Kidnapped
Kahit pagod na pagod ay nagawa ko pa ding makisabay sa pag iingay ng mga classmates ko. Kakatapos lang ng research defense namin kaya naman walang mapagsiglan ang sayang dulot ng one month vacation na inanounce ng proof namin ngayon lang.
"Grabe, pagkatapos ng hirap may ginahawa din pala tayong matatanggap." Bakas ang ngiti sa boses ng kaibigan kong si Veron.
Alas sinco na nanghapon kaya pagkatapos kong makihalubilo sa mga kaibigan ko ay tinawagan ko na muna si Kuya Larry para ipaalam ang bonding moment na gagawin namin mamaya. Hindi naman siya nagtanong ng madami at nagpa alala lang na mag ingat ako.
I do appreciate their trust on me. Para iyong napakalaking achievement na nakamit ko sa buong buhay ko.
"Opo, pakisabi nalang din po kay Nana, Kuya." I said before hanging up.
Hinintay nalang naming matapos ang huling subject sa araw na'to pagtapos nito ay tutuloy kami sa bahay nila Abbie. Doon kasi gaganapin ang bonding namin.
Kapag may nagaganap na ganito ay mayroon kaming inihandang place na pagdarausan, para na din hindi kami kung saan saan mapunta. Kuwentuhan lang habang nag iihaw. May ibang nagdadala ng light drinks pero hindi naman namin iyon nauubos dahil abala kami sa kantiyawan. Isa pa'y nandoon ang parents ni Abbie kaya hindi kami makalusot na magpakalasing.
"Umuna muna kayo," Hindi ako nag abalang itaas ang aking tingin sa ginagawa. Sa daming dala ko ngayon ay para akong dinaanan ng bagyo.
Narinig kong tumigil din sa pag aayos ang katabi kong si Veron at magaang binitbit ang makakapal na libro. "Bakit, Sha?"
"C.R lang ako."
Matagal kasi akong gumamit ng banyo, kung mag aantay sila ay baka mainip ang mga yun kaya mas mabuti nang nakabantay sila sa paparating na Van nila Abbie.
I packed my things properly, some of my notes are not in a good place so I need to exceed it to look comfortable. Ayaw ko kasing nakikitang kusot kusot ang mga gamit ko, para akong nawawalan ng ganang mag aral kapag ganoon.
Pagkatapos kong ilagay sa kaliwang braso ang makakapal na books for geometry ay marahan kong tinungo ang pintuan.
Unti unti nang kinakain ang liwanag ng dilim sa buong paligid, mabuti nalang at may ilaw sa mga posting nakakabit sa puno kaya kahit madilim na ay nakikita ko pa din ang aking daraanan.
"Jesus!!" Patiling usal ko nang maramdaman ko ang paghigit sa akin ng isang malakas na puwersa sa isang tabi.
Dahil may kadiliman ang pinagdalhan niya sa akin ay hirap akong aninagin kung sino ang taong basta basta nalamang nakapasok sa school na'to.
"Hi," I felt goosebumps at the back of my neck when his mint breathe touch my bear skin. His voice was deep and manly. Seriously dangerous. "Do you still remember me, hmm?"
What?!
Pinilit ko siyang lingunin kahit na mahigpit niyang hawak ang braso ko. His feature are familiar, he's tall and quiet broad.
Ang lalaki sa parking lot.
Pero bakit niya ako tinatanong kung natatandaan ko pa siya?! Dapat ay hindi siya ganito! Isa pa, ang higpit higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko! Nararamdaman ko nang mamumula iyon sa oras na bitawan niya.
Nang hindi ako naka imik sa tanong niya ay mas lalo siyang sumiksik siya sa akin. Exposing how much affected I am. "Come with me."
Mahigpit akong napahawak sa braso niya nang bigla bigla nalamang bumigay sa pangangatog ang mga tuhod ko.
Para bang may ginagawa siya sa katawan ko at hindi ko na alam kung anong nangyayari.
"What?! But why? Yeah, I still remember you, but I didn't know who you really are, Mr."
I saw how his jaw move intensely, aching for more patience to what I responded, I guess.
"Come on babe, don't play trick again. I'm freaking serious here." Madiing sigaw niya.
Dahil hindi sanay sigawan ay para akong batang paslit na pinagalitan at may luhang namumuo sa mga mata. I'm not used raising voices over me. Pakiramdam ko ay napakalaki ng kasalanan ko sa taong ito. Ni hindi ko manlang matandaan na nagkausap kami kaya bakit ganito nalamang niya ako kung sigawan?!
"No, don't touch me...it hurts!" Hindi maitago ang panginginig ng boses dahil sa tangkang page iyak.
Pinilit kong tanawin ang malayo layong gate, kompleto doon ang tatlong guard ngunit paanong nakapasok ang isang 'to sa loob?!
"Let's talk..." Right now he calmly said while shifting his weight to the other side. Closed eyes. "Come with me, let's talk properly."
Para akong nabunutan ng tinik nang bitawan niya ang mahigpit niyang hawak na braso ko at saka dahan dahang naglakad paatras papunta sa madilim, hangggang sa likod niya nalamang ang natatanaw ko na inaakyat ang halos dalawang tao ang kasiyang sukat ang taas bago ito walang takot na tinalon.
Oh My God!!!
Nang lumabas ako ay wala pa ang Van na sinasakyan kaya nakahinga ako nang maluwag. I look around to see where he is right now. Sa tagong parking lot, malapit sa maraming puno.
Dapat ay hindi ko na dapat pupuntahan ang taong iyon ngunit mayroong isang bahagi sa akin na nagsasabing puntahan ko. Isa pa, I need to clear my name. Baka isa nanamang napagkamalan akong may atraso sa kaniya.
"Veron, kung dadating ang Van na wala pa ako, umuna nalang kayo ha. Susunod nalang ako, may kakausapin pa kasi ako." Itinuro ko sa kaniya ang sasakyan kaya nakangiti niya akong tunanguan bago humalik sa akin. Ang akala yata ng isang 'to ay may kikitain akong kakilala ko.
"Sige, ingat ka nalang." Still smiling.
Hindi ko nalamang pinansin ang pangkakantiyaw niya sa akin, alam ko namang nagbibiro lang siya.
Agad akong pumasok sa shotgun sit nang marating ko ang kotse niya. Tahimik ko lang na pinapakiramdaman ang lahat dahil wala naman akong mahanap na dapat sabihin.
"What happened between us, Nat?" Ramdam ko ang sakit sa boses niya, nakayuko lang siya habang tahimik na nagsasalita.
"Honestly, I don't know... I-I mean, noong nakaraang linggo lang kita nakita kaya hindi ko alam kung anong nangyayari."
"It was just a week too when I told you that I want a baby, that fast, you disappeared. Halos isang taon kita pinahanap, Nat. Ngunit kahit saang lupalop ng mundo kita hanapin ay hindi kita mahanap." Almost pleading he added. "Ngayong nakita na kita ay kailangan mong bayaran ang pagkakautang mo, kahit iyon nalang Nat, kahit iyon nalang ang hihilingin ko sayo."
Wala akong mahagilap na salita sa mga sinabi niya sa akin. Anong nangyayari? Bakit ba parang matagal na kaming magkakilala? At anong anak ang sinasabi niya?
"But... I don't remember anything about you, sa totoo lang ay wala pa akong nagiging boyfriend sa tanang buhay ko kaya bakit naman biglaang magkakaroon ako ng isa?"