PROLOGUE
Nag-lakad na ako papasok doon sa unang kanto para agad na makasakay ng Tricycle pauwi sa bahay.
Mataas pa naman ang sikat ng araw kahit na Alas kuwatro na ng Hapon. Marami rin ang mga taong kasabay kong nag-lalakad sa buong lugar.
Nang biglang may isang lalaking tumakbo papalapit sa akin. Sa sobrang bilis nang pangyayari hindi na ako nakapag-reak at mabilis nitong nakuha ang buong bag ko.
"Mag-nanakawwwwwwww!!" Sigaw ko. Matapos makaalpas nong Snatcher sa akin.
Agad akong tumakbo at sinubukang habulin iyong lalaking humablot ng bag ko. Pero hindi ko siya maabutan!
"Ibalik mo sa akin yan, Hoy! Mag-trabaho ka ng matino. Mag-nanakaw! Tulungan niyo ako. Habulin ninyoooo!" Sigaw ko habang patuloy na hinahabol iyong lalaki.
Hindi ko talaga siya magawang maabutan sa bilis ng takbo nito. Kaya naman napatigil na ako sa pag-takbo nang mapansin kong mula dito sa kinatatayuan ko ay may Isang lalaking humarang sa kanya at pilit na kinukuha doon ang aking Bag.
Lumapit ako sa kanila...
"M-masakit!" Halos mangiwi-ngiwi na nitong reklamo habang nakapilipit ang magkabilang braso nito sa kanyang likuran.
"Ano bibitawan mo ba yung Bag o hindi?" Banta pa nito doon sa Lalaki.
"B-bitawan mo rin muna ako, Sir. At bibitiwan ko na din 'tong bag. Nasasaktan na ako e!" Nanginig-nginig pa ang boses nito dahil sa takot.
"Akin na yang bag ngayon na!" Kalmado pa nitong pagkakasabi dito matapos nitong sumunod doon sa sinabi sa kanya nong Snatcher.
"Kung ako sayo, Tol. Mag-tatrabaho ako ng maayos kaysa piliin ang mag-nakaw at gumawa ng hindi maganda sa kapwa." Rinig ko pang sabi nito saka sa akin diretsong iniabot ang bag sa akin.
"Pasensya na, Boss. Nagipit lang talaga ako kaya ako nakagawa ng ganyang bagay!" Nakayuko pa nitong pagkakasabi habang nagkakamot sa kanyang ulo.
"Huwag ka sa aking humingi ng Pasensya kung hindi sa kanya." Anito saka ako nilingon at itinuro.
Nagulat ako nang humarap iyong lalaking sumaklolo sa akin. Oh my golly wow! Ang guwapo niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nakanganga na ako dito at kulang na lang e.. Mapasukan na ng bangaw ang bibig ko dahil sa pagka-amaze ko nakikita ko.
"Anong nangyayari dito? O ikaw nanaman?" Saka naman biglang nag-datingan ang mga Pulis matapos nong nangyari.
"Miss.. Miss..."
"H-ha? Ano yon, bakit?"
"Mag-iingat ka na sa susunod. Be mindful sa mga gamit mo lalo na't nasa public place ka."
"S-salamat sa tulong mo ha? Kung hindi dahil sa'yo hindi ko mababawi itong bag ko." Sabi ko pa dito.
"No problem!" Ngumiti pa ito sa akin dahilan para lalo na talagang mahulog ang Panty ko.
May kamukha siya e. Pero hindi ko maalala kung sino.
*Sounds of Alarm ringing*
Kinapa-kapa ko pa iyong Alarm clock na nasa Side table nitong kama ko para mapatay na iyon.
Nasapo ko na lamang ang noo ko matapos kong marealized na hindi pala iyon totoong nangyari. Saka ako diretsong napaupo mula sa pagkakahiga.
"Tonette, Anak! Bumangon ka na riyan ha? Naihatid ko na ang mga kapatid mo sa Eskwela. Kaya aalis na ako uli at kailangan na ako doon ng Tatay mo sa Palengke." Rinig na rinig ko naman ang pag-sigaw nitong si Mama mula doon sa labas nitong kuwarto ko. Ang lakas talaga ng bibig kahit kailan e!
Medyo dismayado pa akong tumayo at lumabas galing doon sa aking Kuwarto.
Disappointed akong hindi ko man lang nalaman yung pangalan ng Guwapong lalaki sa loob ng Panaginip ko. Sana pala nanakawan na lang talaga ako! Like akala ko kasi totoo dahil alalang-alala ko pa yung buong pangyayari at malinaw pang rumehistro sa akin ang lalaking nag-ligtas sa aking buhay.
Mamimeet ko kaya siya anytime soon?
Hay nakoo, Inday tama na ang Pag-iilusyo mo. Kumilos ka na at marami ka pang poging hahabulin. E-este marami ka pa palang trabahong hahabulin sa Opisina. Oo. Tama. Yan ganyan dapat ang mindset para yumaman at maibangon ko ang Pamilyang ito sa lusak!
Hmm... Kapag hindi ako umasenso sa layf? Baka humanap na lang talaga ako ng porener sa Internet na susunduin ko sa Airport.
Gaga!