Chapter 7

1517 Words
Chapter 7 - Zoey's POV - "A-Ano?" Gulat kong tanong. Umiiyak parin si Diana sa harap ko ngayon. "Miss pres, tulungan nyo po ako." Umiiyak at nagmamakaawa nitong hiling. Ako naman ay parang nanghina dahil sa pagtangis at iyak nya. "Shhh... Gagawa ako ng paraan. Titignan ko kung hanggang saan ang kaya kong gawin." Nakangiting sabi ko. "Salamat po, Miss Pres. Salamat po." Sabi nya pa. Ako naman ay tumayo saglit at kumuha ng tubig para ipainom sa kanya. Pagbalik ko ay agad kong pinainom sa kanya ang tubig na kinuha ko dahil tingin ko ay kailangang kailangan nya talaga iyon. "Zoey." Tawag sa akin ni Jake. Agad akong napaharap at nakita kong pumasok na silang lahat. Taka silang tumingin sa amin. "Anong nagyari sayo, Diana?" Tanong ni Solane. "M-Miss Pres, babalik na ako sa classroom namin." Parang natatakot o kinakabahan nito sabi tapos mabilis na kumilos pero halatang hapong-hapo padin. "Inaway mo ba yon?" Tanong sa akin ni Javier. "Hindi, naghihingi sya ng tulong." Malungkot kong sabi. Ipinaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon at gumawa agad kami ng plano. "Parang may naririnig na din akong complaints or reports na ganyan. Nitong nakaraan may mga naririnig din akong case ng r*pe malapit sa school natin. Hindi ko alam na nakapasok na yan sa school natin." Sabi ni Solane. Napatango-tango naman ako. Tumayo na ako at nagsalita. "Ok, guys. Ganito ang plano. Kailangan nating sabihin ito sa buong students kaya magpapatawag tayo ng agenda later bago mag-uwian. Para aware yung ibang students." Sabi ko. Tumango-tango naman sila. "If ever na makatanggap pa tayo ng complaints na higit sa 20, kailangan na nating humingin ng guide sa mga pulis, but don't worry. I can handle this." ____________________________ Ngayon ay naghihintay na naming dumating lahat ng mga students. May kaunti pa namang time kaya pinayagan na sila ng mga teacher. Pinaliwanag ko din kasi sa kanilang seryosong usapan ang sasabihin namin. "Hello." Sabi ko tapos marahang ngumiti sa mga students na nasa harap ko. "Salamat sa mga dumalong students at sa mga hindi nakadalo ay pwedeng pakisabi nalang sa kanila. So, I'm here dahil gusto kong ipaalam sa inyo ang nangyari sa isang student natin. Pinasok daw sya sa CR at doon ginawan sya ng kahalayan. Kaya ko to sinasabi, because I want you'll be aware and be careful. I don't want to happen this to someone again and sa mga nakaranas din ng ganito sa loob ng school natin ay gusto kong magreport kayo sa office. Girls, you don't have to be afraid about this. You are the victim here. So, I want you all report to me if you experienced it too insife of our school and we are going make move to give the justice. That's all. Pwede na kayong umuwi lahat and please, tanggapin nyo yung ibibigay naming pepper spray." Mahabang sabi ko at marahang ngumiti sa kanilang lahat bago ako bumaba ng stage. ____________________________ Kinabukasan, pagdating ko ay nagkakagulo sila sa loob. Napakunot ang noo ko at nakitang ang daming student na naroon at nag-iiyakan lahat. Nang makita nila ako ay agad silang lumapit sa akin habang nagmamakaawa. "Lahat ba sila victims?" Naaawa kong tanong. Tumango lang si Solane sa akin. Pinakalma sila ni Solane habang ako naman ay tinignan ang list na hiningi ko sa kanya. "Ang pinaka-latest na case ay kaninang umaga." Sabi ni Javier. "Are you sure, kaya mo?" Nag-aalalang tanong nya. "Kaya ko to." Sabi ko at inisa-isa ang mga pangalan na narito. Nang lumingon ako kay Solane ay pinaalis na nya ang mga students na nandito kanina. "Hindi ko in-expect na ganito kadami ang cases na ito." Napapailing na sabi ni Solane. "It's way too much than I expected." Sabi ko. Kinuha ko ang phone ko at may kin-ontact doon. "Hello? What do you want in the middle of my breakfast?" Masungit nitong tanong. "Sorry. I want to report something. We have a too many cases of r*pe in our school. I want to ask kung kelan po kayo free?" "Sige. Pupunta ako mamaya." Sabi nito tapos binabaan na ako ng telepono. _______________________________ Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng gamit ko ng biglang dumating si Javier. Bigla ako nitong pinaharap sa kanya na parang may ginawa akong kasalanan. Taka akong tumingin sa kanya at dahil na din sa inis. "Ano ba?" Naiinis kong tanong sa kanya. "Sigurado ka ba talaga sa ginagawa mo?" Tanong nya pa na parang naiinis din. "Oo nga. Bakit ba ang kulit mo? Kanina mo pa ako tinatanong nyan, ahh?" Kunot-noo kong tanong. "Zoey, mapapahamak