“GUSTO pa ho ba ninyo ng beer?” Umiling si Lianne kay Nessa. “No thanks," tanggi niya. “Mababa lang ang alcohol tolerance ko, eh.” Nakakatatlong bote na siya ng beer at bahagya na siyang nahihilo. Muli niyang ibinalik ang pansin sa tangan na song book. Sa halip na mag-swimming ay nakipag-videoke na lang siya sa mga kaibigan. Kapipili pa lang niya ng kakantahin nang may magsalita sa kanyang likuran. “Ma’am Lianne.” Nilingon niya ang nagsalita at nangunot ang noo nang makita ang driver nila. “Kuya Luis, ano’ng ginagawa ninyo rito?” gulat na napatayo pang tanong niya. “Kanina pa ho kayo ipinapahanap ng daddy ninyo. Nag-aalala na ho siya kasi hindi ninyo sinasagot ang tawag nila ni Sir Xander,” tugon ng lalaki. “Nagsabi naman ako kay Mamang Aida na lalabas ako kasama ng mga kaibigan ko,

