SIMN #1: That Selfie Girl

2566 Words
Minsan napapaisip ako... Five years from now ano na kayang klaseng tao na ako non? Like Mayaman na ba ako, Naabot ko na kaya yung mga pangarap ko or na-achieve ko na kaya during that time na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko? Siguro may Jowang Afam na ako that time. Maraming Gold... may tatlong kambal na anak tapos si Thor ang Ama. Hay... Ang pogi naman ng mapapangasawa ko. Oh my ghaad, Nakakakilig! Paano kaya no? Maganda pa din kaya ako kahit na mag-karoon na ako ng Tatlong kambal na mga anak? Hmm... "Hoy, Tonette!" Halos mahulog na ako sa Kinauupuan ko nang kalabitin ako nitong Officemate kong si Lara. "Naman e! Nandoon na e... Ano nanamang kailangan mo, Vhakla? Istorbo ka e!" Padabog ko pang pagkakasabi dito. Daig ko pa ang nag-tatantrums na bata dahil hindi nakuha ang Lollipop at Tsokolate na gusto. Kasalukuyan kasi akong nasa Opisina ngayon sa Kompanyang pinapasukan ko. Nakabreak naman kami, Oo. So may time ako para mag-muni muni at tumulala ng panandalian sa paligid. "Hoy, Anong istorbo ang sinasabi mo diyan ha? E nakatulala ka lang naman diyan. Wala ka namang ginagawa. Nakanganga ka pa, Sana pala nakalunok ka na lang ng Langaw para nang sa ganon makabalik ka sa Senses mo. Shuta ka!" Singhal pa nito sa akin na ngayo'y nakapamewang na sa aking harapan. "E ano ba kasing kailangan mo at nandito ka? Busy kaya ako." Sabi ko saka ko siya Inirapan. "Busy ka diyan! Busy kang ano... Mag-day dream? Ano nanaman yang iniisip mo. Ay mali! Sino nanaman yang kinahihibangan mo?" Taas kilay pa nitong mga tanong sa akin. "Alam mo... Wala ka na don! Just mind your own business! Hmp." Napa-Ismid na lamang ako saka ko siya tinignan sa mukha. "Tse! Akala mo naman talaga. By the way... Nag-punta ako dito kasi Pinapakuha sa akin ni Madam iyong report na pinapatapos niya sa'yo. Asaan na ba?" Mas nagulat ako nang narinig ko iyong dahilan ng pag-sadya niya. "Oh my ghaaaad, Lara..." Nakahawak pa ako sa bibig ko pag-katapos kong mag-react doon sa sinabi niya. "Ano?" "Ngayon pala yon, Vhakla?" "Omg, Girl! Seryoso ka ba? Hindi mo pa ginagawa? Yari ka niyan kay Madam loka-loka ka talaga!" That's Lara Angelie Da Silva. My workmate s***h my friend na kung umasta kala mo Nanay ko dito sa Opisinang 'to. "Ginawa ko na, Ano ka ba! Masyado namang mataas yang reaksyon mo." "E.. O asaan na?" Anito saka pa niya inilahad ang isa nitong palad sa tapat ko. "Yun lang! Hindi ko pa kasi tapos..." Pabulong ko lang pagkakasabi dito. "Nako! Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa'yo e. Inuuna mo pa kasi yang Kahibangan mo kaysa ang mag-trabaho. O baka naman... Pati trabaho mo napanaginipan mong tapos ka na pero hindi pa pala! Hoy, Vhakla ayusin mo yan. Huwag mo nang hayaang si Madam pa ang pumasok at umusig sa'yo dito." Susko... Nag-sermon nanaman ang Nanay ko. Galit na galit gusto manakit ha?! "Oo na. Sige na! Ako ng bahala. Tatapusin ko na. Ako na din ang bahalang mag-abot nito kay Madam. Dami mong sinasabi diyan e! Gutom ka lang ata, Mag-break ka na muna kaya. Puro ka kasi trabaho!" Oo. Pinapaalis ko na siya para makapag-trabaho na ako ulit. "Hay nako, Tonette! Bahala ka nga diyan" Aniya saka nito pabagsak na isinara palabas iyong pintuan. Napaka-talakera ng Kaibigan kong yan kahit kailan! Di nanaman ata nadiligan ng Jowa niya kaya ayan... Ako nanaman ang pinag-iinitan ng Bruha. Tsk tsk. Kawawa naman siya! By the way, Gagawin at tatapusin ko na nga yung report na hinihingi ng Boss namin at baka mawalan ako ng Trabaho kapag hindi ko nameet ang Expectation niya. "Tonette..." "Teka, Ano ba mamaya na kasi nag-tatrabaho yung tao e. Huwag istorbo!" Singhal ko pa doon sa taong tumawag sa akin sabay tabig doon sa kamay nitong humampas sa balikat ko. "Ehem! Ms. Monteclaro?" Omg! That