First Half
First Half : Messages For 30 Days
Kapapasok ko lang ng classroom nang biglang lumapit sa akin si Baron at hilahin ako nito papuntang sulok. May kinapa siya sa kanyang bulsa at inilabas ito. Napakunot noo ako nang makita ang isang cellphone.
“Ang aga naman ng kalibugan mo!” bulalas ko rito.
“Pare, kalma. Hindi—”
“Kung gusto mong may kasama sa panonood ng p**n, huwag ako! Si Calvin na lang ang ayain mo.”
“Potek! Akala mo ba p**n ang inilapit ko sa ‘yo? Troy naman!” dismayadong anito.
“Eh, ano palang kailangan mo?”
“Gusto ko lang naman ibenta sa ‘yo itong cellphone dahil ang commission na makukuha ko rito ay ibibigay ko kay Bella. May kailangan siyang bayaran saka bibili na rin daw siya ng pregnancy test. Parang buntis daw siya, e.”
Napailing-iling na lang ako sa sinabi nito. Matagal ko na siyang binalaan na hinay-hinay din sa kanyang girlfriend. Ano siya ngayon? Masyado kasi silang marupok at sabik sa lahat ng bagay. Hindi nag-iisip kung anong pwedeng kalabasan ng ginagawa nila.
“Magkano ba ‘yan?”
“Kahit 1k na lang sa ‘yo, pare.”
Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ito. Mula sa external part nito at internal, lahat ay maayos pa. Halatang bago rin ito at maganda pang klase. Hindi lang 1k ang katapat nito.
“Ang ayos pa naman nito, ah. Bakit ang mura ng benta mo? Teka. Nakaw ba ‘to?”
“Uy, hindi ah!” giit nito. “Napulot daw ‘yan ng pinsan ko. Halos dalawang linggo na raw ‘yan sa kanya pero wala naman daw nagpaparamdam na may ari.”
“Sigurado ka? ‘Pag ako nito napahamak, patay ka sa akin!”
“Oo nga! Okay, sige. Ako pa mismo ang papatay sa sarili ko kapag may nangyaring masama.”
Dahil sa pamimilit ni Baron ay binili ko ito. Balak ko rin namang bumili ng bagong cellphone. Nasakto lang na inalok ako ni Baron nito. Pero at least, nakatipid ako. Nakakasiguro rin akong tatagal ito kasi kilala ang brand nito na high quality.
Pag-uwi ko sa bahay, agad kong kinalikot ang cellphone. May nakasalpak na memory card at isang SIM card. Inakala kong puno ng music, videos at pictures ang memory card pero wala akong nakita ni isa. Tiningnan ko rin ang saved contacts pero wala rin itong laman.
Nang balak ko nang tanggalin ang SIM card nito, may biglang pumasok na text message. Kinabahan ako. Kung kailan naman nasa akin na ito ay saka may magpapadala ng message. Sa kuryusidad kung anong laman nito ay binasa ko.
From: 09********
[Good evening, babe. Hindi ka na nagpaparamdam sa akin kaya may deal ako sayo. I’ll keep sending you messages for 30 days and when I didn’t get any response from you, I will stop pursuing you. This is your girlfriend, Kylie.] Received: 7:23 PM