KYLIE’S POV
Maaga akong nagising dahil ngayong araw ang simula ng Intramurals namin. Kailangan kong pumasok nang maaga dahil mayro’n pa kaming aasikasuhin at dapat ihanda.
Pagdating ko ng school, marami-rami nang tao. Pinuntahan ko ang mga kasamahan kong organizers. Dumiretso ako sa quadrangle kung saan nakapuwesto ang mga activities na hinanda namin ngayong Intramurals week.
“Kylie!” tawag ni Helen at tumakbo pa palapit sa akin, sabay sunggab ng yakap.
“Ang OA naman nito. Parang isang taon tayong hindi nagkita, ah.”
“Because I still feel bad to you,” nakanguso niyang sabi.
“Hep, hep! Ayaw ko nang makarinig ng tungkol diyan. Simula sa araw na ito, wala na tayong dapat pag-usapan tungkol sa past love life ko. I want to start over again so let’s just focus in the present, okay?”
“Okay po, madam!” masiglang sagot niya at biglang kumapit sa braso ko habang naglalakad kami. “Hanga ako sa ‘yo dahil ang bilis mo yatang naka-move on.”
“Honestly, hindi pa ako tuluyang nakaka-move on pero kung hindi ko papalayain ang sarili ko at patuloy akong magpapakulong sa nangyari, hindi ako uusad. Kailangan kong tulungan ang sarili ko. Walang ibang mas makakatulong sa akin kundi ang sarili ko kasi nasa akin ang desisyon kung pipiliin kong maging masaya ulit o patuloy magpalamon sa lungkot at hinanakit.”
“Tama ‘yan, Kylie! Hindi pa end of the world. May nawala man pero may darating na bago. Marami pang magagandang bagay na darating sa ‘yo.”
Alas otso nang magsimula ang Intramurals sa araw na ito. Wala muna ngayong tournament dahil puro games, booths at activities muna ang ganap. Bukas magsisimula ang labanan sa iba’t ibang sports. Bukas din ang dating ng mga schools na lalaban dito sa school namin.
This morning, games at booths ang ganap na mismong hinanda naming mga organizers. In the afternoon, bandang 1pm ay magsisimula ang Ms. and Mr. Intrams na gaganapin sa auditorium.
‘Yung ilang teachers sa iba’t ibang department ang naging head sa palaro. Mayro’ng sack race, p****k palayok at iba pang traditional Filipino games. Hindi naman ako nag-abalang sumali sa mga ‘yon dahil wala ako sa mood. Nagbabantay din ako sa Shoutout booth kasama si Helen. Shoutout booth ang activity na na-assign sa aming dalawa.
May limang booths. Una ang Shoutout booth. Dito ay pwedeng magpa-shoutout tapos magbabayad lang ng 5 pesos. Sa Food booth naman ay huhuli ng mga taong nakasuot ng kulay itim at puti. Kailangan nilang kumain ng mga exotic foods at kapag hindi nila kayang kainin, magbabayad sila ng 20 pesos. Sa Criminal booth naman ay huhuli ng mga taong nakasuot ng kulay red at yellow then ikukulong. Para makatakas, kailangan mag-piyansa ng 10 pesos. Sa Marriage booth naman ay huhuli ng mga taong nakasuot ng blue at green. Tatanungin sila kung marriage or pay, 20 pesos ang payment kapag tumanggi sa kasal. Sa Kissing booth ay randomly ang paghuli. Depende sa trip ng mga nanghuhuli kung sino ang gusto nilang hulihin at anong booth sila dalhin. Ang perang makukuha namin sa activity na ito ay gagamiting fund para sa future projects ng Student Council.
Abala kami sa kuwentuhan ni Helen nang may lumapit na tatlong babae at nagbigay ng limang piso saka isang piraso ng maliit na papel. Kinuha ito ni Helen at mabilis naman na umalis ang tatlo.
“Shoutout kay Daniel ng ABM 12-B! Mula sa ‘yong secret admirer! Ayiee!” anunsyo ni Helen sa microphone.
Connected ang gamit naming microphone sa speakers na nakapalibot sa buong campus kaya maririnig talaga ng kahit sino ang mga shoutout na sinasabi namin. Ilang pang magkakasunod na shoutout ang ginawa namin. Nagsasalitan na lang kaming dalawa.
Nang lunch time, unang kumain si Helen at sumunod ako. Kailangan may matitira para magbantay. Mag-isa lang tuloy akong kumain sa cafeteria ngayong araw.
From: troy
[ Happy noon time! Kain tayo? ] Received: 12:37 PM
To: trxy
[ Kumakain na ako. Anong ulam mo? ] Sent: 12:37 PM
From: trxy
[ Ginataang isda ang nabili ko. Ikaw? ] Received: 12:38 PM
To: trxy
[ Itlog at hotdog. ] Sent: 12:38 PM
To: trxy
[ Thank you ulit kahapon. Dahil sa pagdala mo sa akin sa bayan nina Lola Lidia, na-refresh ang isip ko at naging okay ang pakiramdam ko. ] Sent: 12:38 PM
From: trxy
[ Ginawa ko talaga yun para maging okay ka. ] Received: 12:39 PM
From: trxy
[ Anong ginagawa ninyo ngayong araw? ] Received: 12:39 PM
To: trxy
[ Intramurals week namin kaya heto, busy. ] Sent: 12:40 PM
From: trxy
[ Baka nakakaabala ako sayo? ] Received: 12:40 PM
To: trxy
[ No, it’s okay. Break time ko pa naman. ] Sent: 12:40 PM
Habang kumakain ay patuloy ang pag-text namin ni Troy. Natigil lang ito nang magpaalam na akong babalik na ako sa ginagawa ko. Pagdating ko do’n sa pwesto namin, naabutan kong may ina-announce na namang shoutout si Helen.
“Shoutout sa mga nasaktan, iniwan at niloko ng mga boyfriend nila! Kaya natin ‘to mga bes! Tiwala lang! Huwag magpa-depress! Hindi natin sila kawalan! Sila ang nawalan dahil sinayang nila tayo! From GAS 12-D na brokenhearted pero happy pa rin!”
“Sinong nagpa-shoutout no’n?” natatawang tanong ko kay Helen.
“Hindi ko kilala. Parang may amats,” natatawang sagot niya.
Nang sumapit ang 1pm ay sinara na namin ang limang booths dahil pupunta na kami ng auditorium para manood naman ng Ms. and Mr. Intrams. Bukas ulit ang open ng booths.
Opening pa lang ay pasabog na. Lahat magaganda at gwapo. Limang babae at limang lalaki ang maglalaban-laban galing sa iba’t ibang strand. Syempre Team GAS kami kaya do’n ang support namin.
Ilang portion ang competition. Una ang pagrampa suot ang swimwear. Pangalawa ang pagrampa suot naman ang school uniform namin. Pangatlo ay talent portion. Sunod ang pagsuot ng formal wear sa lalaki at gown sa babae. Sa portion na ito pipili ng top 3 sa lalaki at babae para maglaban sa Q&A portion.
“Ang galing ng panlaban natin! Hindi pa rin nalalaglag!” tuwang-tuwang sabi ko.
“Syempre! Tayo dapat ang makakuha ng championship sa Ms. and Mr. Intrams,” tugon ni Helen at tumili pa. “Go team GAS!”
Q&A portion na. GAS, Pogramming at ABM na lang ang natitira para maglaban sa Ms. and Mr. Intrams 2019. Malakas ang pakiramdam ko na mananalo kami.
“Candidate number 5?” sabi ng isang judge.
“Yes, good afternoon po,” tugon ni Paulo, ang representative naming GAS na lalaki.
“Here’s your question. What is your opinion about Teenage Pregnancy?”
“Thank you for the question, Ma’am. For me, Teenage Pregnancy is one of the common problem of 21st Century. This issue is becoming more common and numerous because of the millennials like me. Some youth today becomes bold and aggressive. Because of curiosity and excitement in every single thing, we become fragile and done things without thinking what would be the outcome of it. Teenage pregnancy is the result of the reckless behavior and irresponsible act of some teenagers today.”
Isang malakas na palakpakan at sigawan ang binigay ng audience pagkatapos sumagot ni Paulo. Sunod naman na tinawag si Rose na representative naming babae.
“Good afternoon, candidate number 5. Here’s your question. What is the lesson you’ve learn from love?”
“Thank you po for the question,” nakangiting sabi ni Rose. “As a millennial who have experience love, the lesson I’ve learned from it is to love, get hurt and move on. I learned that loving too much isn’t good. We should not give our all to someone. Matuto tayong tumira para sa sarili natin para kahit wasakin at durugin tayo nito, makakaya pa rin natin lampasan ito. I also learned from love that when we love, expect to get hurt. Getting hurt will make you stronger and a better person. And I learned that after a breakup, we should get up and learn to move on.”
Halos mag-a-alas otso na ng gabi nang matapos ang pageant. Second place lang ang nakuha ng team GAS pero masaya na kami para sa dalawang representative namin. Nag-effort sila at binigay ang kanilang best. Hindi madaling tumayo sa stage kaya dapat lang na ma-appreciate namin ang efforts nila.
“Miss Kylie Cordovez? If you are the one to be asked the same question, what is the lesson you have learn from love?” wika ni Helen habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep.
“No comment. I don’t want to answer.”
“Eeeeh! Sige na!” pamimilit niya.
“O, sige na. Sasagot na,” sambit ko. “Natutunan ko na kalokohan lang ang pag-ibig!”
“Seryoso?” tanong niya at tumigil sa paglalakad.
“Oo. Love just makes us fools.”
“Kylie, huwag kang maging bitter sa pag-ibig dahil lang nasaktan ka. Love might makes us fools but it also makes us a better person. Love will—”
Tinakpan ko ang bibig niya ng palad ko at saka ako tumawa. “Charot, charot lang ang sinabi ko. Ang dami mo agad hugot.”
“So do you still believe in love?”
“I do. I will always believe in love. I just have to heal this before I fall in love again,” sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko.