Chapter 6
- Zoey's POV -
Lumipas ang mga araw, lunes na. Alm kong hinahanap na nila ako pero nandito parin ako ngayon sa banyo ng office at inaayos ang damit ko. Alam kong hindi ito maganda tignan pero wala akong pakialam.
Kanina pa nagsimula ang flag ceremony. Hindi ako ang nag-lead dahil mamaya pa ako magbibigay ng speech. Hindi na ako nagsayang ng oras at lumabas na ako at paglabass ko ay naroon na silang lahat.
"What the h*ll are wearing?!!" Tanong ni Jake sa akin na may halong gulat at pagkamangha.
"Uniform." Confident kong sabi. Ngumiti ako sa kanila at naunang lumabas ng office. Narinig kong hinabol pa nila ako pero wala akong pakialam. Agad akong umakyat ng stage at ngumiti sa mga students na nasa harap ko.
"Anong ginagawa nya?"
"Ano yan?"
"Baliw na ba sya?"
Ilan lang yan sa mga bulungang naririnig ko sa mga students na nasa harap ko. Agad akong lumapit sa microphone at ngumiti ulit sa kanila. Saktong dumating na din sila Jake na takang nakatingin sa akin.
"Hello? Mic test... Mic test... Ayan! Good morning, Cypress!!" Nakangiting sigaw ko. "So, I am your new SSG President, Zoey McHale. By the way, I'm sorry about the mess I made last Monday." Nakangiting ko paring sabi sa kanilang lahat. "Now, let's start our flag ceremony." Sabi ko tapos kumindat sa kung sino at ngumiti. Agad akong umalis doon sa pumesto ko kanina at pumunta sa kinaroroonan ng iba ko pang mga kasama.
"Ok ba?" Tanong ko sa kanila.
"Ok ka!" Sabay na sabi nila Jake at Harvey. Sila Solane naman ay ngumiti lang sa akin.
"Ang sexy mo." Mahinang sabi ni Gavin habang nakatitig sa akin.
"Magjacket ka nga." Biglang sabat ni Javier.
"Bakit nanaman?!" Inis kong sigaw sa kanya.
"Ang pangit mo tignan, di ka ba nahihiya sa mga makakakita sayo? Tignan mo nga yang tyan mo, ang taba." Sabi nya tapos di nakatingin pero nakaturo sa tyan ko.
"Hindi ka nga nakatingin, kaya paano mo nalamang mataba? Hampasin kaya kita ng bilbil ko?" Inis ko paring sabi.
"Basta magjacket ka nalang!" Sigaw nya tapos binato ako ng jacket. Binato ko iyon pabalik sa kanya at ngumiti na parang nanalo ako sa laban naming dalawa. Biglang may jacket na sumabit sa balikat ko at nang tignan ko kung sino iyon ay si Javier nanaman. "Wag mo nang hubarin." Inis nyang sabi. Umirap nalang ako sa hangin at di na ulit nakipag-argumento sa kanya.
Matapos ang flag ceremony ay agad kaming pumasok sa mga klase namin. Nang dumating kami ng classroom namin ay nakatingin sa akin ang ibang mga estudyante. Nginitian ko lang sila at nagpapatuloy na ulit sa ginagawa ko.
"Ms. McHale, pwede mo bang ayusin ang damit mo? It doesn't suit a teenage girl to dress like that in a school. Ikaw pa naman ang SSG President." Sabi ng guro namin. Ako naman ay hindi nalang sya pinansin at nagpatuloy nalang sa ginagawa ko.
Nagpatuloy at natapos ang klase ng hindi ko kinagalaw ang damit ko. May mga students na din na nag-iisip hindi maganda ang ganitong damit pero may mga students ding gusto ang ginagawa ko. May mga students na ding pumapansin at bumabati sa akin.
"Pwede bang tanggalin mo na yan?" Tanong ni Javier sa akin habang nakakunot parin ang noo.
"Paano kung ayoko?" Tanong ko pa sa kanya. Kaming dalawa lang ang nandito sa loob ng office dahil may pinuntahan ang iba naming kaklase at ang iba ay di pa dumating.
"Sumunod ka nalang kasi, Zoey. Ang pangit nga tignan!" Sigaw nya tapos lumapit na sa akin at sya na ang nagtanggal. Napatitig nalang ako sa damit kong maayos na ang pagkakabutones at napatingin din kay Javier.
"Kainis ka talaga!" Inis kong sabi at hinampas-hampas pa sya.
