Hapon at nag mamadali na sa pag uwi si felicie.Galing sa bukid nina aling yolanda. Katatapos lang nila mag harvest ng mga talong doon ni Ernesto.Mukhang uulan dahil sa makulimlim na kalangitan. Napa talon pa ang dalaga ng biglang kumidlat ng pag ka lakas lakas.
"Naku naman o! mamaya kana umulan.Wala akong dalang payong. Parang awa mo na. Mag hapon ako sa initan e!Hindi ako pwedeng mabasa."ani niya sa sarili. Habang nag mamadaling binabagtas ang baybayin ng tubigan. Ilang hakbang na lang para makarating sya sa kabilang pang pang ng may masalubong syang isang lalake. Na tila nag mamadali ding maka lampas sa pilapilan na kanyang daraanan. Napa tingin sya sa pinang galingang pangpang. Malayo na sya para sya pa ang umatras at mag bigay daan sa lalake.
Ang lalake ay hindi pa naman ganoon nakaka layo sa pinang galinagan nito.Kaya pwedeng ito na ang umatras para maka saan sya. Sa tingin niya ay dayo ang lalaki base na rin sa suot nito.Muntik pa syang bumunghalit ng tawa ng makita ang suot nito. Pormang porma. Sino kaya pupurmahan neto dito sa ka bukiran. Mga kalabaw at baka siguro. Sa isip isip niya na natatawa. Abay dinaig ba naman ang nasa syodad.Pigil ang kanyang pag tawa habang papa lapit sa lalaking kasalubong niya.Saglit syang napa kurap kurap ng makita ang kabuunan nito sa malapitan.
Jusmiyo ang gwapo!Saan bang lupalop ng langit ito nang galing.Marami na syang nakitang gwapo. Katulad na lang ni Joaquin na anak ng kapitan ng baranggay nila.At ng mga modelong nakikita niya sa magazine. Pero kakaiba ang isang to.Sa tindig pa lang ay maaakit kana.Bigla syang naka ramdam ng pag ka uhaw ng pasimple niyang pinasadahan ng tingin ang labi nito.Halos mag rosa rosa ang kulay noon. Animoy kay lambot at kay sarap halikan.Ang mata nitong kulay hazel na kay pupungay kung tumingin.Napa lunok siya. At biglang napa ngiwi ng makita ang kabuuhan ng katawan ng lalaki.
"Tinamaan naman ng magaling oh!Okay na sana eh, wala na sanang problema perfect na sana. Kaso yung katawan. Parang katawan ni Tarzan sa kagubatan.Subra sa abs."
Muli ay sa isip isip niya saka napa kamot sa ulo at saka inayos ang suot na salamin.Agad niyang ipinilig ang sariling ulo. Saka muling ipinag patuloy ang pag lalakad. Ngunit agad din syang napa tigil dahil sa lalaking kasalubong. Hindi sila pwedeng mag sabay. Dahil sa liit ng daan. Napa titig sa kanya ang lalaking kasalubong at tila inis pa ito.Hindi lang iyun simpleng titig.Kundi titig na titig na ewan niya sa di malamang dahilan ay nag bibigay yun ng kakaibang kilabot sa buo niyang katawan.
Wala sa sariling napa kamot ulit sya sa sariling ulo. Abay wala yatang balak umatras ang isang to.Alanganin na pag ngiti ang kanyang ginawa dito.Ngunit ang lalakeng kanyang kasalubong ay nanatilingb seryoso ang tingin sa kanya.
"Sir, pwede po ba kayo na ang umatras.Total naman po iilang hakbang pa lang kayo.''
Nakangiting paki usap niya sa binatang kasalubong.Ngunit pinaningkitan pa siya ng tingin nito. sabay taas ng kilay.dahil siguro sa kanyang sinabi rito.
"Abay suplado ang kumag."
Saad niya sa isip.Hindi kumibo ang binatang kasalubong niya.Bagkus ay nanatili lang itong naka harang sa kanyang daraanan. At titig na titig pa rin sa kanya. Problema ng mukhang tarzan na to.
"Anak ka ng tipaklong kuya oh!Aabutin ako ng ulan sa ginagawa mo!Pwede tumabi ka muna."Muli ay sa isip isip niya saka inayos ang kanyang nanlalabong salamin dahil sa hamog na rin.
"Sir, kako baka pwedeng paki atras ka muna. Nang maka daan ako."
Ulit niya sa binatang wala yatang balak na mag bigay daan sa kanya. Kulimlim ang mukha nitong tumingin ulit sa kanya.
"Seryoso ka miss?ako pa talaga ang mag bibigay ng daan sayo?Para lang maka daan ka?!"
Masungit at taas kilay nitong pag kakasabi sa kanya saka inilagay ang dalawang kamay sa mag kabilang bulsa
.Napa ngiwi pa ito na parang diring diri sa maputik na pilapilan na tinatapakan.
''Tinamaan ka na naman ng magaling kuya oh!Naku!may kasamaan at pag ka maarte yata itong ka anak ni Tarzan.."
"Eh, sir pasuyo na po ako. Hindi naman pwede na ako pa ang bumalik doon sa kabilang pang pang.Kita mo naman po malayo na oh. Ikaw na lng malapit at pwe-"
"Hey miss nerdy. I don't have so much time for this okay!So ikaw na lang ang mag bigay ng daan.Bumalik ka kung kina kailangan. Nag mamadali ako!Kapag umulan mababasa at mapuputikan itong mga suot ko. So it's better na ikaw na lang ang umatras para matapos na to."
Putol nito sa kanya na hindi naitago ang pag ka irita. Abay ang mukong na ito!Hindi lang pala suplado. kundi may pag ka antipatiko at ubod sama ng ugali. Higit sa lahat ubod Arte na akala mo babae.
"Ay sir hindi naman po pwede yun.Kita mo naman oh ang layu layo ko na doon sa kabilang pang pang.Tapos papabalikin mo pa ako. Pwedeng ikaw na lang muna ang tumabi ng makadaan na ako. Kaya pausap usap na ho. Ikaw na ang umatras. Nag mamadali din po ako na tulad mo. Mag hapon po kasi ako sa pag aani ng talong. Mag hapon sa initan. Kapag inabutan ako ng ulan baka mag kasakit pa ako.Wala akong pera na pang pa ospital."
Mahaba at may pag titimpi niyang pag kakasabi rito. Kita niya ang pag tiim bagang ng binatang kasalubong. Makulimlim pa rin ang mukha nitong naka tingin sa kanya.Napa buga ng mainit na hangin ang dalaga. Pigil ang inis na tumingin sa binata. Ay kapag minamalas ka nga naman Minsan ay makaka sumpong ka ng taong masama ang ugali. Pogi na sana eh.Kaso ang hinayupak na to ubod sama ng ugali.
"Did you see what I'm wearing?This is limited edition. Kapag inabutan ako ng ulan mapuputikan ang suot ko!Sayang ang pera kong ipinang bili dito.And I don't care kung mag hapon ka sa initan at namuti ng talong."
Sagot nito na halos manliit na ang mga mata sa kanya. Ang pinipigilan niyang inis sa binata ay tuluyan ng kumawala.Abay hindi lang pala talaga masama ang ugali nang unggoy na to ah. Matalas din ang dila. matalim na tingin ang ibinigay niya dito.Saka nang gigil na hinarap ito.
"Hoy mister!ay kung hindi ka ba naman isang dosenang gago!siguro naman bago ka pumunta dito alam mong probinsya itong pupuntahan mo.Eh bakit nag suot suot ka pa ng ganyan. Hindi ito syodad ah.Padaanin mo na ako ng matapos na to.Kung hindi lang ako nag ani ng talong at nainitan, kahit maabutan pa ako ng ulan ayos lang!'
Galit niyang sabi saka matalim na tumingin sa binatang naniningkit pa rin ang mata sa kanya.Nag sukatan sila ng tingin. Nag ka titigan. Ewan niya pero parang may kakaiba sabawat titig ng binata kaya naman sya na ang unang nag baba ng tingin dito.
"Miss I don't care kung na initan kapa. Hindi ko na problema yun!At ma's lalo akong walang paki alam kung...kung...nag ani ka ng talong!Ikaw na ang umatras okay!"Muli ay saad nito sa kanya na naibitin pa ang mga huling sinabi.
Abay ang hinayupak na to talaga. Nakikipag matigasan.
"A ganon!eh ano kaya kung yang talong mo ang anihin ko ah!"
Nang gigigil na niyang sagot dito. Ni hindi na niya alintana pa ang mga sinabi ng binatang kasalubong.Dahil sa galit at inis na nararamdaman. At ng hindi na naka pag pigil pa ng galit sa binata. Binato niya ito ng talong na bigay pa ni aling yolanda sa kanya. Na dapat sana ay ipapang ulam nila ng kanyang pamilya ngayong hapon.
