(Felicie P.O.V) Nagising sya sa malakas na ingay na nagmumula sa labas ng bahay. Kinusot kusot niya ang mata. At iginala ang paningin.Saka lamang niya naalala na wala na nga pala sya sa bahay ng kanyang asawa. Mabigat ang kanyang katawan. Tinatamad pa rin syang bumangon. Ngunit kailangan. Nakakahiya naman sa kaibigan niyang si Jecel kung magpapasikat pa sya ng araw sa pag bangon.Nag unat sya at tuluyan na bumangon. Pinusod niya ang buhok at tumayo. Inayos niya ang kamang hinigaan.At nang matapos ay lumabas na sya ng kwarto. Naabutan niya si Jecel na nag hahanda ng kanilang almusal.Mukhang maaga nagising ang kanyang kaibigan. Nakaligo na kasi ito. At nakabihis na din. Mukhang papasok na ito sa trabaho. "Gising kana pala. Halika na,kain na tayo."aya nito sa kanya at nag lapag ng isa pang p