"A-Aray! Ano ba! Tumigil ka na nga." Sabi nya at hinawakan ang kamay ko at isinandal ako sa pader. "Sabi nang tumigil ka na, ehh." Mahina pero seryoso nyang sabi.
"Paano kung ayoko?" Matapang kong tanong sa kanya habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa.
"Edi, wag m–––" napatigil sya sa pagsasalita ng biglang bumukas ang pinto at pumasok lahat ng mga kasama namin. Gulat silang lahat at ang iba ay napatakip pa nang bibig. Agad akong binitiwan ni Javier at agad ko namang inayos ang sarili ko.
"Sorry, guys. Nasa kalagitnaan pala kayo ng–––"
"Wala!!!" Sigaw ko at lumapit kay Jake.
"Pero–––"
"Wala iyon, ok? Wala. Ok? Ok." Sabi ko at naglakad na papunta cafeteria at agad din naman nila akong sinundan. Nang makarating kami doon ay marami nang mga students ang nasa cafeteria.
"Ang tagal nyo kasi, ehh. Kung ano-ano pa ginagawa nyo sa office–––"
"Wala nga kaming ginagawa, Jake." Inis kong sabi at nauna na sa kanilang lahat. Nakahanap agad ako ng upuan at agad akong naupo doon.
"Hi, miss pres!" Tawag sa akin galing sa likod ko. Agad akong napaharap sa likod ko at nakitang papalapit na sila sa akin.
"Pwede po ba kaming sumabay?" Nakangiting tanong sa akin ng isa nilang kasama. Akmang sasagot na ako ng may nauna sa aking sumagot.
"Sorry, girls. Pero, kami ang kasabay ni Miss Pres. Sorry." Sabi ni Harvey kasabay ang pagpapacute sa mga babae. Kagaya ng inaasahan, kinilig naman ang mga babae sa ginawa ni Harvey.
Umalis na ang mga ito at naupo naman ang mga kasama ko sa mga bakanteng upuan. Agad silang kumuha ng order at naghintay ang natira sa amin. Kanina ko pa napapansin na parang ang seryoso naman ni Gavin. Yung, parang gusto nyang sapakin si Javier kapag napapatingin sya kay Javier.
"Solane, may problema ba si Gavin kay Javier?" Pabulong kong tanong. Lumapit naman sya para sumagot.
"Nagseselos." Sabi nya. Napakunot naman ang noo ko kung bakit sya nagseselos.
"Bakit? Kanino?" Tanong ko pa.
"Wag ka nalang magtanong." Sabi nya tapos nagpatuloy na sa pagkain. Ako naman ay itinukom nalang ang bibig ko.
_____________________________
Lumipas pa ang mga araw at natapos na din ang mga CR na pinagawa ko. Ang mga hallway ay kahit papaano ay nababawasan na ang mga basura. Marami narin akong nasisingil ng multa dahil hindi sila sumusunod ng maayos. Lalo na yung mga nagrereklamo.
Naging maayos ang environment sa school at naging sariwa din ang hangin. Next week ay may papaproject ako na kailangan nilang magtanim ng kanya-kanyang mga puno sa buong school at nilagyan ko din ng kaunting gimik.
Hindi naman kami lahat nagiging busy. Ang pinagkakaabalahan nalang namin ay ang acads namin. Wala din kasi masyadong reports na may kung ano-anong sira ang meron sa school. At kung nasaan yung principal namin?
Ayon ang hindi ko alam. Anong malay ko sa matandang iyon. Basta ako, ok lang ang lahat nang ginagawa ko at nagiging maayos din ang mga tao dito sa school at shempre, mas priority ko parin ang students.
Dahil wala akong magawa ay nagpunta nalang ako ng office namin. Pagdating ko sa office namin ay walang ibang tao doon kung di ako lang. Siguro ay may kailangan pa silang gawin. Nag-ayos nalang ako ng sarili kong table at maya-maya pa ay may pumasok.
"Miss Pres!" Umiiyak na sabi ng isang babae. Agad akong napaharap sa kanya at napakunot ang noo ko dahil hapong-hapo ito at sobrang gulo din ng buhok nya. Agad ko syang pinaupo at tinanong.
"Anong nangyari sayo? At, anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Umiyak pa muna sya saglit bago sumagot.
"Ako si Diana, miss pres." Umiiyak parin nyang sabi. Tumango-tango naman ako. "Na-r*pe po ako." Dagdag pa nya na nakapagpahinto sa akin.
- To Be Continued -
(Thu, October 14, 2021)