"What the hell your doing young woman!"
Gulat at napatalon pang pag kakasabi nito sa kanya ng binato niya ito.
"Hoy!lalaking antipakong ubod sama ng ugali kung talagang ayaw mong mag bigay ng daan bahala ka sa buhay mo!"
Saad niya sabay lapit sa binatang naka harang sa kanyang daraanan. At saka ubod lakas niyang itinulak ito.Dahilan para mahulog ito sa mabahoat putikang tubigan.Nang maitulak niya ito ay agad niyang nilampasan ang binatang nahulog sa tubigan. Nang makalampas ay saka niya nilingon ito na halos mag mura pa dahil sa kanyang ginawa.
"Damn it! what are you doing!''
Sigaw nito sa kanya.Tininggnan lang niya ang binatang halos putikan na ang suot suot nitong t-shirt at maong pants.Lihimsyang natawa ng hinubad nito ang sapatos na kanina lang ay pinag mamalaki nito. Limited edition pala ah!eh wala yan sa bota ko eh.''aniya sa kanyang sarili.
"Buti nga sayo!sama kasi ng ugali mo!"
Inis na sagot niya rito. Saka nag mamadaling lumakad palayo sa itinulak niyang binata.
''Hey nerdy!come back here!"
Ubod lakas nitong sigaw sa kanya.Nilingon lang niya ito saka inirapan at muli itong tinalikuran.
"F*ck you!"
Muli ay malakas nitong sigaw sa kanya. At ang mga mata ay nanlilisik na naka tingin sa kanya dahil sa galit.Abay ang lintik bastos ang bibig. Muli ay kanyang nilingon ang binatang nag sisimula ng umahon sa mabaho at maputik na tubigan.
"F*ck yourself!sipsipin sana ng mga linta yang dugo mo dyan sa tubigan!Nang mabawasan naman yang kayabangan at kasamaan ng pag uugali mo!"
Sagot niya dito. At saka nag middle finger pa at tuluyang iniwan ang binatang halos maligo na sa putikan.
(CALEX P.OV.)*************"
"Kuya anong nangyari sayo?"
Nag pipigil na pag tawang tanong sa kanya ng kapatid na si ahliliy Nang makita ang kanyang hitsura. Matalim na tingin ang ibinigay niya sa naka babatang kapatid. Alam niyang kanina pa nito gustong bumunghalit ng tawa.Ngunit di nito magawa.
"You know what,this is all your fault!"
Asik niya sa kapatid na pigil pa rin ang pag tawa. Napa nguso ito sa kanya.
"At ano namang kinalaman ko dyan kuya?Hindi ko naman alam na sa tubigan mo pala gustong mag swimming."
Anang kanyang kapatid na hindi na napigilan pa ang matawa dahil sa. hitsura niya.Napa iling na lang sya. Sino nga ba naman ang di matatawa sa hitsura niya.Nag ngingitngit sya ng maalala ang babaeng nerd na may kagagawan noon sa kanya.Sa inis na nararamdaman ay inihagis niya ang maputik na sapatos kay Ahlily.
"Kuya naman e!"
asik nito sa kanya ng malagyan ito ng putik. Taas ang kanyang kilay na tumingin sa kapatid. Saka dumiretso ng bathroom. Habang naliligo ay di niya maiwasan ang hindi isipin ang babaeng kanyang naka salubong.Mariin syang napa pikit ng maalala ang mukha nitong galit na galit sa kanya kanina.At talagang nagawa pa syang itulak nito sa tubigan.
Wala sa sariling napa iling iling sya. Habang naka tapat sa shower ang katawan.Bigla syang napa tigil sa ginagawang pag kukuskus ng sariling ulo at biglang naimulat ang mga matang naka pikit. Kanina ng maka salubong niya ang babaeng iyon at natitigan ay may kakaiba syang naramdaman. At sa buong buhat niya ay kanina lang niya yun naramdaman. Bakit ganoon kabilis ang t***k ng puso niya?Bigla niyang naipilig ang sariling ulo. Kung anu ano na ang naiisip niya. Sa dinami raming babaeng nag kakandarapa sa kanya sa manila higit sa lahat magaganda pa. Bakit ba kailangan niyang paka isipin ang babaeng nerd na yun.Napa buntong hininga sya. Infairness kahit nerd ito ay di maitatanggi na may maganda itong pangangatawan.
"A!that crazy nerd!wag na wag lang syang mag papakita sa akin,dahil sisiguraduhin ko na dila lang niya ang walang latay."
ani niya sa sarili. Nang maka tapos sa paliligo ay agad naman niyang hinarap ang naka babatang kapatid na nasa kusina.Kahapon pa sya dumating sa quezon. At kamalas malasan pa ay kung anu ano na agad ang pinapagawa sa kanya ng kanyang amang si Don Elias. Na ayaw na ayaw naman niya ngunit wala syang magawa. At isa na nga ang dapat na pag sundo niya sa kapatid na si Ahlily na nasa malawak na taniman ng mga coco lumber na mismong pag ma may ari ng kanilang pamilya.Ngunit naka uwi na pala ito. At ang ending naka salubong niya ang mala amazonang nerd na iyon. At sa kauna unahang pag kakataon ay may babaeng nag sungit sa kanya. At naitulak pa talaga sya mabahong tubigan.
"Anu ba talaga nang yari sayo kanina kuya at naligo ka sa putik?"
Muli ay pag uusisa sa kanya ni ahlily na nag simula na naman na mag pigil sa pag tawa. Sinamaan niya ng tingin ang naka babatang kapatid. Alam niyang ma's pag tatawanan siya ng kapatid kapag nalaman nito ang totoong nang yari. Ngunit alam din niyang di ito titigil sa pangungulit sa kanya. Inabot niya ang juice na malapit sa kanya saka ininom iyon.
"May naka salubong akong nerd at baliw na babae doon sa may tubigan."
Maikli niyang pag kakasabi saka sumubo.
"And?"
"And noong di ko sya pinag bigyan na sya ang unang dumaan-"
Di pa man natatapos ang kanyang sinasabi ay bigla ng bumunghalit ng tawa si Ahlily.Napa iling na lang sya. Sinasabi na nga ba eh.Pag tatawanan lang sya netong magaling niyang kapatid.Kung di lang ito babae ay baka naitulak na niya ang kapatid.
"At noong di mo napag bigyan na sya ang unang dadaan itinulak ka sa tubigan!Ganon ba kuya ang nang yari?Oh my god!for the first time na may gumawa yata noon sayo.Walang epekto yang pagiging pogi mo dito sa probinsya Kuya."
Ani nitong patuloy pa rin sa ginagawang pag tawa.Napa iling iling na lang sya sa sinabi ng kapatid.At saka tahimik na tumayo sa pag kaka upo. Matapos kumain ng hapunan ay agad niyang tinungo ang sariling silid. Saka binuksan ang laptop. At kanyang binuksan ang email roon. Ngunit hindi pa sya natatagalan sa pag babasa ng mga e-mail na naroroon ng biglang mag buffer ang kanyang laptop.
"Damn!this is why I do not want to go here!"
Aniya sa kanyang sarili. Saka inis na muling ibinalik ang laptop sa kanyang bag. Habang nag iisip siya ng maaring gawin ng gabing iyon ng biglang may narinig syang sasakyan.Agad syang sumungaw sa bintana..At Napa iling na lang sya ng makita ang kanyang ama.Marahil ay galing ito sa bagong lupang nabili nito sa kabilang bayan. Alam niyang may nabili na namang lupain doon ang ama. At balak iyon pataniman ng mga mangga.Minsan ay di niya lubos maisip kung bakit hinayaan nito na sya ang mamahala sa kanilang kumpanya.At mas pinili nito ang ganoong buhay sa probinsya.Na kung siya ang tatanungin at pa pipiliin ay mas gugustuhin pa niya ang tumira sa batangas kaysa sa lugar na kung saan ay malayo at liblib.Ultimo internet ay ubod ng hina. Isa pa ay nakaka binging katahimikan ang mayroon sa lugar na iyun. Walang ibang maririnig kundi mga huni ng ibon at kuliglig.
Bumalik sya sa kanyang kama. Humiga at mariing ipinikit ang mga mata. Matagal ang pag pikit niyang iyon.Hanggang sa bigla syang napa balikwas ng bangon.
"Damn it!why do I think of that nerd!ano bang nang yayari sa akin!"
Mahinang mura niya sa sarili. Saka napa hilamos ang mga kamay sa mukha. Wala namang espesyal sa babaeng iyon.Maliban sa maliit na ay nerd pa. Pero bakit hindi na mawala wala sa isip niya ang amazona na yun.