Napaawang ang labi ni Felicie ng maabutan niya sa kanilang balkunahe si Calex. Hapon,kararating lang niya galing kina Ernesto. Kunot ang kanyang noo at may pag tatakang tumingin siya sa binatang malulutong ang tawa habang kausap ang kanyang Itay at Inay. Maging ang mga ito rin ay mga kapwa nag sisipag tawanan habang nakikipag kwentuhan sa binata. Napa irap na lang siya sa kawalan.Habang naka tingin sa mga ito. "Feeling close ang hinayupak na to. Naku kung alam lang ng Itay ko ang ginawa mo sa inosente kong labi.Ewan ko na lang!Baka umuwi ka sa inyo na iisa na ang paa mo."ani niya sa sarili. Napa tigil naman ang binata sa pag ku kwento ng makita siya.Lihim itong kumindat sa kanya. At saka ngumiti ng nakaka luko.Napa irap siya dahil sa ginawa nito. Kahit kailan talaga walang alam gawin k