ka nga." Sabi nya pa sa akin. "Hindi ako mapapahamak, Kaya ko nga ang sarili ko." Sabi ko naman. "Bahala ka. Kapag napahamak ka, walang sisihan." Sabi nito tapos iniwan na ako sa loob ng office. _________________________________ Maya-maya pa ay bigla ding dumating ang hinihintay ko. Ngumiti ako sa kanya at kinumusta sya. "Kuya Genson, kumusta?" Tanong ko sa kanya. Kaming dalawa ngayon ang nandito sa loob ng office. "Ito, pogi parin. By the way, kinakamusta ka ni Jenny. Bakit daw hindi kayo pumunta nung wedding nya?" Tanong pa nito. "Nasa states kasi kami, kuya." Nakangiting sabi ko. "Ano nga pala ang cases na sinasabi mo?" Kaagad na tanong nito. "Ayon na nga." Sabi ko at kinuha ang mga reports na nakalap namin pati narin yung mga CCTV footages. "Sa tingin ko po, kuya, iisa lang ang gumagawa nito." Sabi ko pa at tinuro ang ebidensya na nagpapatunay na iisa lang ang gumagawa ng mga kahalayang ito. "Possible din bang student lang din ito?" Tanong nya pa. "I don't know, ehh. Kasi, kuya, kung student lang din sya, makukuha namin agad yung name nya. May program kasi yung system namin na kapag nakita ng CCTV na may ginawa kang ipinagbabawal ko, makikita yung pangalan mo." Sabi ko. "So, you mean to say, kapag ipinagbawal mo at prinogram sa mga system nyo, makikita nyo yung pangalan ng student?" Tanong nya sa akin. Nagtataka naman akong tumango nalang sa kanya. "That's it. Kung isang student lang din ang may gawa nito, makikita nyo agad kapag prinogram sa system nyo." Sabi nya. Ako naman ay napatango-tango nalang. Gumawa kami ng plano para maging maayos at walang lusot ang suspect. _________________________________ Tahimik akong naglalakad at hindi ko napansing gabi narin noon. Kunti nalang kaming naiwan doon sa office kanina habang si Kuya Genson ay kanina pa umuwi dahil may emergency daw sa campo nila. Naiinis akong naglalakad dahil hindi lang naubusan ng baterya ang phone ko, nawalan pa ito ng load. Mag-isa lang akong naglalakad at wala nang masyadong sasakyan. 7 o'clock palang pero wala na agad katao-tao dito malapit sa school. Wala na din masyadong dumadaan na sasakyan tapos wala pang taxi. Dahil hindi ko matawagan ang driver namin ay napilitan akong maglakad-lakad dahil wala akong mahahanap na sasakyan kung hindi ko pa gagawin iyon. Ngayon ko lang din napansin na, nakakatakot pala ang lugar na to kapag gabi. Kung anong ikinaganda ito kapag araw ay sya namang ikinatakot nito sa gabi. Tahimik lang ang paligid at ang tanging naririnig ko lang ay ang paghinga ko. Hindi ko nga din marinig ang tunog ng paa ko, ehh. Tinanggal ko kasi ang sapatos ko. Tahimik ang buong paligid ko ng may bigla akong nakitang anino sa likod ako. Napaharap ako sa likod ko at nakita ang isang lalaki na nakatayo sa likod ko. Walang pag-aatobili akong tumakbo at hindi na lumingin sa likod ko. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa bigla nitong hinalahin ang braso ko. "Wag ka nang tumakbo. Alam ko namang magugustuhan mo ang gagawin natin, ehh." Nakakakilabot na sabi nito malapit sa tenga ko. "Bitawan mo ako." Sabi kosa kanya at hinampas sya ng bag ko. "Alam mo bang ayan ang gusto ko sa babae? Yung palaban at wild." Sabi pa nya ako naman ay nadapa at natumba sa lupa. Nagulat ako ng bigla nya akong patungan at halikan ang leeg ko. Sobrang nginig din ang katawan ko sa takot ng maramdaman akong matigas na tumatama sa masilang bahagi ko. Wala sa sariling naglakbay ang kamay ko at may bigla akong nahawakan. Panay lang ang halik ng lalaking to sa akin na lalong pinandidirian ko. Nang tignan ko kung ano ang nahawakan ko at napangiti ako ng makitang pepper spray ko iyon. Agad kong ginamit iyon sa kanya at agad syang napaaray at nagsisisigaw. Maya-maya pa ay may dumaang sasakyan at may mga lumabas na tao doon. Agad naman akong napatayo dahil natatakot ako na baka kasamahan nya iyon. "Zoey!!" Tawag sa akin ng mga tumakbong lalaki. Saglit kong inaninag at nakahinga ako ng maluwag ng makitang sila Javier iyon. "Javier!!" Sigaw ako at agad akong lumapit sa kanya. Wala sa sariling nagkayakap kaming dalawa at doon biglang bumuhos ang luha ko. "Natatakot ako." Umiiyak kong sabi habang sya naman hinimas lang ang likod ko. "Anong gagawin natin dito?" Tanong bigla ni Walter. Agad akong bumitaw kay Javier at lumapit sa lalaki. Taka silang nakatingin sa akin at bigla ding napalitan ng gulat ng bigla kong suntukin at makatulog ang lalaki. - To Be Continued - (Fri, October 15, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD