(CALEX P.O.V) Tila sasabog ang kaniyang dibdib sa galit. Hindi sya makapaniwala sa narinig kanina buhat sa family doctor nila ng mag pa check up sya.Hindi na kasi niya kinaya pa ang pananakit ng kanyang ulo at ang nararamdaman na panlalamig sa katawan.Kaya naman nag pasya na sya ipatawag si dok Daniel Miller.Ang doctor na kasing edad lamang din niya "Gumagamit kaba Mr. Saavedra?"seryosong tanong sa kaniya ni Dok Miller na labis na ikinakunot ng noo niya. Nung una ay hindi niya makuha ang ibig nitong ipahiwatig. Ngunit agad din naman niya nakuha ang ibig iparating nito ng malinawan ang pag iisip niya. "No.Ni minsan ay hindi ako natuksong gumamit ng drugs. At ni minsan ay hindi iyon sumagi sa isip ko. Siguro,playboy ako noon. But I'm not drug addict."katwiran niya sa doctor.Napatango

