Endiyah
Kanina pa ako palakad-lakad sa malawak na sala habang hinihintay ang pagdating ni Ethan. Alas onse na ng gabi ngunit wala pa rin siya. Saan ba nagpunta ang lalaking iyon? Malalim akong bumuntonghininga sabay abot sa magazine na nakapatong sa glass table. Umupo ako paharap sa TV at tahimik na binuklat ang magazine. Puro naman mga artista ang laman ng magazine kaya hindi ko masyadong naiintindihan ang mga articles. Baka kung tungkol pa ito sa business ay mag-focus doon ang utak ko. Umiling ako paulit-ulit nang hindi ako nakotento sa mga nababasa ko.
“What should I do to make myself busy?” I whispered. Sumandal ako sa sofa at pinikit ang mga mata. Naka-on ang TV ngunit hindi ako nanonood. “Ang boring naman,” wala sa sariling sambit ko. Pakiramdam ko ay nami-miss ko na ang presensiya ni Ethan. Iyong kinukulit niya ako palagi. Sa loob ng limang taon na nilagi ko sa London ay hindi ko siya gaano naiisip. Totally I moved on from him. Hindi gano’n kadali ang hiwalayan namin noon pero hindi ako masyadong naging apektado dahil mas inuna ko ang studies ko kaysa idagdag ko pa siya sa mga iniisip ko sa buhay. Pero nang magkita kaming muli ay parang bumalik ang sakit. Na-realize kong hindi pa pala ako totally healed. Na tinatago ko pa sa loob ang sakit mula sa nakaraan. Pero gano’n talaga ang buhay, masakit ngunit kailangan nating tanggapin kong anumang ibibigay sa atin ng kapalaran. Binitawan ko ang hawak kong magazine at nag-focus ako sa panonood. Nagulat lang ako ng bumukas ang pinto mula sa kusina. Iniluwa noon si Ate Tina na nagkukusot pa ng mata. Mukhang kagagaling lang sa malalim na pagkakatulog.
“Ay, bakit gising kapa Ma’am?” tanong niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at umayos ng upo. “Maaga pa naman Ate, mamaya aakyat na din ako. Tinatapos ko lang itong pinapanood kong palabas.” Pagsisinungaling ko sa kaniya. Wala naman akong palabas na pinapanood kung ‘di mga commercial lang sa TV.
Lumapit siya sa akin at sinilip din ang TV. Napalunok ako nang mapagtanto kong nagsisinungaling lang ako. Nakahinga ako ng maluwang nang hindi siya nagtanong ulit.
“Sige ititimpla kita ng kape. Nagising na rin ako dahil nauuhaw ako.” Nginitian niya ako at pumihit na patalikod para pumasok sa kusina.
Hindi nagtagal ay bumalik na rin sa sala si Ate Tina na may dalang tasa ng kape. Maingat niya iyong inilapag sa ibabaw ng glass table.
“Salamat po, Ate. Magpahinga na po kayo at ako na ang bahala dito mamaya.”
“Teka, wala pa ba si Sir Ethan?” tanong niya sa akin. Gumuhit pa sa noo niya ang pag-aalala.
Umiling ako sa kaniya. “Wala pa po, baka maya-maya ay nandito na iyon.”
“Sige Ma’am. Goodnight.” Ngintian niya ako.
“Goodnight din po, Ate.”
Nang makaalis na si Ate Tina ay nakahinga ako ng maluwang. Iwan ko ba kung bakit nahihiya pa din ako sa kaniya sa tuwing napag-uusapan namin si Ethan. Siguro ay dahil tinutukso niya ako palagi kaya ‘di ko maiwasan ang pamulahan ng mga pisngi sa tuwing nababanggit ang pangalan ni Ethan. Ilang araw na ako dito pero hindi pa rin kami nakakapag-usap ng masinsinan. Palagi ko rin tinatawagan si Mommy at kinukumusta ang kalagayan nila ni Daddy. Nami-miss ko na ang mga magulang ko. Ilang araw ko lang silang nakasama ay heto na naman at nagkahiwa-hiwalay kami.
Hindi nagtagal ang malalim kong pag-iisip ay narinig kong bumukas ang garahe. He is home. Ethan is home. Kinabahan ako at naging mabilis ang t***k ng aking puso. Hindi ko malaman ang gagawin. Tatakbo ba ako sa itaas at magkunwaring tulog na o hahayaan ko na lang ang sarili na manood ng TV? Naguluhan ako. Hanggang sa napagpasiyahan ko na lang na maupo ng maayos. Bumukas ang main door kaya bumaling ako doon. Agad na nagtama ang mga mata namin.
Tumayo ako at tumingin sa kaniya ng deretso. I cleared my throat. “Saan ka nanggaling?” tanong ko sa kaniya.
Ngumisi siya sa akin, iyong tipong hindi naging masaya sa tanong ko. “I didn’t give you an authority to ask wherever I am?”
Naging mabilis ang paghinga ko. Napahiya ako sa sagot niya sa akin. Kinunutan ko siya ng noo. Balak na niya akong talikuran nang hawakan ko siya sa siko. “Hindi mo pa ako sinasagot ng maayos, Ethan.”
“How many times do I need to tell you that you’re not permitted to ask me and to fish any information from me.”
“Really? then you should set me free.”
Madilim ang mukha niyang tumitig sa akin. “Set you free? Bakit? Nabayaran mo na ba ang utang ninyo sa akin?”
“Kaya kong magbayad ng utang kahit wala ako dito sa puder mo,” matapang kong sagot sa kaniya.
“I don’t trust you anymore, Endiyah.”
“Because you’re a damn loser.”
Nagagalit ang mga mata niyang tumitig ulit sa akin. Mabilis ang mga kilos niyang hinawakan ako sa pulsuhan at bahagyang isinalya sa pader. Napaigik ako nang mahina sa lakas ng puwersa niya ngunit hindi ako nagpakita ng pagkatakot sa kaniya.
“Stop it!” He warned me.
“Let’s me go!”
Hinawakan niya ng maayos ang pulsuhan ko at pinirme lang iyon sa magkabilang gilid ko. Dinikit pa ang mukha sa akin. Tumatama na sa mukha ko ang hininga niya na amoy sigarilyo at kape. Saan kaya ito nanggaling? Napalunok ako dahil sa sobrang lapit ng mukha niya sa may mukha ko.
“Napakatulis talaga ng dila mo Endiyah,” mahina niyang sabi.
“Hindi ako magiging ganito kung naging fair ka lang Mr. Trevono,” matapang kong sagot.
Nginisihan niya ako. “Naniningil lang ako, remember?” Paalala pa niya sa utang namin mula sa kaniya.
“Hindi tao ang kabayaran ng utang Ethan. Why don’t you use your mind and be fair. Maraming paraan.”
“Running away is your best talent, Endiyah. ‘Di ba ganiyan ang ginawa mo sa akin noon?”
“There’s no use for dwelling from the past, Ethan. Ang tagal na ng pangyayaring ‘yon. Hindi kapa ba nakaka-move on?” hilaw ko siyang nginitian. Naging madiin ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko at dinikit pa niya sa akin ang sarili. He caged me by his huge body. Halos mapisa na ako sa pader sa diin ng pagkakadikit ko doon.
“I’m not dwelling from the past, Endiyah. Sinasabi ko lang sa’yo kung anong best talent mo.” Umakyat ang mga mata niya sa mukha ko. Madilim ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Tumitig ako pabalik. Ayaw kong magpatalo sa kaniya.
“Talent? Talent mo din ba ang puwersahin ang isang tao? What a beautiful talent you have Ethan.” Ngumisi ako sa kaniya. Iyong tipong maasar ko siya hanggang sa kasuluksulukan niya.
Naramdaman kong itiinaas niya ang isang kamay ko sa ulunan ko. Napasinghap ako nang mahina ng idiin niya doon ang malaking kamay niya.
Nang walang salitang lumabas sa bibig niya ay muli akong nagsalita. “Ano? Wala kang masabi…loser!” Madiin ang pagkakasabi ko sa huling salita ko. Alam kong natatamaan ang ego niya sa mga sarcastic kong mga tanong at sagot.
Umigting ang panga niya. Nagagalit ang mata at naging sunod-sunod ang pagtaas-baba ng kaniyang malapad na dibdib. Buong akala ko na ay masasaktan niya ako. Ngunit bumaba ang mukha niya sa akin at kinuyumos ako ng mapusok na halik sa labi. Impit akong napadaing nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Ang lakas ng pagkakasalakay niya sa labi ko. Para akong kinakapos ng hininga sa paraan ng paghalik niya sa akin. Sinubukan kong itulak siya sa dibdib ngunit hinuli niya ang kamay ko at pinirme iyon ulit sa may gilid ko. He kissed me fiery. Para siyang bampira na sinisipsip ang labi ko. Nang pakawalan niya ang labi ko ay hinahabol ko na ang aking hininga.
“Ano ka ba naman!” sigaw ko sa kaniya. Halos mawalan ako ng hininga sa mapusok niyang pagsalakay sa akin.
Nasilayan ko ang basa niyang labi na kumikintab pa iyon. He licked his lips and stared at me.
“You like the way am kissing you? Do you?” ngising aso niyang tanong sa akin. Matalim ko siyang tiningnan bago inirapan. Hindi pa niya binibitawan ang mga kamay ko.
“Asa ka!” bulyaw ko sa kaniya.
“Sweetheart namamaga ang labi mo.” Sinuri pa niya ang labi ko. Napapikit ako dahil sa sinabi niya. Ito ba ang paraan niya para manlumo ako? Nakakainis! Sinubukan kong ikawala ang mga kamay ko ngunit hindi ako nagtagumapay.
“Let me go, Ethan. Bingi kaba?”
“Gusto mo bang gamutin ko ‘yang pamamaga ng mga labi mo?” sarkastiko niyang tanong sa akin. Alam kong pinaglalaruan lang niya ako.
“Gamutin mo ang mukha mo! Butiwan mo nga ako!” asik ko.
Dinampian niya ng mababaw na halik ang ilong ko kaya napapikit ako ulit ng bahagya. Magaan na tila nanunuya. Sinunod niya ang labi ko. He licked my lower lips like he’s healing the bruises. Anong bang ginagawa mo sa akin Ethan? Nalulumo ang mga tuhod ko. Para akong hindi makagalaw sa lakas ng impact noon sa akin.
“Please Ethan…p-please don’t do this..” para akong nakikiusap. Ngunit ng mapagtanto kong paraan lang niya ito upang palambutin ako ay agad kong idinilat ang mga mata at dinuraan siya sa mukha.
“Hindi uubra sa akin ang mga tricks ninyong mga lalaki.” Iwinaksi ko ang magkabilang braso kong hawak niya. “Your stupid mind will be stupid mind everytime.”
He sarcastically chuckled. Inilapit niya ang mukha sa akin. “I just want to f*ck you woman.”
Umakyat ang dugo ko sa ulo ko. Binitiwan niya ako tsaka tinalikuran. Nasa haba na siya ng hagdan ng magsalita ako. “F*ck you to hell, Ethan!”
***
Maaga akong nagising kinabukasan ngunit hindi ko na nagisnan si Ethan sa bahay. Umalis raw ito ng maaga iyon ang sabi sa akin ni Ate Tina. Simula ng mag-away kami kagabi ay hindi ko na siya nakita pa. Hindi na rin siya natulog sa kuwarto niya. Baka sa guest room iyon nagpalipas ng gabi. Pagkatapos kong mag-almusal ay umakyat ako sa kuwarto. Tiningnan ko ang mga damit kong naka-hang sa closet at sinuri iyon. Wala akong nakitang t-s**t kaya binuksan ko ang closet ni Ethan. Pinili ko ang grey niyang t-shirt. Malambot iyon at komportable sa balat. Isinuot ko iyon pagkatapos ay pinarisan ko ng black leggings. Naghanap din ako sa mga kalo niya na nakasabit sa gilid. I choose the black one. Madali ang mga kilos ko. Dinampot ko ang cellphone at wallet at tahimik na umalis.
Natagpuan ko ang sarili ko sa highway ng Baclaran. Maingay at siksikan. Madaming mga paninda ang naka-desplay sa kalsada mapagkain man at mga gamit. May mga batang naghahabulan at may mga tendera at tendero na inaalok ako upang bumili ng kanilang paninda. Unang beses na napangiti ako. Malayo sa ito sa kinalakihan ko ngunit kakaiba ang pakiramdam ng isang simpli lamang at buhay malaya. Para akong bumalik sa pagkabata. Sinipat ko ang mga panindang ipit at mga headbands, may mga kwentas rin at necklaces. Lahat ng kalsi ng accessories ay makikita mo dito. Tuwang-tuwa akong tinitingnan iyon isa-isa.
“Nagagandahan kaba Ma’am, bumili na po kayo?” alok niya sa akin. Ngumiti ako sa ginang na sa tingin ko ay nasa kaedaran ito ni Mommy.
“Opo, napakaganda po ng mga ipit at headbands. Ang cute tingnan.” Nangingiti ako habang hinahaplos iyon.
Binalingan ko ang ginang na nasa gilid ko lang. “Magkano po ito, Ate?” tanong ko sa hawak kong ipit at headbands.
“Sampong peso po ang ipit Ma’am, tapos bente peso po ang headbands na ‘yan,” nakangiti niyang sagot.
“Bibilihin ko po ito.” Inilad ko sa kaniya ang napili ko. Tinanggap naman niya iyon at binalot sa platic bag. Dinukot ko rin ang wallet ko sa sling bag ko. Buti na lang at may barya akong singkwenta.
“Salamat po Ma’am, balik po kayo ulit,” nakangiti niyang sabi.
Tumango ako sa kaniya at ngumiti bago ako naglakad palabas ng shop niya. Naglakad pa ako nang naglakad kahit hindi ko na alam kung saang dereksyon na ako papunta. Pinalaya ko ang sarili. Wala akong pakialam basta maglalakad ako at magpapakasaya ngayon. Nakipagsiksikan pa ako kanina sa Jeep at Tren makarating lang dito. Nadaanan ko ang batang babae sa kalsada na namamalimos. Madungis at butas-butas pa ang damit. Nakaramdam ako ng awa. Parang tinusok ang puso ko. Naisip ko pa. Paano kaya kung ganito din kami kahirap? Magiging ganito din ba ang buhay ko. Mamalimos rin ba ako sa kalsada katulad niya? Ngunit nang maalala ko ang sitwasyon ko ngayon sa puder ni Ethan ay wala akong pinagkaiba sa batang babae na ito. Nilapitan ko siya at nginitian.
“Hello, kumain kana ba?” tanong ko sa kaniya. Pinasigla ko ang boses upang hindi siya mahiya sa akin.
Umiling siya. “Hindi pa po Ate. Wala pa po akong napapalimos kanina pa,” malungkot niyang sagot.
“Halika, ibibili kita ng pagkain doon,” itinuro ko ang street food sa unahan namin. Nahihiya siyang sumunod sa akin. Binilihan ko siya ng pagkain, pagkatapos ay binigyan ko rin ng pera. Ang nabili kong headbands at ipit kanina ay pinasuot ko sa kaniya.
“Saan ka ba nakatira?” tanong ko sa kaniya. Nakaupo na kami sa gilid ng kalsada.
Nginuya muna niya ang kinakain bago ako sinagot. “Sa Quiapo po, Ate.”
“Dumayo kapa rito para mamalimos?” mangha kong tanong. Tumango siya sa akin. Nakakaawa naman ang batang ito. Nang matapos siyang kumain ay nagpasalamat siya sa akin. “Salamat po, Ate.”
“Bibigyan kita ng pera pero ang gusto ko umuwi kana sa inyo baka nag-aalala na sa iyo ang mga magulang mo.”
“Sige po Ate at para makabili na rin ako ng gamot ni Nanay.”
Muntik ng mangilid ang luha ko sa sinabi ng bata. Bakit ang sakit para sa akin? Nasasaktan ako sa sitwasyon ng batang ito. Ikinuwento pa niya sa akin ang buhay nila. Nalaman kong iniwan sila ng Papa nila at ang Mama lang nila ang nagpapalaki sa kanilang magkapatid at nagkasakit pa ito kaya hindi na makakapag-raket. Binigyan ko siya ng sapat na pera at hinatid sa jeep kung saan papunta ng Quiapo.
“Mag-iingat ka.” Kumaway ako sa kaniya.
“Salamat po Ate.” Kumaway siya pabalik habang papalayo na ang jeep mula sa kinatatayuan ko.