak ni tarzan kung nag bigay ka lang sana ng daanhindi ka mapupunta sa mabahong tubigan na yun!.''
''So kasalanan ko pa?Ako pa ang mag a adjust para sa kagaya mong nerd?''
Anang binata na matatalim pa rin ang pag tingin ang ginagawa sa kanya.Ngunit di niya alintana iyun,halos mag pantig pa ang kanyang tainga dahil sa mga huling sinabi neto .
''A ganon? siguro naman may kotse ka , edi sana dinala mo tapos doon mo idinaan sa gitna ng tubigan kung ayaw mo naman pala ng may ka agaw sa daan, yabang!''
''Please ,both of you take a seat'.''
Sabay sialng napa tingin Kay Don Elias na nangingiti ng mga sandaling iyun sa hindi niya malamang dahilan.
''Dad who is she?at bakit naririto ang panget na nerd na to?'
Anang binatas na hindi pa rin ina alis ang matalim na pag kakatitig sa kanya. Sya naman ay gulat na napa tingin kay Don Elias nang marinig ang pag tawag dito ni calex.Anak ni Don Elias ang mayabangb at hambog na tarzan na ito.Naku napaka layo sa pag uugali ni Don Eliasang hambog na ito. halos bulong niya sa sarili.Kaya naman pala kung umasta eh dinaig mo po ang anak ng asendero eh anak mayaman naman pala ang kumag.
''Iho please, take a seat.May mahalaga tayong pag uusapan.''
Hindi ito sumagotb sa sinabi ni Don Elias.Ngunit umupo naman ito sa sofang katapat lang din ng inu upuan niya.Taas ang kilay at kung naka mamatay lang ang ginagawa nitong pag titig sa kanya ay baka kanina pa sya nangisay at namatay dahil sa talim ng tingin nito sa kanya.
Ngunit binalewala niya lang ito.Bagkus ay pairap niya itong pinasadahan ng tingin. Sarap dukutin ng mata!ani niya sa sarili.
''So what is it?
anang binata sa ama na kahit sya ay nag tataka kay Don Elias, bakit kailangan pang naroroon ang mayabang nma lalaking ito.May pag tataka man ay nanatili lang syang tahimik.
''Tulad ng napag kasunduan naten iho.You need to get married'.
Saad ni Don Elias kay calex na nanatiling seryuso at madilim ang mukha
''And?'
''And she is the woman I choose for you.''
Kasabay ang pag turo sa kanya, biglang nanlaki ang kanyang mga mata at tila di makapaniwala sa narinig kay Don elias.Itong lalaking ito na ubod sama ng ugali. Ito ang ang lalking ipapa kasal sa kanya.
''What? that girl ? Seriously dad ang babaeng ito ang ipapa kasal mo sa akin?No, I dont like her.Anu na lang ang sasabihin ng mga kai-''
''Hoy , kung ayaw mo? mas lalong ayaw ko!Ayaw kung pakasal sa kagaya mong puno ng yabang sa katawan.''
Putol at nang gagalaiti niyang sabi dito. Natahimik naman ang binata sa kanya.Ngunit naroroon pa rin ang matalim nitong pagtitig sa kanya.
''Don Elias ,sya po ba?''
Hindi na naka tiis na tanong niya kay Don Elias ng mga sandaling iyun.
''Yes iha. Sya nga, sya ang papakasalan mo.''
''Naku,Don Elias hindi na po.Kung yan lang din ang papa kasalan ko baka po mag liparan pa ang kaledero sa bahay.''
''At may balak ka pa palang sirain ang mga gamit ko sa bahay. ''
Anang binta na hindi na naka tingin sa kaya habang sinasabi ang mga katagang iyon.Napa irap sya dito.
''Iha , di ba'y gusto mong mabawi ang lupa ng iyong itay.''
Napa buntong hininga sya sa sinabi ni Don Elias.At saka napa isip.Kapag nag pakasal sya sa mayabang na to,mababawi ang kanilanhg lupa.Pero kung hindi sya papayag panigurado syang mawawala ang kanilang lupang iyon.
''Upo Don Elias, pero-''
''Iha , kapag nag pakasal ka sa anak ko, mababawi mo ang lupang iyung Itay.At hindi lang yun, Makaka pag aral din ang mga kapatid mo.Ayaw mo ba noon?''
''Hindi naman po sa ayaw Don Elias ,kaso ang problema ko po ay itong hambog at mayabang nyong anak.Baka naman po pwedeng sa ibang anak nyo na lang ako ipa kasal, wag lang sa -''
''Iha da-dalawa lang ang anak ko, at nag iisang anak kung lalaki si calex'.''
Anang ni Don Elias sa kanya.Bigla syang napa tingin sa binatang katapat niya sa upuan. At matamang nakikinig na lang sa usapan nila ni Don Elias. Napa lunok pa sya dahil sa hindi ina asahang mag tatama ang kanilang tingin sa isat isa.Ewan pero biglang naging mabilis ang pag t***k ng kanyang puso.Agad niyang ini iwas ang tingin dito.
''Anu iha tinatanggap mo ba?''
Untag pa sa kanya ng don.Nahilot niya ang kanyang sentido saka muling tumingin sa binata. Makulimlim parin ang mukha neto,At hindi rin niya mabasa kung anu ba ang iniisip ni calex ng mga sandaling iyon.Napa hinga sya ng malalim, kung hindi lang talaga kailangan ay di niya gagawin ang mag pakasal sa isang Kagaya ni calex na ubod ng yabang, pero wala syang mapapag piliian.Hindi ito ang tamang uras para mag inarte sya at mamili.Gipit na gipit sila ng kanyang pamilya.
''Sya na lang po ang tanungin nyo Don Elias, ka-kasi hindi naman po ako pwedeng mag pakasal sa kanya ng ayaw niya.''
Alanganin at halos mautal niyang sagot kay Don Elias.
''Calex pinag usapan na naten to, kung ayaw mo si ahlily-''
''Ok fine!Let's get married.''
Agaw at mabilis na sagot ng binata sa ama.Kita nya sa mukha nito ang biglang pag ka bahala sa di niya malamang dahilan.
''Okay, kung ganoon ipapa handa ko na ang kasal ninyong dalawa sa madaling panahon. ''
Anang don elias na naka ngiti sa kanya. Napa buntong hininga na lamang sya.Baka masakal sya ng kanyang amat ina dahil sa kanyang kalukuhang ginawa.
Matapos mapag ussapan ang tungkol sa kanilang kasal ay agad rin syang nag paalam kay Don eLIAS. Napag kasunduan nila na isang civil wedding lang ang kasalang magaganap.Pina kiusapan na rin niya si Don Elias na kung maari ay walang dapat na maka alam ng tungkol doon.
Habang binabagtas niya ang daan palabas sa mansyon ng biglang may humaltak sa braso niya. Muntik pa syang mapa sigaw sa pag ka gulat.
"Anu bang ginagawa mo ah!"
Halos pagalit niyang sabi ng makita kung sino iyun. Si Calex na titig na titig sa kanya.Tila kakapusin pa sya sa pag hinga ng bigla sya netong Isandal sa pader. At saka dahan dahang inilapit ang sariling mukha sa mukha niya.
"Be prepared,because I will teach you how to be my wife!"
Anang binata at saka walang sabi sabing inangkin ang kanyang inosenteng mga labi.