Endiyah
Tahimik kaming magkatabi sa hapag habang nag-aalmusal. Hindi niya ako kinikibo simula nang lumabas siya mula sa banyo. Pabago-bago talaga ang ugali ng romantikong halimaw na ‘to. Ang tunog ng kubryetos sa tuwing lumalapat ito sa plato ang tangi kong naririnig na ingay. He was so serious eating his food. Bumuntong-hininga ako at tinapos ang pagkain. Nang matapos kami mag-almusal ay tinawag niya si Ate Tina.
“Yes po sir, may kailangan kayo?” lumapit pa siya sa amin.
Bahagya siyang tiningnan ni Ethan. “Can you make coffee for me and bring it to my library. Thanks!” tumayo na siya at tinalikuran kami. Nang maglaho ang bulto niya ay saka pa ako nakahinga ng maluwang. Nginitian ko si Ate Tina at tinulungan magligpit.
“Ako na po d’yan Ma’am. Kayang-kaya ko ‘yan,” kinindatan pa niya ako sabay taas ng isang kilay.
Napangiti niya ako ulit. “Okay lang iyon Ate. Wala naman akong ginagawa kaya tulungan na kita.” Pinagtipon-tipon ko ang plato sa lamesa at sabay-sabay iyon dinala sa sink. Tumikhim siya sa likod ko kaya lumingon ako sa kaniya. Naabutan ko pang naglalagay siya ng coffee sa may coffee machines.
“Ma’am Endiyah ang mabuti pa, ikaw na lang ang magdala nitong kape kay Sir kung okay lang sa iyo?” Tiningnan niya ako at nababasa ko sa mukha niya ang paghihintay ng sagot ko.
I cleared my throat. “Ate…kasi..” nahihiya akong sabihin sa kaniya na ayaw kong gawin ang inuutos niya. Ethan ignored me since breakfast time. Ang kapal na ng mukha ko kung papasukin ko pa siya sa library niya upang hatiran ng kape.
“Hindi ba gusto mong makita iyong litrato mo na sinasabi ko. So, chance mo na ito para makita kung anong itsura mo doon.” Pakiramdam ko pa ay nahahalata niya ang panlalamig sa akin ni Ethan kaya gumagawa siya ng scene sa pagitan namin. Naku assuming lang ako!
Hilaw akong ngumiti sa kaniya. “Sige po,”
Tumaas pa ang gilid ng labi niya na parang nagustuhan ang sinagot ko. Nang matapos niyang i-fill ang tasa ay nilagay niya ito sa maliit na tray at inabot sa akin.
“Relax lang,” maluko pa itong ngumiti sa akin. Ngumiti ako sa kaniya bago tumango. Pagkatapos ay nagpaalam na akong lalabas na para ihatid sa masungit na lalaking iyon ang pinagawa niyang kape.
Nang nasa labas na ako ng pinto ng library niya ay parang nanginginig ang mga kamay ko. Lumunok muna ako ng ilang beses at pinakalma ang sarili, pagkatapos ay mahina akong kumatok.
“Come in,” mahina niyang sagot mula sa loob ng room. Muntik ko ng mabitwan ang tray. Pambihira naman oh!
Pinihit ko ang seradora. I found him sitting on his swivel chair and seriously looking on his laptop screen. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa keyboard ng laptop habang ang isa ay nakatungkod sa chin niya. Hindi siya nag-abala na tingnan ang pinapasok niya. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya. Magkasalubong ang mga kilay niya at seryosong nakatutok ang mga mata sa harapan niyang laptop. Nang tuluyan akong makalapit ay nilapag ko ang tray sa tabi ng lamesa niya. Umangat siya ng tingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin pero agad akong bumawi. Binaba ko ang tingin sa kapeng nilapag ko. Ngunit nang tingnan ko siyang muli ay nakatitig pa rin ito sa akin. Mapupungay ang mga mata niya na para bang kay lalim ng problema.
Tumikhim ako at nilibot ang paningin. Sinubukang hanapin ng mga mata ko ang litrato na sinasabi ni Ate Tina ngunit wala akong nakita. Prank lang ba niya iyon sa akin?
“Thank you.”
Napatingin ako sa kaniya. Inabot niya ang kape at sumimsim doon habang ang mga mata ay hindi hinihiwalay sa akin. Gusto kong magsalita ngunit nakulong sa lalamunan ko ang salitang gusto kong sabihin. Kaya sa huli ay lumunok na lang ako at nilagay ang mga kamay sa may likuran ko at bahagya pa iyon pinagkukurot. Para tuloy akong batang nakatayo sa harapan ng teacher niya at pinapasagot ng tanong.
