Chapter 5

2010 Words
Endiyah Tahimik lang akong nakahiga sa bandang gilid ng kaniyang malapad na kama. Nauna na akong umakyat kanina dahil may gagawin pa raw ito sa loob ng library niya. Magkahalo-halo na ang mga bagay na naiisip ko ngayon. Hindi ako mapalagay sa tuwing naiisip ko na magtatabi kami ngayon dito mismo. Hinila ko pa ang kumot pataas hanggang sa aking leeg. Ang lamig ng kuwarto niya dahil nilagay ko sa high temperature ang AC. Nang ipikit ko ang mga mata ay siya namang bukas ng pinto. Nakaramdam ako ng kaba, iwan ko ba. Naglakad ito palapit sa kama kaya nagkunwari akong tulog na. May kausap siya sa phone dahil kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay naririnig ko naman siyang nagsasalita. “Yeah, do it as possible. Make sure that everything is clear,” ani niya sa kausap. Tahimik akong nakapikit pero ang tainga ko ay bukas upang makinig sa anumang conversation nila ng kausap. “Okay. okay. I get it.” Dugtong pa niya. Hindi nagtagal ay natapos na siya sa pakikipag-usap. Naramdaman kong lumundo ang kama. Hinila niya ang kumot at pumailalam siya rito. Ngunit muntik na akong mapabangon nang bigla niya akong yakapin mula sa likuran ko. Pinaikot niya ang bisig sa baywang ko. Umusod pa siya sa akin na para bang ahas na lumigkis sa akin. Hindi ako gumalaw o minulat ang mga mata. Siniksik niya ang mukha sa leeg ko. Ang ilong niya ay nararamdaman ko na sa may pisngi ko. “I’m cold.” He whispered. “Warm me by your heat, baby.” He added. Bumilis ang t***k ng puso ko. Tila siya may sakit habang bumubulong sa akin. Nang hindi ako sumagot ay nagsalita siyang muli. “Alam kong hindi kapa tulog. I can feel your heartbeat,” he said again. Doon ko pa napakawalan ang malalim na buntonghininga. Bahagya kong kinalas ang braso niya sa akin pero hindi ako nagtagumpay. Mas hinigpitan pa niya iyon at siniksik pa ang sarili sa akin. Gumalaw ako ng kaunti dahil nasasakal ako sa paraan ng pagyakap niya sa akin. Parang tinupok ng apoy ang buong mukha ko nang hindi sinasadyang mapadiin ang puwitan ko sa gitna ng mga hita niya. He is turn on! “Stay still. Ang sabi ko nilalamig ako,” ulit niyang sabi. “Ano ba, Ethan! Hindi ako makahinga!” Reklamo ko. Gusto kong umiwas sa kaniya dahil hindi ako kumportable sa pinaparamdam niya sa akin mula sa likuran ko. Narinig ko siyang tumawa. “Face me baby so you can breath easily." He asked me again to face him but I refuse to do it. Then I tried to move a bit further so that I can breathe freely. Pero mali yata ang moves ko. Napalakas ang usod ko kong kaya’t tumilapon ako sa sahig. Nawalan din siya ng balanse kaya bumagsak sa akin at ang kumot naman ay tumabon sa amin. “Aw!” ungol ko. Sumakit ang balakan ko dahil sa sementadong sahig, idagdag mo pa ang bigat ni Ethan. Agad siyang bumangon at nangingiting dinaluhan ako. “Are you okay?” Tinulungan niya akong makaupo. Hindi niya maitago ang pagngiti nang makita akong nakangiwi. “Ikaw kasi eh! Usod ka nang usod…ayan tuloy.” Paninisi pa niya sa akin. Sinimangutan ko siya nang makaupo ako ng maayos sa sahig. Tumawa siya ng mahina kaya hinampas ko siya may braso. “This is all your fault!” akusa ko sa kaniya. He barked a laughter. Napatitig ako sa kaniya. This is my Ethan. The guy, that I fell in love with back then. Inayos niya ang sumabog kong buhok sa may pisngi ko. Tumayo siya at inayos ang kumot na nalaglag na din sa sahig. Tinulungan niya akong tumayo at ganoon rin sa paghiga. Masakit pa ang balakan ko, malakas kasi ang pagsalpok ko sa sahig. Tumihaya ako at hinila ang kumot hanggang dibdib ko. Pumaloob na rin si Ethan sa kumot at dumikit na naman siya sa akin. Nilingon ko siya at inirapan. Itinaas niya ang kamay, sign ng pagsuko. “I will behave, okay.” He promise. Pinaikot ang isang braso sa ibabaw ng tiyan ko. Niyakap niya ako pero hindi na mahigpit. Hindi na kasing higpit kanina na halos kapusin ako ng hininga. Dinikit niya ang ilong sa sintido ko. Ang mabango niyang hininga ay tumatama na sa kabilang pisngi ko. “Goodnight.” He whispered. Pinakiramdaman ko siya sa aking katawan hanggang sa tuluyan na siyang nakatulog. Gising na gising pa ang diwa ko pero tahimik lang ako. Mabini kong hinaplos ang kamay niyang nakalapat sa tiyan ko. I will take this chance habang tulog pa siya. Gusto ko pang abutin ang pisngi niya para haplusin ‘yon pero nag-alala ako na baka magising ko siya. “I love you,” sambit ko sa isip ko habang nakatitig sa maamo niyang mukha. Wala akong kakayahan na sabihin ito sa kaniya ulit. Galit siya sa akin. Kaya nga ako nandito ay dahil nagbabayad ako ng utang. Ayaw ko ng mag-assume at bigyang kahulugan ang mga ginagawa niya sa akin. He can be soft. Hindi naman kasi sa lahat ng oras ay puro galit ang nararamdaman niya. Napagod ako sa kaiisip kaya pinilit kong matulog. Nagising akong may mainit na nakapaloob sa loob ng damit ko, gumalaw ako ng kaunti. Ngunit nagulat ako nang mapagtanto kong nasa loob na ng shirt ko ang isa niyang kamay at nakahawak na sa kabila kong dibdib. Hindi ‘yon gumagalaw pero steady lang ang kapit. Pakiramdam ko ay lumulukot na ang tiyan ko mula sa pagpipigil ko ng aking hininga. Hindi ko kayang isipin ang posisyon namin ngayon. Hindi ko kayang tanggalin dahil nag-aalala ako na baka magising ko pa siya at mapunta pa kami sa ibang planeta. Bakit hindi ko man lang maramdaman ang mga ginagawa niya? Am I sleepyhead? Hinawakan pa kaya ako sa ibang parte ng katawan ko? Hinayaan ko lang ang kamay niyang nakahawak sa kabila kong dibdib hanggang sa dalawin ako nang antok at tuluyan ng makatulog. Panaginip lang ba ang nararamdaman kung dumadampi sa balikat ko. Pero habang tumatagal ay naging makatutuhanan at ramdam na ramdam ko ang mainit na labi na masuyong humahalik sa batok ko, tuktok ng balikat at likod ko. “Hmm..” I murmured towards his deep kisses. Tuluyan na akong naalimpungatan dahil sa ginagawa sa akin nitong katabi ko. Gumalaw ako at dumilat ng bahagya, nasilaw pa ako sa araw mula sa butas ng kurtina na hindi maayos ang pagkakatakip sa may sliding door. Tumingin ako sa orasan na nakapatong sa may gilid ko. Alas sais pa lang ng umaga pero iba ang takbo nang isip nitong kasama ko. Yumuko ako sa dibdib ko nang maramdaman ang palad niyang humuhulma doon. Nag-init ang mukha ko nang masaksihan ulit ang paghawak niya sa isang dibdib ko. Nakayakap siya sa akin mula sa likuran kung kaya ang mga kamay ay malayang humahawak sa kong saan-saang parte ng aking katawan. Kahit natatabingan pa ‘yon ng tela dahil sa suot kong pantulog ay hindi naging hadlang upang hindi niya ipagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Hinawakan ko ang braso niya at sinubukang tanggalin mula sa loob ng damit kong pantulog. Umungol siya sa likod ko na para bang hindi nagustuhan ang ginawa ko sa kamay niya. “Ethan?” tawag ko. “Hmm..” ungol ang isinagot niya sa akin. Tinanggal niya ang kamay doon. Buong akala ko ay papakawalan na niya ako ngunit bumaba ang braso niya sa tiyan ko at niyapos ako nang mahigpit. Isiniksik pa niya ang mukha sa may batok ko. Ang matangos niyang ilong ay tumatama na do’n. Umusod ako ng kunti para makahinga nang maluwang. Pero itong nakayakap sa akin ay hindi natitinag. “Ethan, gusto mo ba akong malaglag ulit?” pabulong kong tanong. Tumawa siya nang mahina. He bite my back and sniff in to my shoulder. “Stay still…just five minutes.” His voice are groggy. Ipinikit ko ang mga mata ng tatlo o apat na minuto bago dumilit ulit. “Five minutes is up.” Kinalas ko ang pagkakayap niya sa akin. Nagtaka pa ako dahil hindi siya nagprotesta. Dahan-dahan akong bumangon at umupo sa gilid ng kama. Malaya siyang dumapa sa kama at pinatong ang malalaking kamay sa unan niya. Sinulyapan ko siya saglit ngunit nakapikit na ito. Pumasok ako sa banyo. Tumingin ako sa salamin at pumikit. “What’s wrong with me?” bulong ko sa sarili ko. Binuksan ko ang gripo at naghilamos ng isang beses. Kinagat ko ang ibabang labi at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Huminga muna ako nang malalim bago ko hinubad ang pantulog at pumasok sa dutsa upang maligo. Nagbabanlaw na ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Hindi ko alam kung saang parte ng katawan ko ang unang tatakpan nang maaninag ko sa salaminng pinto ng shower si Ethan. Nag-panic ako. Kinabahan at nahiya. Bakit ba nakalimutan kong isara ang pinto? Sinisi ko ang sarili. Tinakpan ko ang dibdib ko ng isang kamay at isa naman ay sa maselang parte ng aking katawan. Tumagilid ako upang hindi malantad sa kaniya ng husto ang kahubaran ko. Sinulyan niya ako at nahuli ko siyang ngumisi. Buti na lang at naka-boxer na ito. “Hindi pa ako tapos. Puwede bang lumabas ka muna.” Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya. Hindi niya ako sinagot. Lumapit siya sa nakasukbit na ruba sa may gilid at kinuha niya iyon. Naglakad siya palapit sa akin. Parang tinupok ng apoy ang buong mukha ko. Pakiramdam ko ay wala na akong maipagmamalaki sa kaniya. Nahalikan na niya ako at nahawakan. Ngayon ay nakita na akong nakahubad. Ano pa kaya ang susunod? Binuksan niya ang glass door ng shower at iniabot sa akin ang rubang hawak niya. Doon pa ako nakahinga nang malalim. Agad ko ‘yon kinuha at tinakip sa katawan ko. Nanginginig ang mga kamay kong nilulusot ang butas ng ruba upang maisuot ko nang maayos. Hindi pa tuyo ang buhok ko. Piniga ko lang ‘iyon para hindi ako mabasa. Itinali ko ng mahigpit ang ruba ko bago tumingin sa kaniya. Nakangisi ito sa akin. Matalim ko siyang tiningnan kung kaya kumunot ang noo niya. I find him cute the way he increase the lines of his beautiful forehead. Muntik na akong mapangiti. Tumikhim ako dahil nakaharang siya sa dadaanan ko. “Gumilid ka muna dahil lalabas ako.” Tahimik siyang gumilid. Hinakbang ko ang mga paa ko ngunit muntik na akong mapatili nang mabilis niya akong hapitin sa baywang ko. I gasped loudly and hold his hand on my waist. Sa klasi ng pagkakahapit niya sa akin ay parang hindi hapit lang, kung ‘di alanganing binuhat. Nakataas na sa ere ang isang paa ko. “Are you out of your mind!” gigil kong sabi sa kaniya. “Hindi,” sagot niya. “Let me go!” asik ko sa kaniya. “I won’t.” “Please..” “Stop talking, you woman.” Uminit ang dugo ko sa paraan ng pagkakatawag niya sa akin. Hinampas ko ang kamay niyang nakayakap sa akin. “Aw!” Kunwari siyang nasaktan. Alam ko namang hindi ganoon kalakas ang pagkakahampas ko sa kamay niya. “Ang sabi ko, bitawan mo ako!” Bulyaw ko sa kaniya. Pinatayo niya ako nang maayos pero nakayakap pa rin sa akin. Dinikit niya ang labi sa may tainga ko at binulungan ako. “From now on…I will prepare you naked in my eyes.” Kinintalan niya ng halik ang labi ko nang mabilisan bago ako pinakawalan. Nginisihan pa niya ako bago tuluyang pumasok sa loob ng shower. “Barbaric.” I murmured to myself. Pakiramdam ko ay nagka-goosebumps ako sa sinabi niya. Nagmamadali akong lumabas ng banyo at pumasok sa walk in closet niya. Isinandal ko ang likod sa dingding at huminga nang malalim. Hinawakan ko ang kaliwang dibdib ko at pumikit. Magtatagal pa kaya ako rito kung ganito ka agresibo itong kasama ko araw-araw. Panginoon ko, tulungan mo po ako. Tulungan mo akong makalaya sa mga problema ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD