(CALEX P.O.V) "Bakit hindi ninyo ako ginising!?"galit na sita ni Calex sa mga kasama sa bahay ng malaman umalis si Felicie ng hindi niya nalalaman. Makailang ulit na niyang tinatawagan ang asawa ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. "Wala bang nasabi sainyo kung saan sya pupunta?"yamot parin niyang tanong sa mga kasama sa bahay. Hindi parin niya tinitigilan ang pagtawag sa asawa kahit pa nga puro pag ring lang ang cellphone nito sa kabilang linya. Sunod-sunod na pag iling ang ginawa ng mga bodyguard niya. Maging si Lester at mang Jun ay tanging pag iling lang din ang naisagot sa kaniya. Sapu-sapo niya ang ulo. Sumasakit na naman ang ulo niya. Tapos bigla bigla din syang nilalamig. Nang walang makuhang sagot sa kaniyang mga bodyguards at driver ay muli syang pumasok sa loob ng b