He was wearing short and house t-shirt, nasilayan ko pa ang mahahaba niyang binti sa ilalim ng upuan. Sa tingin ko rin ay hindi ito papasok sa opisina niya.
“Ethan?” naglakas loob akong tawagin ang pangalan niya. “Yes,” umangat siya ng tingin sa akin.
“About what we talk last time?” paalala kong tanong sa kaniya. Gusto kong linawin ulit sa kaniya ang trabaho na napag-usapan namin noong mga nakaraang araw.
“About my offer? Yes! You’re going to work in my company…with me.” He stated. He didn’t looked at me, he still looking on his laptop. Nag-angat siya ng tingin sa akin ng hindi ako kaagad sumagot. “You will be my secretary soon,” he added.
Napanatag ang loob ko. “Thank you.”
Tinitigan akong muli. Naasiwa na ako sa ginagawa niya. “You’re welcome, Endiyah Rose.” He said that without separating our eyes.
Nagkamot ako ng batok. “Sige lalabas na ‘ko.” Paalam ko. Balak ko ng pumihit palabas nang bigla itong tumayo at malalaking hakbang na nilapitan niya ako kasabay ng pagpulupot ng mga bisig niya sa baywang ko. Napasinghap ako ng mahina. Pakiramdam ko ay nagkalukot-lukot na ang tiyan ko dahil sa ginawa niya. My back landed on his hard chest. Napakapit ako sa braso niya.
“Ano kaba naman!” bulyaw ko sa kaniya. Nakakagulat kasi ang mga moves niya. Nilubog niya ang mukha sa leeg ko. Napatili ako nang bigla niya akong iangat sa ere pero pagkatapos ay ibinaba rin ulit.
“Ethan!” asik ko sa kaniya ngunit hindi siya bumibitaw sa pagkakayakap sa akin. In just one split—he spine me back to face him. Bumangga ang malambot niyang labi sa may noo ko.
“I didn’t order you to get out. Always remember that you don’t have the right to turn your back to me again.” Madiin ang pagkakasabi niya doon. So, it’s turn out na wala na akong karapatan hanggang nasa poder pa niya ako.
Tiningala ko siya at pinandilatan. “I am not a prisoner.”
He smirked. “You’re more than that Endiyah.”
Sinubukan kong itulak ang malapad niyang dibdib upang makawala ako sa mahigpit niyang pagkakayakap sa akin pero hindi ako nagtagumpay.
“Huwag mo ‘kong ihalintulad sa hayop na puwede mong talian.” Tinulak ko ulit siya pero mas humigpit pa ang yakap sa akin. Hinila pa ako at idiniin sa kaniya.
“Try me, sweetheart.” Ngumisi pa siya sa akin. Tinungkod ko ang isang kamay sa dibdib niya habang ang isa ay humawak sa isa niyang kamay na nasa may baywang ko at pilit ko iyong kinakalas.
“Ano ba! bitiwan mo nga ako!” bulyaw ko ulit. Gusto kong sumigaw at humingi ng saklolo kay Ate Tina ngunit kapag pumasok iyon at mahuli kami sa ganitong posisyon ay baka kong ano pang isipin sa amin. Hay! Hindi ako nagkakapag-isip nang tama dahil apektado ako sa tuwing dumidikit ang balat niya sa akin.
“No!” bumaba ang mukha niya sa akin at siniil ako ng halik. Sa sobrang diin ng labi niya sa labi ko ay nakulong sa lalamunan ko ang ungol na gustong kumawala sa akin. Tinulak niya akong paatras. Kumapit ako sa braso niya upang hindi matumba. Ang mga labi namin ay hindi naghihiwalay. Hanggang sa natagpuan ko ang pang-upo ko sa gilid ng working table niya. He brushed his lips into mine. Namamaga na yata ang labi ko sa kapusukan ng paghalik niya sa akin. Nawalan ako ng balanse kaya naitungkod ko sa lamesa ang kabila kong kamay. Umurong ang tray sa ibabaw nito kaya tumilapon iyon sa sahig. Naglikha iyon ng malakas na ingay dahil nabasag ang tasa. Itinulak ko siya. Nabitawan niya ang labi ko.
Humihingal pa akong bumaling sa nabasag sa sahig. Ngunit nagulat akong muli nang ikulong niya ulit ang mukha ko sa malalaki niyang palad at hinalikan akong muli. Mapusok at mapanghanap. Pakiramdam ko ay nangangapal na ulit ang labi ko dahil sa kapusukan ng paghalik niya. Tinabingi niya ang ulo at malaya akong hinalikan. Parang may nagtulak sa akin na sagutin ang halik niya. Ginaya ko ang paggalaw ng labi niya kaya malaya niyang pinasok ang dila sa loob ng bibig ko. He played his tongue to my tongue. Hanggang sa painit nang painit ang halikan naming dalawa. Ang bawat tunog ng mga labi namin ay nagsisindi iyon ng apoy sa buo kong katawan. Hinagod niya ang labi sa labi ko. Ginaya ko ang ginagawa niya, hanggang sa bumaba ang labi niya sa pisngi ko at panga. I let out a soft moans. Pumasok ang kabilang kamay niya sa loob ng damit ko at nang marating ang pakay ay bahagya iyon pinisil kahit na natatabunan pa iyon ng bra ko.
Napasinghap ako ng mahina dahil sa ginawa niya. He didn’t stop kissing my jaws. Hanggang sa bumaba pa ang halik niya sa leeg ko at bahagya pa iyon kinagat. Napaungol ako ng malakas. Para akong nakakulong sa ulap at tinatangay paitaas. Ang kamay niya ay nagsimulang pumasok sa loob ng bra ko at hinulma ito. Nang halikan niya nang halikan ang leeg ko ay pinikit ko ang mga mata at kumapit ng maigi sa braso niya. Balak na niyang kalasin ang hook ng bra ko nang may kumatok sa pinto. Napadilat ako at malakas siyang itinulak. He groaned. Nasilayan ko ang basa niyang labi. Kunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay.
“What the f*ck! Not again!” malutong niyang mura. Hinilamos niya ang mukha. Namumula pa iyon pati tainga niya.
Lumunok ako at minadaling ayusin ang sarili. “Come in,” sabi ko sa kumatok.
Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Ate Tina. Kunot ang noo niyang sinuri kaming dalawa. “Pasinsiya na kayo pero may narinig lang akong nabasag. Okay lang ba kayo? Hindi kayo nag-aaway?”
I cleared my throat. Hindi ko siya matingnan ng deretso. Iwan ko ba parang na-guilty ako. “I drop the cup accidentally. Sorry po.” Hinging paumanhin ko sa kaniya. Binalingan ko si Ethan sa likod ko. Parang walang nangyari na nakatingin ito sa akin. Tinaasan pa ako ng kilay.
“Sabi ko na nga ba e, parang may nabasag nga. Teka, okay ka lang ma’am? hindi kaba nasugatan?” magkasunod-sunod niyang tanong.
Umiling ako sa kaniya. “Hindi po Ate. Pasinsiya na po ulit.”
Tinaas niya ang kamay sa akin. “Naku wala iyon. Sige kukuha muna ako sa labas ng walis at dustpan.” Pumihit na ito patalikod at nagmamadaling lumabas.
Binalingan ko si Ethan. Bumuntong hininga siya sabay abot ng cellphone niya na nakapatong sa mesa. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa ibulsa niya. Lumapit siya sa akin at pinatakan ng mabilisan na halik ang labi ko. “I’m going out. Stay inside and don’t come out. Understand.” Hindi na niya hinintay ang sagot ko. Tinalikuran niya ako at tuluyang lumabas sa library niya. Naiwan akong nakatunganga. Bahagya kong hinaplos ang labi kong pinatakan niya ng halik. Mas simple kaysa pinagsaluhan namin kanina pero pakiramdam ko ay nagdala iyon ng libo-libong pakiramdam sa buong katawan ko. Nag-init ang magkabila kong pisngi. What I am thinking? Hinawakan ko iyon dahil sa tingin ko ay sasabog na ito sa sobrang init. Kinagat ko ang ibabang labi at umiling.
Hindi nagtagal ay bumalik si Ate Tina na may dalang walis at dustpan. Huminto siya sa tapat ko sabay ngiti. “Saan ba pupunta si Sir? Akala ko ba ay hindi iyon aalis.”
Umiling ako sa kaniya dahil wala rin akong idea kung saan pupunta ang amo niya. Nagsimula siyang walisin ang kalat sa sahig. Pinagmamasdan ko na lang ang masinop niyang pagwawalis sa bubog na bote Huminto siya sa ginagawa at bigla akong binalingan. “Alam mo Ma’am, unang beses kong nakita si Sir na lumabas na gano’n ang ayos niya.” Umiling pa ito na may pagtataka.
Hindi ko siya sinagot bagkus ay nagtanong ako sa kaniya. “Ate, nasaan nga pala ang litrato kong sinasabi mo?”
“Ayon oh—“ Naiwan pa sa ere ang kamay niya at kumunot ang noo. Ang itinuro niyang wall ay wala namang nakasabit. Nagkatinginan kami na parehong may pagtataka.