voice... Bakit parang si Madam? Oh my ghaaaad, Anong ginagawa niya dito?! Unti-unti ko pang Inirotate ang sarili mula doon sa kinauupuan ko. "Yes?" Nakangiwi ko pang bati sa harapan niya. And yes that's our Boss. Madam Elisa Samaniego. May ari nitong buong kompanyang pinapasukan ko. "Yes, Madam! Pasensya na po. Ahm.. Akala ko po kasi si Lara or someone iyong tumapik sa akin." Saka ako biglang tumayo doon sa harapan niya. Nakakahiya ka, Antoinette! Ano yung mga sinabi mo. Gusto ko na atang mawala at mag-pakain na lang sa Pogi. Ay... este sa lupa. Oo tamaa! "It's okay, Hija. I just came here to check on you. That's it!" Aniya at namanage pa nitong ngumiti sa harapan ko. Madam, Huwag ka nang mag-kunwari diyan. Alam kong gusto mo nang mainis dahil doon sa Inasal ko kanina. My ghaaad, Sorry nakakahiya talaga ako. Pero hindi ko naman kasi talaga sinasadya! "If it's about the report Ma'am... Pina-Finalize ko na lang po ang lahat then ibibigay ko na po sa inyo ang Actual copy." Diretso kong pag-kakasabi dito pagkatapos ay yumuko. "Alright then... Sige. Aantayin ko at kailangan ko nang mahawakan iyang report for the Upcoming meeting with our Client. Are we clear?" Anito saka pa siya tumingin ng diretso sa mga mata ko. Bakit parang pakiramdam ko nahusgahan niya na ang buong pagkatao ko dahil sa tingin niyang iyon sa akin? Napapapikit na lamang ako dahil doon sa nangyari kanina. Tekaa... Good mood ata si Madam. Akala ko kasi magagalit siya sa akin dahil ganon ang naging reaksyon ko sa kanya kanina. Medyo kinakabahan kasi ako kanina gawa nong hindi ko pa nga tapos iyong hinihingi niya sa akin. I actually assumed na magagalit siya or kukuwestyunin niya ako tungkol doon but it turns out ganon ang naging eksena naming dalawa. Hmm... Siguro may nangyaring maganda sa kanya last night kaya siya Good mood at hindi nakasigaw. Maybe nasabuyan ng good vibes ang Halaman ni Madam, Kagabi! Siya siguro ang nadiligan at hindi kagaya nong kaibigan kong Talakera! Hmm... Sanaol, Madam! Hays. **** *** **** "Here, Ma'am... Natapos ko na po. Anything po na tingin ninyo ay dapat ko pang I-revise at palitan. Sabihin niyo lang po sa akin." Nakangiti ko pang sabi rito saka ko inilapag sa harapan niya ang Isang brown long folder kung nasaan iyong mga Dokumentong pinagawa niya. Hindi na muna ako umalis doon sa harapan niya at inaantay ang susunod nitong sasabihin sa akin. She check the papers inside the Folder saka ko pa napansing biglang napakunot ang Noo niya at nag-patango tango pa habang binabasa niya ang mga iyon sa harapan ko. At pagkatapos ng Ilang minuto tumingin ito sa akin ng diretso. "You may now go. Thank you!" Anito saka biglang ngumiti sa harapan ko. Hindi naman agad nag-sink in sa akin iyong mga sinabi niya kaya naman nagulat pa ako. "Ma'am, Ayos na po?" Paninigurado ko pa sa kanya. "Yes. Sige na, Okay na ito." "Okay, Ma'am. Sige po. Labas na po muna ako." Sabi ko pa saka ako diretsong lumabas mula doon sa Opisina niya. "Tonette, Ano kumusta?" Halos mapatalon na ako dahil sa pagkagulat nang marinig kong magsalita itong si Lara habang nakasandal pa siya doon sa Dingding pagkagaling mula doon sa loob. "Ano ka ba naman! Nanggugulat ka. Ano bang problema mo?" Saka na ako muling nag-lakad at naiwan na siya doon. "Kakakape mo yan, Bruha! Ano kumusta? Anong sabi sayo ni Ma'am Elisa?" Sunud-sunod pa nitong tanong sa akin habang humahabol sa pag-lalakad ko. "Ayos naman. Wala naman siyang naging violent reaction. Ikaw lang naman 'tong nag-mamadali! Tss..." "Hoy, Sinabihan niya naman talaga akong paalalahanan ka. Baka kasi naflush na sa utak mo ang lahat nang yon!" Napahinto naman ako dahil doon sa narinig kong sinabi nito saka ko siya hinarap. "Alam mo ikaw, Grabe na yang bunganga mo ah? Pumreno ka nga minsan ha! Hindi