Chapter 4

1354 Words
Chapter 4 - Zoey's POV - Nang matapos ang buong araw ko sa paaralan ay agad kong tinawagan si Manong birt. Nagulat pa ako ng dumating sundo ko at hindi si Manong birt ang tumambad sa harap ko. Si Kuya ang nandoon at agad akong pinaulanan ng tanong kahit na ang dami na nilang tinanong sa akin kanina. "So, kinabahan ka lang?" Tanong nya pa. Tumango-tango namana ko. Sya naman ay parang nakahinga ng maluwag. "By the way, President ka ng council pero hindimo mapasunod na umihi ang pusa mo sa bowl?" Masungit nyang sabi. Napanguso naman ako kasi dinadamay nya pa ang precious ko. "Pusa iyon, kuya. Hindi sya trained cat kaya natural na hindi ko sya mauutusang umihi sa bowl." Mataray kong sabi. "Si Chloe pala, hinahanap ka." Sabi pa nito agad namang napakunot ang noo ko. "Bakit nya ako hahanapin? Alam naman nyang maaga ang uwi nya kasi nasa daycare lang sya, diba?" "Natural, hindi. Bata pa yon, ehh." Masungit nanamang sagot nya. Hindi ko napansing nandito na kami sa bahay at napansin ko na iyon ng ihinto na ni Kuya ang kotse. Agad syang lumabas at pinagbuksan ako ng pinto saka sya pumasok na parang di nya ako kilala. Pagpasok namin ay nandoon si Chloe na umiiyak at kumakain ng ice cream. Pagpasok namin ay agad itong napatingin sa amin. "Ate!!!" Umiiyak nitong sigaw at dali-daling lumapit sa akin habang umiiyak. Napakunot ang noo ko kasi hindi naman ako hinahanap nito ng ganito. Palaging may dahilan. At tyaka, hindi din sya iyakin. "Anong nangyari?" Agad kong tanong at lumuhod para magpantay kami. "Ate!!! May nang-aaway sa akin!!" Umiiyak nitong sumbong sa akin. Agad namang napakunot ang noo ko at napalingon sa mga kasama ko. "Bakit? Sino umaway sayo?" Tanong ko. "Sabi nila ang pangit daw po ng drawing ko." Humihikbi parin nyang sabi. May ibinigay sya sa aking papel at muhkang iyon ang drawing. Napangiwi ako ng makita ko ang drawing nya. "Ang pangit nga." Nakangiwi kong sabi. Biglang umiyak pa ng malakas si Chloe at pinalo ako ng papel. "I hate you!!" Sigaw nito tapos tumakbo papalapit kay Daddy. "Daddy!!" Umiiyak parin nyang sigaw. "How are you? How's your day?" Nakangiting tanong ni Mommy sa akin. Ngumiti din ako sa kanya bago ako sumagot. "I'm fine na, mom. I think I'm just going rest for awhile." Nakangiting sabi ko at tumayo na tapos umakyat na. Pagka-akyat ko sa kwarto ko ay agad akong nagbihis at ibinabad ang katawan ko sa kama ko. Makalipas ang ilang oras kong tulog ay nagising ako na may mabigat at nakakakiliting bagay sa tabi ko. Nang tignan ko kung sino iyon, ang pusa ko palang si Precious. "Hi, baby." Nakangiting sabi ko at niyakap sya. Agad naman itong nagmaktol at umalis sa pagkakayakap ko. Natatawang kong hinimas ang likod nya at agad din namang nyang nagustuhan. Tinignan ko ang relong nasa lamesa ko at nakita kog malapit na kaming mag-dinner. Akong akong tumayo at uminom ng tubig. Naghilamos din ako bago ako bumaba at naaamoy ko na din ang dinner. "Ohh, nandito na pala sya, mom." Sabi ni Kuya habang nakaupo sa sala at hawak parin ang laptop nya. "Wala kang work?" Tanong ko sa kanya. "Night shift." Maikling sagot nya habang ang mata ay nasa harap parin ng laptop nya. Nagtungo na ako ng kusina at nakita si Daddy doon at si Chloe na naglalaro ng sawsaw-suka. "Daddy, ang daya!!" Sigaw ni Chloe. "Ano ba, Chloe. Ang ingay mo, kakagising ko palang, ehh." Inis kong sabi. "Daddy, ohh." Napapaawang sabi nya nanaman habang nakaharap kay Daddy. "Ang ingay mo kasi, ehh." Natatawang sabi ni Daddy. Lumapit ako sa kanya at sya naman ay humalik sa pisnge ko. Tapos naupo ako sa palagi kong pwesto. Sa tabi ni Chloe. "Ayoko ikaw katabi." Medyo nabubulol na sabi ni Chloe. "Edi, wag." Agad kong sagot. Bigla nanaman itong umiyak na parang bata na inagawan ng candy. "Daddy!!!" Sigaw nanaman nito at nagsusumbong nanaman kay Daddy. Si Daddy naman ay tinawanan lang sya. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na kaming kumain. _________________________________ - Javier's POV - Tahimik akong pumasok ng bahay at agad akong sinalubong ni Yaya. Kinamusta lang ako nito saglit at agad na akong umakyat. Nang matapos kong magbihis, ay agad akong nahiga. Pero agad din akong napatayo ng pumasok ang kambal sa kwarto ko. Napakunot ang noo ko at nagulat ako dahil maingay din ang mga ito at hindi ko alam kung bakit. "Kuya!!" Sigaw nilang dalawa at sumampa sa kama ko. "Ohh?" Kunot-noo kong tanong sa kanilang dalawa. Nakangiting silang dalawa na ngayon ay nakaupo na sa kama ko. "Kuya, may classmate kaming ang pangit ng drawing. Tapos sabi nya, bully daw 'yon. Pero, totoo namang pangit ang drawing nya." Nakangusong sabi ni Monica. "Nagiging honest lang naman kami." Nakanguso ring sabi ni Sofia. Ako naman ay hindi nakasagot dahil nasobrahan sa pagiging honest ang mga kapatid ko. "Sofia! Monica! Bumaba na kayo dito!" Sigaw galing sa ibaba. Agad namang tumalima ang mga kapatid ko at lumabas ng kwarto ko. Ako naman ay napatayo at sumunod sa kanila. Kagaya ng inaasahan ko ay naroon nga si Dad at si Mommy. Agad nilang sinalubong ang kambal habang ako naman ay dumiretso nalang ng kusina. Maya-maya lang ay pumasok na din sila sa kusina. Agad akong binati ni Mommy at gumanti lang ako sa kanya ng ngiti. Habang si Dad naman ay hindi ako pinansin. Hindi talaga malapit ang loob sa akin ni Dad. Parang hindi nya ako anak, si Mommy naman parang pinakikisamahan lang ang ugali ko. May ugali kasi akong hindi ako palasunod, kahit sa mga magulang ko. Aaminin kong napapansin kong ganon ang ugali ko pero wala parin akong ginagawang pagbabago. Kahit sila Harvey ay sinasabing ganon nga ako. Ang pinakanaiinis sa ugali kong iyon ay si Dad. Kahit na sa kanya ko naman nakuha ang ugaling mayroon ako, sya parin ang inis na inis dito. Palagi kong iniisip na kaya ganon sya ay dahil naiinis sya sa sarili nya. "May kaaway ka nanamang babae sa school?" Kunot-noong sabi ni Dad. Napabuntong-hininga naman ako kasi ito nanaman sya. "Babae nanaman?" "Dad, hindi mo nalang alam ang kwento, kaya wag kang pakialamero." Walang galang kong sabi. Naiinis na din kasi talaga ako, paulit-ulit nalang. "Bastos ka, ahh." Inis nitong sabi at akmang tatayo sa kinakaupuan nya ng pigilan sya ni Mommy. "Manuel." Nagmamakaawang sabi ni Mommy. Agad namang naupo si Dad at nagpigil nalang ng galit nya habang ako ay patuloy lang sa pagkain ko. "Pwede bang wag kayong nag-aaway sa harap ng mga bata?" Sabi ni Mommy. Narinig ko naman ang pagtunog ng kamao ni Dad, halatang nagpipigil lang ito. "Mag-usap tayo sa office ko mamaya." Sabi nito tapos nagpatuloy na sa pagkain. Ako naman ay pinagtagis nalang ang bagal ko. _________________________________ Napasubsob ako sa sahig dahil sa malakas na suntok ni Dad sa akin. Pinapatulog ni Mommy ngayon ang kambal habang kaming dalawa naman ay nandirito sa library nya. Napahawak ako sa panga ko dahil sa sakit. "Pagod na pagod na ako sayong bata ka!" Sigaw nito habang dinuduro pa ako. "Nagsasawa na ako sa ugali mo!" Sigaw nya pa. "Tingin ba ako, hindi?" Insi kong sabi. "Tingin mo ba, hindi din ako nagsasawa sa sarili ko?! Wala kang alam!! Palagi kang walang alam, pero masyado kang pakialamero!!" Sigaw ko na din. "Bastos ka talaga!!" Sigaw nya pa at sinampal ako. Dahil sa lakas ng sampal nya ay napaharap ako sa gilid ko. Agad akong napahawak sa pisnge kong hindi ko na maramdaman at tumingin na sa kanya. "Bastos na kung bastos. Pero, mas nakakabastos na mangialam ka, lalo na kung wala kang alam." Inis kong sabi. "Ito ang tandaan mo, dadating ang araw na matutulad ka din sa akin. Lahat ng mga ganyang gawain at ugali mo ay mababago." Parang nananakot na sabi nito. "Kung dadating man iyon, hindi-hindi mo 'yon malalaman dahil pakialamero ka." Sabi ko at lumabas na ng library nya. Pagpasok ko ng kwarto ko ay agad kong tinawagan sila Jake para pumunta dito sa bahay. - To Be Continued - (Wed, October 13, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD