"Hoy Felicie,anu bang balak mo diyan sa hotdog?Kaloka ka,walang kalaban laban kung tusukin mo. Jutay na yan oh.Kakainin mo ba or tutusukin mo na lang yan?" Saad sa kanya ni Ernest. Habang nag la lunch break sila. Napa nguso siya sa tinuran ng kaibigan.Na iinis siya sa tuwing na aalala ang ginawa sa kanya ng Tarzan na iyon. At ang traydor niyang utak ay ayaw pang maki sama sa kanya. Bakit ba kasi hindi na mawala wala sa isip niya ang bastos na lalaking iyon. Bakit ba sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay ang gwapo nitong mukha ang lumilitaw sa balintataw niya.Hindi na niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang kanyang nararamdaman. Gayong di naman siya dating ganon. Napa hinga siya ng malalim. "Uy ang lalim noon ah. Anung problema mong bruha ka?" "Wala." Tipid niyang sag