ko naman nakalimutan yon no?" Saka ko pa ito tinaasan ng kilay. "Bueno! Halika na at sabay na tayong mag-lunch, tara na." Aniya saka pa ito ngumiti sa akin nang parang walang nangyari. Napa-Ismid na lamang ako sa kanya at hindi na nag-salita pang ulit! Ganyan talaga kami kung mag-usap na dalawa. Balasubas at diretsahan kung mag-batuhan ng mga salita sa bawat isa. In short hindi kami Plastic! Sinasabi na namin ang lahat-lahat sa Isa't-Isa para walang tirahan patalikod na nangyayari sa aming dalawa. Matagal na kaming mag-kakilala niyang si Lara. Naging blockmates kami noong College hanggang sa mabalitaan niya nga akong may hiring dito noon at nag-hahanap sila ng Staff hanggang sa ayan! Nakapasok ako sa banga at pumasa sa Taste ni Madam Elisa. Napansin siguro nila ang taglay kong Alindog at Kagandahan kaya nila ako agad-agad na hinired at kinuha para Kompanya nila. Oo tama! Yon talaga ang isa sa mga pinakamalaking dahilan kung bakit nandito ako ngayon. "O anong gusto mong kainin, Bruha? My treat!" Anito at Iprinisenta na ang sarili para mag-order. "Ay bongga ka, Vhakla ah? May budget?" Kunwari nagulat pa ako sa sinabi niya sabay takip doon ng dalawa kong kamay sa harapan ng aking bibig. "Ang dami mong sinasabi! Nagugutom na ako. Ano gusto mo ba ng libre o hindi?" Pag-tataray pa nito saka ako tinaasan ng Kilay. "Sige na, Fried chicken tapos isang Kanin. Thank you!" Malapad pa ang ngiti ko sa kanya pagkatapos kong sabihin iyon. Saka ito diretsong tumalikod at nag-puntang Counter. Nang makabalik na siya bitbit ang isang Tray na may laman na foods saka ko siya ulit sinermonan at kinuwestyun tungkol sa kung anong problema niya. Kanina pa kasi siya nakasinghal sa akin. Para siyang baliw na pabago-pabago ng mood e! "Ano bang problema mo, Lara at kanina ka pa diyan mainit ang ulo? Bumawi ka na lang mamayang gabi. Baka later maka-score ka na! Hindi yung pati ako dinadamay mo dyan sa drama mo." "Leche ka! Kumain ka na lang diyan! Saka huwag mong pakielamanan ang Love life ko, Inggitera ka!" Sa medyo malakas na boses niya iyon sinabi sa akin. "Oo. Ayan, tama yan kumain ka ng madami para may energy ka mamayang gabi. Rawr!" Pang-asar ko pa saka iniangat at minuwestra ang isa kong kamay sa harapan niya na parang Tiger. Siya naman e.. natawa na lamang dahil doon sa ginawa ko. "Be, Kinilig ka no? Naisip mo ba?" Dagdag ko pa dito. "Tigilan mo ako diyan, Tonette!" Saka ito muling sumeryoso at nag-patuloy sa kanyang kinakain. "It's okay, friend... Huwag mo nang pigilan yan baka sumabog ka diyan sige ka!" Sabi ko pa saka na natawa sa sarili kong mga biro sa kanya. Siya naman umirap lang sa akin at hindi na ako pinansin pa. Napikon na ata! Ganyan talaga kaming dalawang mag-usap. Bastusan! Sanay naman na sa akin ang isang yan! ---- --- ----- So ayon... Saturday nanaman bukas. And haping-happy nanaman ang katawang lupa ko. Dahil rest day! Pamper day and everything nanaman ang vhakla! Wala akong ibang gagawin kung hindi ang mag-pahinga at humilata sa kuwarto ko maghapon. At kung minsan lumalabas ako kasama ang mga friends and family ko. Ibinagsak ko na ang katawang pagod ko sa Kama matapos kong mag-palit ng damit pang-bahay. Napapatulala na lamang ako sa Kisame dito sa loob ng aking hindi kaliitan at hindi rin naman kalakihang room. I was about to take a nap dahil pagod ako sa buong maghapong pag-papatansya sa mga poging lalaki. Este mag-trabaho pala! Nakakapikit pa lang ako nang may malakas na kalabog mula doon sa labas ang narinig ko. Kaya naman agad akong napatayo para Icheck kung ano yung nangyayari sa labas. Bumulaga sa akin ang dalawa kong Kapatid na nag-babatuhan ng Unan at ilang gamit. Sanay na akong ganyan kagulo ang bahay namin! Na-immune na ako sa ganyang palaging eksena nila dito, lalo na kapag wala sila Mama. Naka-straight face lang akong pinag-mamasdan silang dalawa mula sa aking kinatatayuan. Hinahayaan ko silang dalawa na ipagpatuloy yung mga ginagawa nila hanggang sa marealized nilang nandito na ako at pinanunuod lang sila. Natigil sila pareho nang mapansin nilang kanina pa pala ako nakamasid. Saka ko pinagkrus ang aking mga braso. Umayos silang dalawa saka agad na naupo doon sa Couch na parang walang nangyari. "O bakit bigla kayong tumigil?" Tanong ko. Pero walang sumagot sa kanila. Yes mayroon akong dalawang kapatid na mas bata sa akin. They are like Nine and Eleven years old. Medyo malaki ang age gap naming tatlo. Tipong akala ko never na akong magkakaroon ng mga Kapatid at wala nang balak ang mga Magulang kong sundan ako. Chusera ang Parents aariba pa pala sa dalawang pagkakataon. Dinagdagan pa ang populasyon sa bansang Pilipinas! "Ayusin niyo lahat nang ginulo niyo diyan, bago pa dumating sila Mama. Ayokong mainis kasi pagod ako at kailangan kong mag-pahinga, dahil galing akong Trabaho. Kung hindi pa kayo kumakain, may pagkain diyan sa lamesa." Ang seryoso ko naman masyado! Kailangan ko kasing maging ganon sa harapan nila para mag-karoon sila ng Takot sa akin kahit paano. Kailangan matuto silang sumunod at makinig sa mga sinasabi ko sa kanila bilang nakakatanda nilang kapatid. Pagkatapos nong maikling pakikiusap ko doon sa dalawa, bumalik na rin ako agad sa aking kuwarto para saglit na mag-pahinga. Mamaya na lang ako ulit babangon para mag-dinner. "Ano Millie at Milo ano nanamang kalat ang ginawa niyo dito habang wala kami ng Papa niyo?" Bungad nitong si Mama pag-dating nila dito sa bahay. Pero itong dalawa tulala at parang walang naririnig! "Millie, Milo? Ano wala kayong narinig?" Magkasalubong pa ang dalawang kilay nang nanay ko habang nakapamewang sa harapan nong dalawa. "Tama na yan Marife, kumain na muna tayo! Hayaan mo na ang mga yan. Normal lang na mag-kulit ang mga yan dahil mga bata pa iyan." Rinig ko namang sabi nitong si Papa. "Antoinette, Halika dito anak. Kumain ka na din!" "Ayan ganyan, Armando! Kaya nag-kakaganyan ang mga batang yan kasi parang kinukunsinti mo pa. Hay nako, Ewan ko sayo!" Anito saka diretsong pumasok doon sa Kusina. "Kayong dalawa, Hali na kayo dito. Kumain na kayo!" Tawag ko doon sa mga bata saka sila diretsong naupo doon sa tapat ng Lamesa. "Kayo ha, Makikinig kayo pareho kay Mama para hindi naha-highblood sa inyo!" Dagdag ko pa. Maagang mag-memenopause ang Nanay ko kapag ganyan! Hindi nakakafresh ang palaging stress. Ay nakoo! Ang Nanay at Tatay ko may puwesto sa Palengke doon sa Bayan. At iyon ang pinaka source of income ng Pamilya namin. Kaya madalas kapag umuuwi ako galing trabaho wala pa sila. At itong mga magagaling na bugwit nag-kakaroon ng oras para mag-rambulan dito sa bahay kapag wala ang mga Pusa. Gaya kanina.. Gusto ko lang naman sanang umidlip pero ang gugulo ng batang 'to. Suskoo! Matinding pasensya lang talaga ang kailangan. Kailangan kong panindigan ang pagiging Dalagang Filipinang mahinhin ko rito sa amin! Tipong kahit naiinis dapat may poise pa rin ako. Dapat mukha pa din akong Fresh at maganda. Mas fresh sa mga Tilapia sa palengke ganorn! Tahimik lang kaming kumakain lahat nang maya-mayang nag-salita itong Nanay ko. As usual... Ateng-ate ang ganap ni Vhakla. Madalas kong turuan at tulungan ang dalawa kong kapatid sa mga Assignments and everything nila sa School. Akala ko nga rin matagal na'kong tapos sa pag-babasa ng Ingles, pag-aanalyze at pag-sasagot ng Wam plus wan at Two dibayd dibayd by payb e. Hindi pa pala, Trial and error palang pala yon! Ulirang anak at kapatid ako dito sa loob ng bahay. Tapos ang hindi nila alam pagdating sa abas ng bahay... Rawr, rawr! And yes, Selfie is Name.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD