Chapter 9

2023 Words
Ethan’s POV Takot at pag-aalala ang bumabalot sa akin kanina pa. Halos bulabugin ko na ang buong kalsada sa paghahanap ko kay Endiyah. Nanggaling na ako sa mansyon nila ngunit wala siya doon. Labis na nag-aalala ang mama niya nang malaman na umalis siya ng bahay ko. Pero nangako ako na hahanapin ko siya kahit suyudin ko pa ang buong Pilipinas. Tinawagan ko na rin ang mga kapatid ko at sinabing tulungan nila akong hanapin si Endiyah. Ibinigay ko sa kanila ang mga address na puwede niyang puntahan. Kami naman ni Josep ay pabalik-balik at paikot-ikot sa buong subdivisions. Nagbabakasakali na baka naglalakad lang siya dito ngunit wala kaming nakita. Mahigit twelve hours na siyang nawawala. Alas otso na ng gabi ngunit wala pa din siya. “Where the hell did you go!” I shouted. Hinilot ko ang sintido. Hindi ako mapalagay kanina pa. Kapag hindi ko pa siya mahanap hanggang alas des ng gabi ay mag-ha-hired na ako ng mga investigators. Nag-aalala si Ate Tina na nakamasid lang sa akin. Nasa labas kami ng gate ng bahay at nag-iisip kung saan pa puwedeng pumunta si Endiyah. This is my fault, kung hindi ko siya inaway kagabi ay hindi ito mangyayari sa akin. Pagdating ko kanina galing opisina ay agad na ibinalita sa akin ni Ate Tina na nawawala si Endiyah. Kailangan ko na talagang maglagay ng CCTV camera sa labas ng gate namin at nang sa ganoon ay nakikita ko ang bawat dumadaan. “Ate, wala ba siyang nabanggit sa iyo kaninang umaga?” tanong ko kay Ate Tina. Umiling siya sa akin. “Wala po Sir, basta pagkatapos niyang mag-almusal kanina ay umakyat na siya sa itaas. Tapos naglalaba po ako sa labas kaya hindi ko na siya nakitang umalis.” Paliwanag niya sa akin. “Sige pumasok kana sa loob. Mag-iikot lang kami ni Josep.” Inaya ko si Josep na mag-ikot ulit sa subdivisions. Magkaiba kami ng sasakyan. Tahimik kong sinusuyod ang buong kalsada ng mag-ring ang cellphone ko. “Yes,” I answered. “Kuya, wala siya sa simbahan na palagi niyang pinupuntahan. Wala rin sa sementeryo kung saan nakaburol ang lolo niya.” I cursed. Iyan ang bungad sa akin ni Rio sa tawag. Ano na ang gagawin ko ngayon? Saan ko ba siya hahanapin? “Can you please, go to the UP university. Baka sakali na napadpad siya doon.” Pakiusap ko kay Rio. Wala pa akong natatanggap na reports mula kay Logan. “Sige po kuya. I’ll do my best,” sagot niya sa kabilang linya. “Salamat Rio.” Ibinaba ko na ang tawag at nag-fucos sa paghahanap ko sa kaniya. Her phone was off. Tadtad na nga ng messages ang inbox niya ngunit wala pa rin sagot mula sa kaniya. Nababaliw na ako. “Dammit!” Hinampas ko ang manubela. Iginilid ko ang sasakyan at nag-isip. Paano kung na-kidnapped siya? Hilaw akong ngumiti. Hindi totoo ang nasa isip ko. Nag-ring ulit ang cellphone ko. It was Logan. “Kuya nanggaling na ako sa tres kanina pero wala siya doon.” Tarantado talaga itong bunso namin sa lawak ba naman ng tres ay imposibling mahanap niya doon si Endiyah kung sakali na doon siya nagpunta. “Tres are huge Logan..” mababaw kong salita. Ayaw kong manigaw kung maaari. Kailangan kong kumalma muna. “Why you don’t hired and investigator Kuya. Or we could asked for help in the police station.” “Yeah. I’m planning to do that later. Kapag hindi pa siya dumating sa loob ng tatlong oras ay magpapatulong na ako,” sagot ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya. “What if…what if na-kidnapped siya kuya-“ Suddenly, nervous and fear attack me! Natakot ako sa sinabi ni Logan dahil iyon din ang naiisip ko kanina. “Don’t say that, she must be somewhere.” “Okay, I’ll call you if there’s an information.” Nagpaalam na din ito sa kabilang linya at nangako na gagawin niya ang best niya matulungan lang ako. I massaged my chin as I closed my eyes. “Please Love, bumalik kana,” wala sa sarili kong sambit. Pati ako ay nagulat na rin sa lumabas mula sa bibig ko. Hanggang sa napagpasiyahan kong magpatuloy sa paghahanap sa kaniya. (Endiyah) Lakad. Tingin. Lakad. Iyan ang ginawa ko sa buong maghapon na pamamasyal ko sa Baclaran. Nakakatuwa at nakakaaliw ang mga paninda sa gilid ng kalsada. Hindi mga branded ngunit maaaliw ka. Alas otso na ng gabi kaya kailangan ko ng sumakay ng jeep pabalik. Hindi na siguro ako aabutin ng oras sa biyahe dahil kabisado ko na ang daan. Lumapit ako sa nagtitinda ng balot at nagtanong kong anong jeep ang puwede kong sakyan papuntang Makati. “Hello kuya, saan po ako puwedeng sumakay ng jeep papuntang Makati?” tanong ko sa vendor. “Ay, neng kaaalis lang no’n,” turo niya sa jeep na papalayo. “Puwede kang sumabay doon kay Miss.” Itinuro ang babaeng nakatayo malapit sa amin. “Nag-aabang siya ng taxi. Pauwi lang din sa makati. Makiusap ka sa kaniya na sumabay at makapag-sharing pa kayo ng pamasahe.” Tumango ako sa kaniya. “Salamat po, Kuya.” “Wala iyon neng, sige na lapitan mo na siya.” Ngumiti ako sa kaniya bago nagpasalamat. Lumapit ako sa babae na sa tingin ko ay nasa kaedaran ko lang ito. Maputi at balingkinitan ang katawan. Blonde ang buhok at naka waves pa iyon sa dulo. Nakasuot siya ng bestida na kulay puti. Bumagay iyon sa kaniya. Sa ma-total ay maganda siya. Nilakasan ko ang loob ko para kausapin siya. “Hi Miss.” Nilingon niya ako at nginitin. “Hello.” Ang lamiyos ng boses niya. Hindi siya suplada sigurado na ako doon. “Nag-aabang ka din ba ng sasakyan?” tanong ko. Kinapalan ko na ang mukha dahil kailangan ko ng makauwi, I’m sure nag-aalala na sila sa akin lalo na’t lowbat ang cellphone ko. “Oo kaso nakaalis na ang jeep papuntang Makati kaya mag-aabang na lang ako ng taxi,” sabi niya. “Ikaw saan ba ang punta mo?” tanong niya sa akin. “Sa Makati din, puwede ba akong sumabay sa iyo?” nakangiti kong tanong. Ngumiti siya sa akin bago tumango. “Sure. Walang problema.” Nag-usap pa kami habang nag-aabang ng taxi. Nakakatuwa siya. I gained one friend. Hindi nagtagal ay may dumating na rin na taxi. Finally ay makakuwi na ako. Tahimik kaming sumakay sa likod. Minsan ay napapasulyap siya sa suot kong t-shirt. Malamang at baka naiisip na hindi sa akin ‘to dahil over size. Hindi siya nagkukumento ngunit gets ko na iyon. “Siya nga pala saan ka nakatira sa Makati?” tanong niya sa akin. “Makati subdivisions highway.” Tumango siya at sinabi sa driver na doon muna siya unang pumunta. Kanina pa kami nag-uusap ngunit hindi ko man lang natanong kung anong pangalan niya. Nahihiya ako sa kaniya kahit na alam kong mabait naman siya. Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin hanggang sa makapasok na kami sa may subdivisions. Sinabi ko sa driver ang street ng bahay pati na rin ang number. Hindi nagtagal ay narating namin iyon. Nagulat ako dahil nakatayo sa labas ng bahay sina Logan at Ate Tina na tila kay lalim nang pinag-uusapan. Nagpasalamat ako sa magandang babae na kasama ko pati na rin sa driver. Inabot ko pa ang share ko sa taxi driver kahit sinasabi ni ganda na huwag na lang at siya na raw ang magbabayad. Wala na siyang nagawa dahil ipinilit ko iyon. Nagpasalamat na lang ako sa kaniya dahil pinaunlakan niya akong makisabay sa kaniya. Nang tuluyan na akong makababa ay agad na tumakbo sa akin si Ate Tina. Gumuhit sa mukha niya ang bakas ng pag-aalala. “Saan kaba nanggaling ha? Kanina pa kami nag-aalala sa’yo?” Hinawakan niya ang mga kamay ko at sinuri ako kung may sugat ba ako. Niyakap ko siya. Napag-alala ko sila ng sobra. “Okay lang ako, Ate. Sorry at hindi ako nagpaalam.” Humingi ako ng tawad sa kaniya habang nakayakap ako nang mahigpit. “Oh, nagpapasalamat ako at nakabalik kana. Alam mo bang halos suyurin na ni Sir Ethan ang buong Maynila makita ka lang.” Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. “Sorry po, hindi ko na uulitin.” Para siyang Mommy ko na nangangako akong hindi na ako gagawa ng anumang kasalanan. Hinaplos niya ang buhok ko at niluwangan ang pagkakayakap niya sa akin. Tinitigan niya ako bago nilingon si Logan. Hindi pa ako nakakapag ‘hello’ sa kaniya. “Logan, tawagan mo ang kuya mo at sabihing nakabalik na si Ma’am.” “I did already Ate,” sagot niya. Nakangisi na ito sa amin. “Gano’n kabilis!” bulalas ni Ate, hawak pa ang mga kamay ko. Tumango si Logan. “Syempre abala kayo sa pagyayakapan,” sagot niya. “Hello Miss Sandoval. Nice seeing you again.” Tumango ako. “Ako rin,” tipid kong sagot. Binalingan ko ang taxi na hindi pa umaalis. Pati sina ate Tina at Logan ay napatingin na rin doon. Lumabas mula sa backset ang magandang babae na kasabay ko kanina. Nakangiti siyang lumapit sa amin. “Sophie..” Ate Tina murmured a name. Hindi ko iyon pinansin bagkus ay nakangiti ako sa papalapit na babae. “Hello Ate Tina—Logan,” bati niya sa dalawa. Kumunot ang noo ko. Kilala niya sila. Lumapit sa amin si Logan. “Ikaw pala Sophie,” sabi niya. Binalingan niya ako. “Magkasama kayo?” tanong niya. Sasagot na sana ako nang mauna si Sophie. “Nagkasabay lang kami sa taxi. Nagkataon kasi na pareho kaming nasa Baclaran kanina.” Paliwanag niya. Tumango din ako bilang pagsang-ayon. Ngunit kakaiba ang ekpresyon ng mukha ng dalawa nang makita nila si Sophie. Nginitian ako ni Sophie at inilahad ang palad. “Ako nga pala si Sophie. Hindi man lang ako nakapagpakilala kanina,” nakangiti niyang sabi. Tinanggap ko ang palad niya. “Endiyah Rose.” Tinanggal ko ang kalong suot ko at hinawakan ko lang iyon. Kanina pa nakatingin si Sophie sa damit ko. Pati na rin sina Ate Tina at Logan. They knows that it was Ethan’s t-shirt. Balak ko nang magsalita nang makarinig kami ng tunog ng sasakyan na papalapit sa amin. Parang lumilipad sa tindi nang pagpapatakbo hanggang sa pumara iyon sa may tapat namin. Si Ethan. Mabilis ang mga kilos niyang bumaba sa sasakyan at nilapitan kami. He’s eyes were all on me. Inilang hakbang niya ako at niyakap nang mahigpit. “Where have you been? I been crazy the whole day looking for you..” mahina niyang sabi. Napalunok ako nang paliguan niya ng halik ang tuktok ng ulo ko. Hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. Idiniin niya ako sa malapad niyang dibdib at parang walang pakialam sa taong nakapaligid sa amin. “Huwag na huwag kang aalis ng bahay ng hindi ko nalalaman…mababaliw ako,” he whispered in my ears. Sinubukan ko siyang itulak sa dibdib ngunit hindi siya nagpaawat. Mas niyapos pa niya ako. Hindi sa ayaw ko sa yakap niya pero nahihiya ako sa iba pang kasama namin. Okay lang sana kung kaming dalawa lang pero may mga kasama pa kami. “Ethan?” nahihiya kong tawag sa pangalan niya. “Don’t leave!” asik niya. Halos hindi na ako makahinga sa higpit nang pagkakayapos niya sa akin. Hanggang sa tumikhim si Ate Tina. Doon pa niya ako nabitawan. Hindi niya tiningnan ang mga kasama namin sa halip ay inipit niya ang mukha ko sa malalapad niyang palad at sinuri ang buong mukha ko. “Saan ka nanggaling ha? May masakit ba sa’yo? Okay ka lang ba?” Magkasunod-sunod ang mga tanong niya sa akin habang hindi binibitawan ang pisngi ko. “O-okay lang ako..” mahina kong sagot. Kanina pa ako nahihiya dahil sa mga kilos niya. Hinawakan ko ang kamay niya. Naibaba niya iyon ngunit pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Hihilain na sana niya ako sa loob nang madako ang mata niya sa isa pa naming kasama. Si Sophie. Napahinto siya at manghang nakatinginn sa hindi inaasahang bisita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD