Chapter 3
- Zoey's POV -
"Close kayo ng mommy mo?" Tanong bigla ni Jake. Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Ako din, kasi only child lang ako." Sabi pa nya.
"Kaya nga spoiled brat ka, ehh." Sabat naman ni Harvey. Mahina naman akong natawa.
"Naku, magkakasundo kayo ng kapatid kong si Chloe." Natatawa kong sabi.
"Talaga? Maganda ba sya? Ilang taon na sya?" Sunod-sunod nyang tanong.
"Maganda." Umaliwalas naman agad ang muhka nya. "Kaso, 5 palang sya." Biglang hirit ko.
"Ayy?" Nakangiwing sabi nya. Lalo namana kong natawa. "Ikaw, Harvey? Ilan kayong magkakapatid?" Tanong ko naman kay Harvey.
"Apat kami. Ako ang panganay." Sagot nya. Napatango-tango naman ako.
"Tama na yan. Bumalik na tayo sa office." Masungit ni Javier at nauna nang naglakad sa kung saan.
"Ang sungit talaga no'n." Sabi ko at tinuro ko si Javier na wala na sa paningin namin.
"Bitter kasi, yon. Apat silang magkakapatid, pero sya yung hindi paborito--- aray!" Biglang hinampas ni Walter si Jake kaya napaaray ito.
"Wag ka nalang kasi magsalita." Natatawang sabi ko.
A Few Moment Later. . .
Nandito na kami ngayon sa SSG office at nandito rin ang lahat, maliban doon sa Auditor namin. Nandito din ang principal namin na muhkang kanina pa naghihintay. Nauna na silang pumasok at pagpasok ko ay naroon na din si Javier sa loob.
"Ayos ka na?" Parang walang pakialam na tanong ng principal sa akin. Napatitig lang ako sa kanya.
"Excuse me? Pardon me, please?" Seryoso kong tanong.
"You're so weak." Umiiling-iling na sabi nito habang parang may ginawa akong hindi nya nagustuhan.
"And, you're strong?" Inis kong tanong. "Mawalang galang na po, ha? For your information, you bring me to that situation. And, you doesn't know, even me, that I'm going to faint in that stage. So, don't blame me! Blame yourself!" Inis ko nang sigaw. Sinamaan lang ako nito ng tingin at sya na ng lumabas ng office.
Sinundan ko lang sya ng tingin at kasunod na nyang lumabas yung PRO. Umirap ako sa hangin at napaupo nalang sa upuang nasa tabi ko. Agad lumapit yung mga natirang tao sa loob ng office maliban lang kay Javier.
"Galit ka nanaman?" Di ko inaasahang tanong ni Javier. "Buti di ka nagwala ng ganyan noon sa mall." Sabi nya pa at lumabas na din. Napabuntong-hininga nalang ako.
"Nakakatakot ka pala." Sabi ni Jake. Ngumiti lang ako sa kanya. Napalingon nanaman ako sa lalaking kanina ay nakatitig pa sa akin at nakatitig nanaman sya sa akin ngayon.
"Problema ba sa muhka ko?" Di ko na napigilang magtanong.
"W-Wala." Nauutal na sabi nito tapos umalis na din.
'Saan kaya sila pupunta?'
A Few Moments Later. . .
Nakatanggap ako ng tawag kay Kuya at Daddy kanina. Pareho silang nag-aalala at sa sobrang pag-aalala nila ay napaka-OA na. Ang sabi ni Mommy ay si Daddy lang ang OA, pero mali sya. Maling-mali.
Nakaupo ako ngayon dito sa office at kakatapos lang ng class ko kanina. Mag-isa lang akong nakaupo dito habang nakatingin ako sa mga reports na ibinigay ni Solane sa akin.
Pwede kasi syang makaacces about sa mga files ng school namin before. Yung mga past projects, mga past officers, etc. Hiningi ko sa kanya yung report ng mga damage na may complains ng ibang mga students.
Karamihan ng mga problems ay yung mga CR. Yung iba naman, sirang mga chairs. Medyo madami ding trabaho to pero kinakarir ko na kasi ito naman dapat ang trabaho ng SSG President, diba?
"Alam mo, kakaiba ka." Biglang may nagsalita sa galing kanan ko. Agad akong napalingon doon at nakita kong nakatitig sa akin yung Gavin.
"Ohh, ikaw pala. Kanina ka pa dyan?" Tanong ko sa kanya.
"Kanina pa ako nandito. Dalawa kami ni Solane kumuha ng mga files na kailangan mo." Sabi nya.
"O.... Kay... Hehe." Naiilang kong sabi at lumingon nalang sa ginagawa ko kanina kasi naiilang ako sa paraan ng pagtitig nya sa akin.
"Wag mo nga sya ganyang titigan." Biglang may sumabat. Agad akong napatingin doon at nakita kong si Solane iyon. "Tinatakot mo sya, Mr. Vice President." Magalang na sabi nito.
"Nakakatakot ba?" Gulat na tanong ni Gavin. Tumikim sya at nag-iwas nalang ng tingin.
"By the way, bakit ganon yung principal natin? Bakit parang wala syang pakialam sa ibang tao? Alam nyo yon, She's selfish." Sabi ko.
"May romurs nga daw, ehh." Bulong ni Solane. "Sabi nila, yung principal daw, selfish daw talaga. Gusto nya lagi nyang nakukuntrol yung mga taong nasa paligid nya. Kaya nga nawala yung President at Vice President, ehh." Sabi nya pa.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko sa kanya.
"Yung Vice President kasi, anak nung principal. Tapos, babaero kasi yon. Dahil kontrolado ng principal yung President noon, akala nya, hindi na mahuhulog si Juliet kay Vice President. Pero dahil babaero talaga si Eric, pinatulan nya parin si Juliet. At, makalipas ang tatlong buwan, pumunta daw si Juliet sa bahay nila, umiiyak at nanghihiningi ng tulong dahil pinalayas daw at shempre, kaya sya pinalayas dahil lumulobo na yung tyan nya." Mahabang sabi nito.
"Ang chismosa mo pala?" Gulat kong tanong. Namula naman ang muhka nya at nag-iwas nalang ng tingin.
- Gavin's POV -
Maaga akong dumating dahil maaga akong pinatawag. Ngayon ay ako na ang bagong Vice President at masaya ako dahil doon. Kaming tatlo lang ang pinalitan. Dahil na nominate na ako dati bilang Vice ay ako na ang ginagawa Vice ngayon.
"Good morning." Nakangiti kong sabi at tumango-tango sa kanila. "Ohh, Solane?" Nakangiti kong tanong. Nandito kasi si Solae na kaklase ko noon.
"Kumusta?" Tanong nya sa akin.
"Ito, pogi parin." Nakangiting biro ko.
"Haha. Ewan ko sayo." Natatawang sabi nito. Maya-maya pa ay pumasok ang isang teacher at may kasamang babae.
"Good morning, everyone. Nandito na ang bagong President ng council. Please welcome, Zoey. Zoey, this is the whole students that can help you out. I hope you can stand for a whole year." Mahabang sabi ng teacher na iyon pero ang atensyon ko ay nandoon sa babaeng kasama nya.
Umalis na sya pero ang paningin ko ay nandoon parin sa babaeng parang anghel at parang dyosa. Parang may kung anong magnetic force ang humihila sa mata ko at ayaw nitong lumihis sa kanya.
"Zoey McHale, huh?"
"Hi, everyone. I'm Zoey McHale. And, I'm not expecting na magiging president ako ng SSG kasi akala ko, ang tinatanong ng principal na president ay yung classroom lang, hindi ko inakalang buong school pala ang hahawakan ko. So, I hope you'll understand my upcoming mistake and please correct me when I'm wrong." Napangiti ako dahil parang anghel din sya magsalita. Hindi ko na narinig pa ang mga usapan nila at ang susunod konalang na nalaman ay naroon na kami sa stage.
- Javier's POV -
Nandito kaming apat ngayon sa loob ng office. Walang tao dito dahil nandoon sila sa clinic ngayon. Nandoon pa clinic yung babaeng matapang pa sa lalaking gangster na siga doon sa may squatters area
"Akalain mo, ang liit ng mundo?" Natatawang sabi ni Jake. Parang hindi din ito makapaniwala.
"Oo nga. At, dahil lang sa libro?" Nakangiwing sabi ni Harvey.
"Ano bang inaasahan nyo dyan? Ehh, isip bata yan." Sabi naman ni Walter na masarap ang pagkakaupo sa isang silya malapit lang din sa amin.
"Pero, ang tapang nya, ahh? Binara nya ng ganon-ganon lang si Lexi." Natatawang sabi nanaman ni Jake.
"Wala ka bang ibang alam gawin kung 'di ang tumawa?" Naiirita ko nang sabi.
"Wala." Sagot nya tapos tumawa nanaman. Ako naman ay pinaigting nalang ang panga ko dahil nagpipigil na lang ako ng galit ngayon. Maya-maya pa ay dumating na silang lahat kasama na ang principal.
At dahil iwas kaming apat sa principal, napag-desisyonan nilang puntahan nalang si Zoey. At dahil ayokong mag-isa, sumama nalang ako kasi piniilit din naman ako ni Jake.
- To Be Continued -
(Wed, October 13, 2021)