Chapter 7

2058 Words
Third Person POV Nakaupo ang magkakaibigan sa pabilog na lamesa habang naglalaro ng baraha. Mahinang humahalakhak si August Pallis sa tuwing nakaka-jockpot ng magandang baraha. Nakangisi rin ang mga kaibigan nila habang pinag-iisipan kung anong ibababang baraha. Ngunit si Franco Sandoval ay magkasalubong ang mga kilay dahil hindi man lang ito nakakuha ng maayos na baraha simula ng maglaro silang magkakaibigan. Ganito palagi ang nangyayari sa kaniya paulit-ulit. “Oh ma’ friend. Mukhang nakakabawi kana ngayon ah? Balita ko nabayaran mo na raw ang utang mo kay Benladin?” ngising-aso na nagtanong si August Pallis kay Franco. He smirked at August. “Of course my friend. Kilala mo naman ako. I have so many ways to find a solution.” Tumawa pa siya nang mahina. Sabay na humalakhak sina Benladin at Derek. Nagbuga pa sila ng usok mula sa sigarlyo nila. Amoy alak at sigarilyo ang buong VIP room sa loob ng Casino ni August Pallis. Tahimik naman na naka-stand by ang mga bodyguard ni August Pallis sa may pintuan. “Smart Franco. Kaya gustong-gusto kitang kaibigan e, hindi talaga ako nagkamali na pumili ng kaibigan na tulad mo,” binaba ni August ang baraha niya kaya jockpot na naman ito. Mag-iisang oras na silang naglalaro at lahat napupunta kay August ang suwerte Napakamot ng batok si Franco. Kaunti na lang ang natitira sa perang dala niya. Nakabawi na nga siya sa buhay dahil nagsakripisyo ang nag-iisa niyang anak na babae ay heto na naman siya at muling gumawa ng hindi karumal-rumal na gawain. Bago siya umalis sa mansyon nila kanina ay kinuha niya ng palihim ang tinatagong passbook ng kaniyang asawa at ini-widraw sa bangko. Hindi man lang niya naisip na wala na silang ari-arian dahil naipambayad na niya sa utang. At ang tanging mansyon na lang nila ang naiwan dahil sa sakripisyo ng kaniyang anak. “Oh paano? Natalo ka na naman Franco. Nasa akin na naman ang suwerte ngayong araw. I wish you a best luck.” Baling sa kaniya ni Derek. Ibinaba rin ang magandang baraha niya. Benladin smirked at him. “Better luck next time ma’ friend.” Nagbuga siya ulit ng usok ng sigarilyo bago tinaasan ng kilay si Franco. Mahinang tumikhim si Franco. “Dala ko na yata ang kamalasan,” nakangisi niyang sabi. Ang cool pa rin niya magsalita sa kabila nang pagkatalo. Tumawa si August. “Huwag kang mag-alala. Marami akong salapi. Andito lang ako para sa iyo.” Kinindatan pa si Franco. Siya ay nagpapahiwatig na puwedeng umutang sa kaniya si Franco ng pera kung ito ay kakapusin. Binalingan rin siya ni Benladin. “You’re always welcome to me. Bukas palagi ang mga palad ko para sa iyo.” Sinigundahan rin ni Derek. “Tumutupad ka naman sa usapan. Kailanman ay hindi ka nagpabaya at nagbabayad sa tamang oras, kaya wala kaming dahilan para hindi ka tulungan.” Ngunit lingid sa kaalaman ni Franco na binibilog lang ng tatlong magkakaibigan ang kaniyang ulo. Wala silang intention na tulungan siya kung ‘di ang palubugin siya nang palubugin sa buhay. Para na ngang barkong lumulubog ang buhay niya noon nang isa-isang mawala sa kaniya ang kaniyang ari-arian. Pinalad lang siya sa buhay dahil sa binatang Treveno, na sa kabila ng lahat ng ginawa niyang pasakit dito noon ay binigyan pa rin siya ng pagkakataon upang hindi tuluyang lumubog. Naglaro pa sila nang naglaro. Ngunit pinalad si Franco sa sumunod na laro. Kaya naman masaya siyang uuwi dahil mas lumaki pa ang perang pasikrito niyang kinuha sa passbook ng kaniyang asawa. “Oh, paano? Ako ang panalo ngayon mga kaibigan. Inambunan ninyo na rin ako sa wakas sa in’yong mga suwerte.” Kinamayan ni Franco ang mga kaibigan niya habang hindi maipapaliwanag ang saya sa mukha niya. Humalakhak si Benladin. “Magkakaibigan tayo Franco. Kaya normal lang ang magbigay paminsan-minsan. Sabi nga nila give and take…give and take.” Ngunit hindi napansin ni Franco ang matatalim na tingin sa kaniya ni August Pallis. Tumawa si Franco at tinapik sa balikat si Benladin. “Salamat. Mauuna na ako sa inyo, see you next time.” Tumalikod na ito upang lumabas. Nang tuluyang makalabas si Franco ay nakahinga ito nang maluwang. Aaminin niyang natatakot siyang maipatalo ang pera ng asawa kanina. Pero dahil tagumpay ang laro niya ay masaya na itong uuwi sa kanilang mansyon. Ethan’s POV “What the f*ck he’s doing here?” I whispered to myself. Itinakip ko sa mukha ko ang hawak kong bulaklak. Balak ko sana na pumunta sa mansyon upang dalawin si Lola Elena. Nagtago ako ng mabilisan sa likod ng aking sasakyan nang mahagilap ko ng tingin ang tatay ni Endiyah. Galing siya sa loob ng Luxury Bar ni August Pallis. Katabi lang ng Flower shop building kung saan ang sikat na Bar ni August Pallis. Dito ako dumeretso simula ng iwan ko sa loob ng library kanina si Endiyah. Ngunit hindi ko akalain na makikita kong muli dito ang tatay niya. Saan na naman kaya siya kumuha ng perang pang-sugal niya? Lumubog na nga siya sa utang pero may paraan pa upang ipagpatuloy ang bisyo niyang pagsusugal. Hindi matutuwa si Endiyah kapag nalaman niya ang ginagawa ng kaniyang ama. Nakaramdam ako ng galit sa ama ni Endiyah. Nang makita kong pinaandar na niya ang sasakyan niya at nilisan ang lugar ay agad akong pumasok sa sasakyan ko. Hinagis ko ang bulaklak sa may backset. Ipinatong ko ang kabilang kamay ko sa may manibela at sumadal sa headset. “Hindi na mabuti ang kutob ko.” Ipinikit ko ang mga mata at huminga nang malalim. Kung andito na sana sa Maynila si Sophie ay baka pinuntahan ko na siya upang sa kaniya pakawalan ang stress na umaataki sa akin ngayon. Minsan ang sama ko. Kapag ka may mga problema ako sa trabaho o personal matter ay kay Sophie ako pumupunta at sa kaniya ako kumukuha ng enerhiya. Thankful akong nakilala siya ngunit masakit din sa akin na hindi ko siya kayang mahalin. Binibigay niya ang lahat nang mayroon siya pero sinusuklian ko lang iyon ng pera at hindi pagmamahal. I been thinking now…what if Endiyah finds out about Sophie and me? Ano kaya ang mararamdaman niya? Iiwan ba niya ako ulit? Magagalit ba siya? Magwawala o uuwi ng bahay nila? Hinampas ko ang manibela. “B*llshit!” Naguguluhan ako sa buhay at hindi ako makapag-isip ng matino. Huminga ako nang malalim. Hanggang sa napagpasiyahan kong tawagan si Rio. “Yes kuya. May problema ba?” tanong niya sa kabilang linya. “Free kaba ngayon. Yayain sana kita sa Penthouse ko para uminom.” Sa ganitong paraan ko lang kasi matatakbuhan ang problema ko. Ang magpakalasing at mangumpisal sa mga kapatid ko. “Yes. I’m on my way,” he answered. “Alright. Tatawagan ko na rin si Logan,” sabi ko. Ibinaba ko ang tawag pagkatapos ay nagtipa ako ng message kay Logan. Me: ‘Dude, punta ka sa Penthouse ko. Let’s drink. May mga sasabihin rin akong importante sa iyo.’ Bumuntong hininga muna ako bago in-start ang sasakyan. Tahimik kong nilisan ang lugar na iyon. Nasa labas pa lang ako ng Treveno’s building kung saan ang Penthouse ko ay namataan ko na si Rio na nakasandal sa kotse niya habang nakapamulsa. Ang bilis talaga ng kapatid ko. Dinaig pa ang may pakpak kong makakilos. Bagay na bagay talaga sa kaniya ang trabaho niya bilang isa sa pinakamahusay na NBI agent ng Pilipinas. Pinarada ko ang sasakyan malapit sa kaniya. “Ang bilis mo ah, naunahan mo pa ako,” sabi ko. Ngumisi lang siya. “Lumilipad ka ba spiderman?”tanong ko. Tumawa siya ng pagak. “I’m always on time Mr. President, huwag mo ‘ko igaya kay Logan. Mabagal na nga mahina pa ang IQ.” Oh man! It’s a curse to our youngest brother. He never gain a nice words from us. Napangisi ako dahil sa sinabi niya. “Isusumbong kita doon mamaya.” Pagbabanta ko sa kaniya. “Mr. President naman. Nagbibiro lang po ako.” “Gago! Kani-kanila lang ay seryoso ka. Halika na nga,” aya ko sa kaniya. Habang paakyat kami sa Penthouse ko ay nag-uusap kami tungkol sa business at sa kaniyang trabaho. Minsan ay hindi ko rin maiwasan na mag-alala para sa nakakabata kong kapitid. He’s jobs was dangerous. He was dealing a lot of problems, but I trust him. Malaki ang tiwala ko kay Rio kumpara kay Logan. Pagkapasok namin ay agad siyang sumandal sa sofa. Kumuha ako ng dalawang baso at sinalinan ko ng wine. “Parang kape yata ang mas gusto kong inumin, Kuya.” I smirked. “Talaga ba? Bakit may pinagdadaanan ka rin ba?” “Kayo lang naman ni Logan itong mga mad love. Mga deadly obsession sa mga babae ninyo.” “Aba! nagsalita ang hindi. How should I tell about your love story?” Tinitigan ko siya habang may demonyong ngiti na naglalaro sa mga labi ko. He cleared his throat. “I’m innocent.” Inabot niya ang wine at sumimsim doon. Napangisi ako. “Asshole!” I murmured. Ibinaba ni Rio ang wine glass sa table. “Ano bang sasabihin mo sa akin, Kuya?” tanong niya. Naging seryoso ang uri ng itsura niya. “Have you seen Mr. Sandoval with your boss?” tanong ko. Tumango siya sa akin. “Yes Kuya, that’s what I’m going to tell you as well. Nalaman ng detective ni Chief kung saan nakatago ang Casa ni Don August. Nakita ko na rin sa larawan na pinadala sa akin si Mr. Sandoval. I think he still gambling with them.” Tahimik lang akong nakikinig habang nagpapaliwanag siya sa akin. “I saw him just now.” “Saan?” kuryoso niyang tanong. “Sa luxurious bar ni Don August. Imbestigahan ninyo rin sina Benjamin at Derek. Mukhang magkakakonektado silang apat,” sabi ko sa kaniya. Tumango siya. “No doubt.” Naging seryoso ang usapan namin kaya iniba ko bigla. “How are you and Nathalia?” I asked. I swear huling-huli ko ang pamumula ng magkabilang tainga niya. Matigas ang mukha niyang tumingin sa akin. “She is my boss. My duty is to protect her,” sagot niya. “Protect her from mens and suitors?” “I don’t think like that. What I know is to protect her from danger.” Tumawa ako. “Admit it Mr. Treveno. Halatang-halata kana.” Nagkamot siya ng kilay habang nangingiti sa akin. “Confession no to tell.” Ngumisi ako at balak ko na sanang ibato sa kaniya ang tissue sa harap ko ngunit isang doorbell ang nagpahinto sa akin. I know it was Logan. I mounted him a curse before I open the door. “What’s up dude. Anong mayro’n?” tanong niya ng mabungaran ko sa pinto. Ngunit nagulat ako dahil hindi siya nag-iisa. He was with our little Aurelia. Anak ng kumapare ni Papa. “Hello Kuya Ethan.” Nakangiti niyang bati sa akin. “Little fly I’m happy to see you.” Niluwangan ko ang pinto upang sila ay makapasok. Naunang pumasok si Au, at agad na nagmano kay Rio. “Anong feeling mo sa akin ninong mo.” Rio complain of what Aurelia’s did to him. Tumawa siya, ang lamiyos ng boses niya. Innocent and pure. “Respito lang po iyon Kuya. Ang OA mo naman.” Nakabusangot siyang umupo sa sofa. Agad na niligpit ni Logan ang wine glass sa table. Paano na kami iinum ngayong isinama ni Logan si Aurelia? Badtrip din itong bunso namin. “I think we need coffee than this,” sabi ni Logan. “That’s what I’m asking since I came,” Rio replied. Napa O shape ang bibig ni Aurelia. “Then, who’s idea about that?” tanong ni Aurelia. Itinuro pa sa amin ang alak sa ibabaw ng lamesa. Agad akong itinuro ni Rio. “It was your favorite Kuya, Au.” Minura ko ang sarili ko. “Sorry little fly, I didn’t know that you’re coming.” “It’s okay Kuya. Hindi naman po ako nagpaalam sa iyo. Sumama na lang ako kay Kuya Logan.” Inosente niyang sabi. Kahit walang inuman na naganap ay naging masaya naman ang aming kuwentuhan. Logan seems very happy. Hindi kaya…hindi kaya natatamaan na siya sa batang-batang si Aurelia? Napangisi ako sa naisip at sinimsim muli ang tinimpla kong kape.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD