KYLIE’S POV Paggising ko ngayong umaga, ang cellphone ko agad ang una kong inatupag dahil kanina pa ito may natatanggap na text messages. Nang tingnan ko ito, puro birthday greetings and messages ang laman nito galing sa mga close friends ko at mga kakilala. Short greetings lang ang ibang message pero ‘yung mga close friends ko ay nag-effort pa talaga at nag-text sa akin ng long birthday message. Parang maiiyak pa ako sa ibang nabasa ko dahil sobrang touching. Nakangiti ako habang isa-isa kong binabasa ang mga messages. Nawala lang ang ngiti ko nang mabasa ang isang message galing sa taong hindi ko inaasahang magte-text ngayong araw. From: 09******** Hi Kylie! Hindi ako nagtext para kulitin at guluhin ka. I just want to greet you a happy birthday and wish you happiness. Sorry for every

