KYLIE’S POV Maingay at tuwang-tuwa ang mga kasabayan naming naglalakad ngayon palabas ng court. Maganda at exciting ang naging basketball match ng school namin at school nila Troy sa finals. School namin ang nanalo sa Game 2 na nangyari kaninang umaga at school pa rin namin ang nanalo ngayong Game 3 na katatapos lang kaya ang school namin ang nag-champion. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ng suot kong pantalon nang tumunog ito. Binasa ko ang dalawang messages na natanggap ko galing kay Troy. From: trxy Kylie? Received: 4:56pm From: trxy Nasa’n ka? Sabay na tayo. Hatid kita? Received: 4:56pm Nagulat ako nang biglang hablutin sa akin ni Helen ang cellphone. Aagawin ko na sana pero pinigilan niya ako. Sinamaan ko siya ng tingin pero tawa lang ang ibinalik niya sa akin. “Sige. Hintay

