Chapter 5

1284 Words
Chapter 5 - Zoey's POV - Lumipas ang tatlong araw at nagsimula na kahapon ang pag-aayos ng isang CR. Pagkatapos ay gagawa din ako ng batas na kailangang sunding mga mga estudyante dahil kapag may hindi sila ginawa ay magkakaroon ng multa. Kahit na marami akong kailangang gawin, nasa utak ko parin ang ikwetento sa akin ni Solane. Dahil marami akong kailangang gawin ay naghahagilap ako ng mga papel na pwede kong magamit at aksidente akong may nakitang papel. Napakunot ang noo ko at binuklat ang dalawang papel na may sulat. Hindi ko na ito masyadong pinansin at inilagay nalang sa bag ko at mamaya ko nalang babasahin dahil baka importante ito. Pero, alam ko namang hindi maganda iyon. Nagpatuloy pa ako sa paggawa hanggang sa kailangan ko nang ilipat ang mga naisulat ko sa computer dahil kailangan itong ipaprint at ipalaminate para hindi mababasa o ano. Alam kong nakakatamad iyong gawin, pero anong magagawa ko? Ako ang may gusto nito. Palagi din ang din ang pang-aasar at pang-bubully ni Lexi sa akin, pero wala akong pakialam. Kahit na ginugulo nya ako, patuloy lang ako sa pag-aayos at paggawa ng mga bagay na nasimulan ko na. Nang matapos ako ay naghanda na akong umuwi. Habang naglalakad ako papunta ng gate, may lalaking naglakad sa harapan ko at bigla nitong nahulog ang ID nya. Agad ko itong dinampot at aksidente kong nabasa ang pangalan nya. 'Eric Gonzalez' Agad din namana kong nakabawi at agad akong nagmadali sa paglalakad at tinawag sya. "Excuse me." Sabi ko. Agad itong humarap na parang naiinis pa. "Nahulog mo." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng ID nya. "Salamat." Mahinang sabi nito tapos umalis na. Ako naman ay napatitig lang sa pag-alis nya. Nang makauwi ako ay inilabass ko ang dalawang sulat na nakuha ko kanina sa office. Agad kong iyong binuklat at binasa. Dear Mama, Salamat dahil ibinigay mo sa akin ang napakagandang biyaya sa buong mundo. Akala mo siguro mapapasunod mo ako? Hindi. Ikaw ang nagdala sa akin sa sa posisyon na to, kaya ikaw ang may kasalanan kung bakit naging ganito ang buhay ko. Hindi ko din kasalanan na mahulog ako sa patibong ni Juliet. Pareho lang din kaming biktima, parehong hindi mapigilan ang mga nararamdaman namin. Ma, mahal na mahal kita kaya ayaw kitang Iwan mag-isa dyan. Pero sawang-sawa na akong palaging may nakatali sa leeg ko, sawang-sawa na din ako sa pagkontrol mo sa akin na para akong manika. Ma, ang dami kong nakitang pagkaibahan ni Juliet at ni Lexi. Si Lexi, wala syang pakialam sa taong nakapaligid sa kanya. At, hindi ito ang unang beses na nagkabuo ako ng bata. Si Lexi ang unang babaeng magiging ina sana ng anak ko pero pinatay nya lang ito. Imagine, Ma, nandoon ka sa harap ng isng tao, tapos nakikita mong pinapatay nang taong iyon ang anak mo, sinong hindi magagalit? Humihingi ako ng kapatawan sa diyos dahil alam nya kung bakit kami nang kaanak ni Juliet. Si Juliet ang tunay na nabiktima ko dahil pinagsamantalahan ko sya. Alam kong mali, pinagsisihan ko, pero kahit na ganon ang ginawa ko, hindi nya ginalaw yung bata. Kaya wala na akong pakialam sa opinyon mo. Gusto mong mapangasawa ko si Lexi na walang pakialam sa iba? I'm really sorry, ma. Pero hindi ko kayang pabayaan ang responsibilidad ko kay Juliet. Nagmamahal, Eric Napabuntong-hininga ako dahil bigla kong naisip na napaka-isip-bata pala ni Eric. Ang haba ng mga sinulat nya pero isa lang naman ang gusto nyang sabihin, Sorry. Pwede naman nyang sabihin, sorry ma. Ayoko na sayo. Ganon! Napaka-isip bata. "Kainis. Akala ko naman napakainteresado ng sulat nayan. Ka-kornihan lang pala ni Eric ang nakasulat." Nakangiwing sabi ko. Nagbihis nalang ako at nahiga sa kama ko para matulog. Makalipas ang ilang minuto kong tulog ay nagising ako mga alas-sais. _________________________________________ Nandito ako ngayon sa office at tinutulungan silang mag-laminate ng mga pinaprint ko. Nakangiti ako dahil ito ang gusto kong gawin, yung malinis at maayos na gawain. Ganon din ang ginagawa nila pero halatang napilitan lang. "Kailangan ba nating tong gawin?" Tanong ni Jake. "Edi, wag mo. Hindi ka naman namin pinigilit. Alis!" Pagtaboy ko sa kanya. Napanguso nalang sya. "Mag-multa ka." Sabi ni Walter at pinakita ang nakasulat sa ilalim ng prinint ko. "100 pesos sa magrereklamo." Sabi pa nya. Natawa naman ako. "Ohh." Inis na abot ni Jake ng isang daan. "Wag na kasing magreklamo." Nang-aasar kong sabi tapos tinapik ang balikat nya. "Kailangan ikaw ang mag-lead ng flag ceremony sa monday, Zoey." Sabi bigla ni Harvey. Tumango naman ako. "Baka himatayin ka nanaman." Sabi ni Jake at tumawa ng malakas. Ako naman ay umirap nalang sa hangin. "Solane." "Hmm?" Agad nitong sagot. "Anong meron sa cafeteria?" Tanong ko sa kanya. "May veges, at may iba pa namang food na hinanda. Hindi kasi palaging pare-pareho ang mga pagkin dito. Pinag-sasawaan ng mga students." Sabi nya tapos pinakita sa akin ang list. "Dadalhan ba ulit kita?" Tanong nya. "Hindi na. Sasama na ako sa inyo kumain." Tinatamad kong sabi. "A-Ano? S-Sigurado ka?" Tanong nya sa akin. Tumango nalang ako. Bago pa mag-lunch ay natapos na namin agad. Bukas ay weekend kaya may pahinga na kaming lahat. Lalo na ako. Nang mag-lunch ay sabay-sabay kaming pumunta doon. Palagi kaming magkakasama, maliban lang doon sa Lexi. Kaya pala parang ilag yung Lexi na yon sa principal kasi may ginawa sa anak ng principal. Nang dumating kami doon ay kami palang ang tao. Naupo kaming lahat sa isang lamesa at ang iba ay kumuha ng mga pagkain namin. Tahimik akong naglilibot ng tingin sa canfeteria habang wala pang mga students. Maya-maya lang ay unti-unti nang dumating ang ibang mga students. Dumating na din ang mga pagkain namin at nagulat ako ng tumabi sa akin si Gavin. Napakunot ang noo ko dahil bigla ding umupo si Javier sa isa ko namang tabi. "Wala na bang upuan doon?" Tanong ko at napating sa mga kasama namin. "Wala na nga." Nakangiwi kong sabi. Nagsimula na akong kumain at nagulat ako ng may biglang tumunog na phone. Nagkatinginan kaming lahat at kanya-kanyang labs ng phone. Naiilang akong sinagot ang phone ko at nagulat ng makitang si kuya iyon. "Where are you?" Tanong nya sa akin. "Kuya, I'm in middle of my lunch. Why did you call me?" Mahina kong sabi. "I send something. Hintayin mo nalang." "Kuya, kuma--- kuya? kuya? kuya?!" Hindi na ako natapos ng p*****n na nya ako. "Ano daw iyon?" Tanong ni Solane. "I don't know. May pinadala daw sya." Sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain. Maya-maya pa ay may biglang lumapit sa akin at may binigay. "Pinabibigay po ng kuya nyo." Sabi ng isang student. Ngumiti ako sa kanya. "Thank you." Naiilang kong sabi tapos kinuha sa kanya ang pagkaing binigay ni kuya. "Ano yan?" Tanong ni Gavin sa akin. "Kanino galing?" Kunot-noo nya pang tanong. "Sa kuya ko nga." "Selos kasi inuuna." Biglang sabi ni Solane napatingin ako sa kanya at napakunot ang noo ng kaunti. "Sinong nagseselos?" Tanong ko. "Si Gavin." Sabi sabay turo nya kay Gavin. "Ahh." Napatingin naman ako kay Gavin at ngumiti. "Hayaan mo next time, sasabihan ko kay kuya na dalhan ka din para di ka na magselos." Sabi ko. Narinig ko namang tumawa si Javier. "Bakit?" Tanong ko sa kanya. "Wala. Ang manhid mo pala." Natatawang sabi nya. Npanguso naman ako. "Ikaw kaya ang manhid." "Ikaw kaya." Paglaban nya. Kaya ayon, nagsimula nanaman ang bangayan naming dalawa. - To Be Continued - (Thu, October 14, 2021) (A/N: I know, maybe, some of my readers are going to be confused. Well, I want to add some side to the love story, but it looks like, It doesn't suit the situation. So, I'm sorry.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD