Endiyah
Sobrang kay bilis ng pangyayari sa buhay ko ngayon. Katulad nito, sa isang iglap lang ay nasa poder na ako ni Ethan. Hindi ito ang kagustuhan ko pero wala akong magagawa dahil nakatadhana na ito para sa akin. At ito ang magiging buhay ko simula ngayon. Ang buhay na kasa-kasama ko na siya palagi. On the other part of me, natutuwa ako, pero sa tuwing naiisip ko ang puwersang ginawa niya makuha lang ang gusto ay parang...parang gusto ko siyang balatan ng buhay.
Bumuntonghininga ako. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko sa kuwarto niya. We're sharing in one room. Isa pa ito sa nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Nagpresenta si Ate Tina na tulungan ako para ayusin ang gamit ko, pero humindi na ako. Sapat nang pinagluto niya ako ng masarap na almusal at tanghalian. Pinagpag ko ang mga kamay at iginilid ang mga suitcase ko. Nasa loob ako ng walk in closet ni Ethan. Sinulyapan ko pa ang mga gamit niya. Of course, it is all expensive.
The bed is wide--king size, and his luxury bathroom amazed me. Sinuri ko ang buong kuwarto niya bago ko binuksan ang sliding door palabas ng balkunahe niya. Kumapit ako sa railings kasabay ng pagpikit ng aking mga mata. Masarap ang simoy ng hangin na dumadampi sa pisngi ko. I breath in and out. Naagaw lang ang atensyon ko sa pagdama ng masarap na hangin nang may marinig akong kalabog sa loob ng kuwarto. Sinilip ko ‘yon pero wala akong nakita hanggang sa tuluyan na akong pumasok. Sinarado ko ang sliding door at nakiramdam sa loob ng kuwarto. Lagaslas ng tubig mula sa banyo ang narinig ko. He is home. Nakaramdam ako ng kaba, ‘yong tipong hindi ako mapalagay.
Umupo ako sa gilid ng kama at pilit na pinapakalma ang sarili. “Warm me on my bed every lonely night.” Paulit-ulit na bumalik sa isipan ko ang sinabi niya noong mga nakaraang araw. Gusto kong takpan ang tainga ko ‘wag lang marining ang lagaslas ng tubig mula sa banyo ngunit hindi ko ‘yon magawa. Hanggang sa huminto ang ingay mula sa banyo. Tumitig pa ako sa pinto. Alam kong tapos na siya maligo at anytime ay lalabas na ito mula sa banyo. Ano kayang suot niya? Nakatapis? Nakaruba? Ang gulo ng utak ko.
Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin ako doon. Tama nga ang nasa isip ko. Naka tapis lang ito ng puting tuwalya. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang walang suot na pang-itaas. His built body screaming for muscle. Pinasadhan ko ng tingin ang matipuno niyang dibdib na tila may bato-bato pa pababa sa kaniyang tiyan. He stared at me, parang tinupok ng apoy ang buong mukha ko sa makahulugan niyang pagtitig sa akin. I swallowed the lump of my throat and my own saliva. Inalis ko ang tingin sa kaniya. Nagkamot ako ng batok at tumikhim nang mahina.
Narinig ko lang na naglakad siya papasok sa walk in closet niya. Paglabas niya ay nakabihis na ito ng pangtulog.
“Welcome in my house, Endiyah Rose,” mahina niyang salita. Hindi ko siya sinagot. Nanatili akong nakaupo sa gilid ng kama niya. I heard him step forward ..closer and closer. “Look at me, baby?” He asked me to look at him.
Hindi ko siya sinunod. Alam kong nasa harapan ko na siya ngayon dahil naaamoy ko ang mabagong shower gel na ginamit niya kanina. “Ang sabi ko, tingnan mo ‘ko?” He repeated. Inirapan ko siya. Narinig ko siyang ngumisi.
“Kanina lang ay nakatingin ka sa ari ko, bakit ngayon ay hindi mo na ako magawang tingnan?” Nabigla ako sa sinabi niya kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. Really? Kahit sa pananginip ko ay hindi ko man lang naisip ang sinabi niya. Malukong ngisi ang ginawa niya kung kaya’t hinampas ko siya sa kaniyang kabilang kamay. “See, nanantsing kapa.”
”Ang kapal mo!” Tumayo ako para lumabas. Ngunit kinulong niya ako sa magkabila niyang braso.
“A-ano ba!” Asik ko sa kaniya. Nasasakal ako sa mahigpit niyang yakap sa akin.
“Saan ka pupunta, hah?” Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa akin. Naramdaman ko ang labi niya sa tuktok ng ulo. I feel like he is kissing me there.
“Bitawan mo ako, Ethan!” Nagpumiglas ako pero hindi ako nagtagumpay. Sa laki ba naman ng katawan niya ay kayang-kaya niya akong buhatin ng iisang braso lang.
“No!” Hinila niya ako kasabay nang pagbagsak ng mukha ko sa malapad niyang dibdib. Mas nanuot pa sa ilong ko ang mabango niyang amoy. Nanatili ng ilang minuto ang mahigpit na yakap niya sa akin hanggang sa maramdaman kong medyo lumuluwag na ito. Inangat niya ang mukha ko at bahagya pang hinawi ang buhok kong nakatabing na sa may pisngi ko. Inayos niya iyon sa magkabilang tainga ko habang ang isang kamay ay nasa baywang ko pa rin.
Walang reaksyon ang mukha niya. Hindi siya galit, pero hindi rin masaya. Puwede pala maging romantiko ang halimaw? Doon ko kasi siya hinahalintulad. Noon ay isang romantikong Ethan ang nakilala ko, pero ngayon ay isang halimaw na Ethan na puwede ring maging romantiko anytime.
Muntik na akong mapangiti sa mga naiisip ko.
Namilog ang mga mata ko nang biglang bumaba ang mukha niya sa akin. He devoured his lips into mine. He kiss me harder and deeper. Ang bawat halik niya ay tila nagpapalasing sa akin. Pinikit ko ang mga mata at ninamnam ang bawat lapat ng labi niya sa akin. The sound of our lips made me feel drunk. Nagsimulang magsiliparan ang mga maliliit na paru-paro sa loob ng tiyan ko. Hindi ito ang unang halikan namin pero pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati.
Nang humalik ako pabalik ay siya namang hinto niya. Nainis ako sa ginawa niya. He didn’t pulled his lips in my lips so that I continue the kiss. Naramdaman kong ngumiti siya. Tinumbasan niya ng mas mapusok ang mga halik ko. Para siyang nagsindi ng apoy sa buo kong kaibuturan. Bumaba ang halik niya sa gilid ng tainga ko hanggang sa bumaba pa ‘yon sa leeg ko. Humalik siya doon nang humalik. Hindi ko napigilan ang mapaungol nang mahina. Kumapit pa ako ng mahigpit sa braso niya. The sound of his kisses made me feel insane. I want more ..more than that kiss. Binalik niya ang labi sa labi ko. Nakiliti pa ako nang ipasok niya ang dila sa loob ng bibig ko. I let him explore his tongue inside my mouth. I feel his other palm kneading my breast.
Hiniga niya ako nang dahan-dahan sa malambot niyang kama at pinagpatuloy ang ginagawa sa akin. Bahagya pa niyang pinasok ang isang kamay sa loob ng blouse ko. Nang marating ang pakay ay pinisil niya iyon. Napaungol ako nang malakas. Nabitiwan niya ang labi ko, saglit niya akong tinitigan bago bumaba ulit ang labi sa akin.
Isang mahihinang katok ang nagpagising sa aming nawiwindang na mga diwa. Iniwas ko ang labi sa kaniya pero bumaba ang halik niya sa panga ko. Nilabas pa doon ang dila. Tinulak ko siya pero wala yata itong balak na magpaawat.
“Ethan, may tao sa labas,” mahina kong awat sa kaniya. He groaned like a beast. Pinagpatuloy ang ginagawa sa akin. Pero kung sino man ang istorbo sa pinto ay mukhang wala itong balak na tumigil sa kakakatok.
Tinaas ko ang isang kamay at hinawakan siya sa pisngi. Napatingin siya sa akin. Mas dumagan pa siya sa akin at namilog ang mga mata ko nang ngayon ko pa naramdaman ang umbok ng harapan niya. He’s ready to break out.
“Buksan mo ang pinto baka importante iyon,” ani ko. Tinulak ko siya para mapabangon.
“F*ck Disturbing!” he said.
I giggled unconsciously when he cursed many times. Nabitin kaya galit.
Nang tumayo na siya para buksan ang pinto ay agad din ako bumangon para ayusin ang sarili. I’ll make sure na walang nakalihis sa damit ko.
“Who is it?” Bungad niya sa kumakatok sa pinto.
“Eh sir, pasinsiya na po. Nasa baba ang lola ninyo kasama si sir Rio,” ani Ate Tina na tila kinakabahan sa masamang bungad ng kaniyang amo.
“Okay, I’ll be there a minute.” saka tinalikuran si Ate Tina sa pinto. Humarap siya sa akin. Sinuri pa ang kabuuan ko, nag-iwas ako nang tingin ng maalala ang kani-kanina lang na nangyari. What a shame, I almost give in.
Tumikhim siya na para bang walang nangyari sa amin kanina. “Come with me, meet my grandma.” He invited me.
Tumango ako sa kaniya sabay tayo, hinawakan niya ang kamay ko sabay hila palabas. Nasa kusina ang sinasabi niyang lola dahil pagbaba namin sa sala ay walang tao doon. Pero dinig na dinig ko ang hagikgik ni Ate Tina mula sa kusina. Hinila pa niya ako papuntang kusina. Gusto kong palayain niya ang mga kamay ko sa mahigpit niyang pagkakahawak dito dahil pakiramdam ko ay madudurog niya iyon.
Kumunot ang noo niya nang bigla akong huminto sa paglalakad. “ Bitiwan mo na ang kamay ko,” ungot ko. Mahihiya akong makikita nilang magka-holding hands kami. Tumaas ang isa niyang kilay. Buong akala ko ay hindi na ‘yon bibitawan. Bumuntong hininga muna siya nang malalim bago pakawalan ang mga kamay ko sa kamay niya.
He murmured a words but I didn’t understand. Tahimik akong sumunod sa kan’ya sa loob ng kusina.
“Hi, lola.” Nagmano si Ethan sa lola niya. Sa tingin ko ay nasa 70’s na ito. Napansin ko rin ang isa pang malaking lalaki. But judging his appearance, I think he’s related to them.
Ngumiti ang lola niya sabay tingin sa akin. Hindi ko malaman ang unang ikikilos ngayong lahat yata sila ay nasa akin ang atensyon. Hinapit ako ni Ethan sa baywang at dinikit sa kaniya. Nahuli kong ngumisi ‘yong isang malaking lalaki din.
“‘La, meet Endiyah Rose. My girlfriend.” Pakilala niya sa akin. Nagulat ako doon sa sinabi niyang girlfriend niya ako. Pinilit kong ngumiti sa lola niya. Lumapit ako sa kaniya at nagmano. “Hello po, Lola. Nice to meet you po.” Kinakabahan ako kung ngingiti ba ako o maging formal na lang.
Ngumiti siya sa akin. “Endiyah Rose. What a beautiful name.” She complement. Niyaya niya akong umupo. Pinakilala din ako ni Ethan sa isa pang lalaki. Hindi nga maipagkakailala na kapatid niya ito.
“Gabi na lola, what brings you here?” seryosong tanong ni Ethan sa lola niya.
Inayos nito ang salamin sa mata bago sumagot. “Nah, yayain sana kita next week para pumunta ng Art Galleries. May lakad raw itong si Rio at busy na rin si Logan. Asa pa ako sa batang iyon, puro kalukuhan ang ginagawa.” Paliwanag niya sa apo. Wait, speaking of Logan? Kapatid din pala ni Ethan. I know back then that he has two brothers, but I didn’t meet them in person. So, Logan and Rio was his two brothers. Tahimik lang akong nakikinig sa tabi ni Ethan.
“Okay, I’ll cancel my all appointments. Ikaw pa, malakas ka sa akin.” Biro niya sa lola niya. Pinatong niya ang kamay niya sa likod ng upuan ko.
Ngumisi Rio. “You gain one points,” sabi niya sa Kuya. Ethan mouthed him a cursed. ‘Yong hindi mapapansin ng Lola nila, pero napansin ko. Tiningnan ako ni Rio at ngumiti. I smiled back to him.
They talk about business and family matters. Tahimik lang ako dahil hindi ako familiar sa mga usapan nila. Hanggang sa mapunta sa akin ang atensyon ng Lola nila.
“Wait?” ani ng Lola nila. Tumitig ito sa akin, nagtagal ‘yon ng apat o limang segundo. “You look familiar, Iha. Parang nakita na kita years ago.” Tila inaalala kung saan kami nagkita.
Ngumiti ako sa kaniya. “Sa simbahan po, Lola. Limang taon na ang nakalipas.”
Tumango-tango siya. “Yeah right, ikaw nga ang tinititigan noon ng apo ko.” Tukoy niya kay Ethan. Nag-init ang pisngi ko. Naalala pa pala niya iyon.
Dito na naghapunan ang lola at kapatid ni Ethan. Hindi ako gaano nakikipagkuwentuhan sa kanila dahil naiilang pa ako. Nang matapos ang hapunan ay nagpaalam na sila para umuwi.
“I’m glad to see you, Endiyah Rose.” Nakahawak pa ito sa kamay ko habang nagsasalita.
“Ako rin po, Lola,” sagot ko sa kan’ya.
“Call me lola Elena.” She sweetly smile at me.