KYLIE’S POV Nakaupo ako sa isang bench kung saan ang tinext kong tagpuan namin ni Helen para sabay kaming mag-lunch. Magulo at malalim ang iniisip ko. Kanina pa ako nakatulala at walang pakialam kahit ramdam ko ang init ng paligid sa tirik ng araw dahil tanghaling tapat. “Hey, Kylie!” sambit ni Helen matapos maupo sa tabi ko. “Tara na? Hindi raw makakasama si Russel sa atin mag-lunch dahil...” Tumigil siya sa pagsalita at tiningnan ako. “Okay ka lang ba?” Hindi ko alam kung iiling o tatango ako sa kanya. Lutang talaga ako kaiisip sa nangyari kanina sa amin ni Troy. Nakakabaliw isipin kung bakit hindi niya ako kilala. “Ba’t ganyan ang itsura mo? Anong nangyari sa ‘yo?” tanong niya. Hindi ko alam kung anong itsura ang nakikita sa ‘kin ngayon ni Helen. Maybe I looked so puzzled and surpr

