PASIMPLENG sinulyapan ni Lianne si Xander habang nasa taxi sila pauwi sa mansiyon. Mula pa kaninang umaga ay hindi nagsasalita ang binata. Hindi man lang ito nagtangkang buksan ang usapan tungkol sa nangyari sa kanila kagabi. Hindi naman siya makaipon ng sapat na lakas para siya na mismo ang magsimula ng usapan. Ilang minuto pa ay narating na nila ang mansyon. Naabutan nila ang kanyang Lola Fely sa salas. pagkatapos magmano rito ni Xander ay agad na itong umakyat sa silid nito. Niyaya siya ng lola niya na mag-merienda pero tumanggi siya at sinabing gusto na rin muma niyang magpahinga. Umakyat na siya sa kanyang silid at pabagsak na nahiga sa kama. Sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip kay Xander. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin. Hindi naman puwedeng umarte siya na parang wala lang k

