TEASER

597 Words
He's POV Sa totoo lang, di ko alam kung bakit SIYA pa. Madami namang mas Maganda pa sa kanya, Pero bakit siya pa itong nakuha ng aking mga mata. Wala siyang Emosyon, emotionless!, kung tumingin pa nga parang pinapatay ka, kinikilatis na parang kriminal ka, o kahit ano pang labag sa kanyang mga mata. Wala siyang Taste, kung manamit daig pa lalaki kung pumorma, mas mainam pa nga manamit mga kargador ng tubo sa kampo, kung maglakad parang lalaki, daig pa siga sa kanto, kung kumain walang pakialam, may sariling mundo. Wala siyang Pakiramdam, di marunong makiramdam, kala mo bato, talaga naman sigurong bato, eh halos lahat ng tao galit sa kanya, pero ayon walang pakialam. Siguro pasok sa tenga labas sa kabila yung ginagawa nito. Ewan, di ko talaga siya maintindihan, magulo kausap, selfish, at higit sa lahat MAYABANG! Walang humpay na kayabangan niya, palaging inuuna ang iba kesa sa sarili niya. Basta lahat sa kanya ay AYAW ko, pero daig ko pa bombero kung maka-rescue dahil sa mababalitaang NAPAAWAY siya. Basagolera, palaging nasasangkot sa away ng iba, kahit di naman siya ang kaaway ng mga 'to, palaging rumeresbak basta kakilala, Tsk!. Talagang hero ng masa, tama ba? Or should I call her 'bida-bida'. Pero bilib ako sa lahat ng ginagawa niya. Konting kaligayahan ang alam kung meron siya, yung makitang, mapasaya lang ang iba ay masaya na siya. Pero, sa lahat ng sinasabing AYAW ko ay NAGUSTUHAN ko. Ewan ko nga kung bakit, sa dinami-dami ng taong makakasalamuha ko ba't siya pa. Bilyon-bilyong tao sa mundo, siya lang ang kakaiba. Ewan, pero siya lang talaga ang masasabi kong kakaiba. Siguro nga, masasabi nating kakaiba ang mga bagay na hindi masyado nakikita ng ating mga mata. May mga bagay na sinasabi nating ayaw natin pero ang totoo gustong-gusto naman natin. May pagkakataong, gusto natin pero hindi pwedi, pwedi sa'tin pero di nila gusto. Sa sarili natin tama yung ginawa pero mali sa iba, mali sa atin tama sa kanila. Ano nga ba ang pagkakaiba? Naisip ko, kaya tayo hindi nagkakasundo dahil sa pagkakaiba-iba, kaya tayo may pagkakaiba dahil dun tayo sinasanay, sinasanay na umunawa sa mga bagay na kakaiba. Magkakaiba pero may pagkakapareha, ang pagkakaparehang pantay sa diyos ang bawat isa. Hindi ko parin lubusang mawari, wala namang perpekto sa mundo pero 'pag siya ang kasama ko wala ng hihigit pa sa salitang perpekto. Hindi sa lahat ng oras papanig si kupido, minsan tuso sa paglalaro kaya kung saan-saan tumatama ang palaso. Pero kahit na gan'on, bilib ako sa pagkatuso ni kupido. Kung sino nga namang ultimate enemy mo siya itong bibihag sa'yo. 'Binihag at minahal ko higit isang daang porsyento' Maraming pagsubok ang pinagdaanan, Maraming hadlang ang ipinaglaban, Maraming sakit ang naranasan, Maraming mali ang iniwasto, Marami mang bagay na hindi sang-ayon, pero lahat ng iyon ay napagtibay ng aming PAGMAMAHAL. Sabi nila, kung talagang para sa'yo, walang makakakuha at walang makakapaghiwalay, dahil ang itinadhanang iyon ay nakaukit, nakalimbag, nakadikit at walang sinumang makakapaghiwalay n'yon kahit pa dumaan ang maraming taon. Sa lahat ng mga pinagsasabi ko, isa lang ang mahalaga... MAHAL KO ANG LAHAT SA KANYA... AT ...KAHIT SA SUSUNOD NA BUHAY , SIYA AT SIYA PARIN ANG MAMAHALIN KO. Nawa'y inyong mabasa ang kwento namin ng pinakamamahal kong 'kababe' my one and only love. I'm his Forever Kulot & She's my Forever Unat. - KCMDL? 'Sa oras na tumuloy ka, bilanggo na kita' -INMATE 101 A Novel by Gelynebabe -senyoritanyle? #Enjoy reading, hope you like it. God Bless & lablots?? Muchas Gracias Por Leer ?? Your vote ? is utterly appreciated.?? - Gelynebabe
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD