Chapter 8

1014 Words
Chapter 8 - Zoey's POV - Nandito kami ngayon sa loob ng kotse ni Javier. Kaming dalawa lang ang narito ngayon at tingin ko ay masama parin ang loob ni Javier sa hindi ko malamang dahilan. Humarap ako sa kanya at ngumuso. "Hoy." Nakanguso kong sabi. "Pansinin mo na kasi ako." Sabi ko pa. "Diba, sinabihan na kita? Ohh, anong napala mo? Muntik ka pang mapahamak dahil doon." Parang naiinis nyang sabi. "Sorry na nga, ehh." Nakasimangot kong sabi. Ihininto nya ang sasakyan at lumabas para pagbuksan ako ng pinto. Nandito na pala kami sa bahay. "Next time kasi, mag-ingat ka. At makinig ka din." Sabi nya tapos sya na ang nag-doorbell. Agad bumukas ang gate namin at gulat na tumingin si Manang sa akin. "Zoey, bata ka, saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa hinahanap ng mga magulang mo." Sabi nito sa akin. "Sa loob nalang po ako magpapaliwanag, manang." Sabi ko kaya agad nya kaming pinapasok. Pagpasok namin ay agad akong sinalubong ni Chloe. "Ate!!!" Sigaw nito at patakbong lumapit sa akin. "Lagot ka, kanina ka pa hinahanap ni Daddy." Nang-aasar na sabi nito. Ako naman ay umirap lang sa kanya. "Who is he?" Tanong pa nya. Napalingon naman ako kay Javier. "He's my friend." Sagot ko naman. Biglang lumabas sila kuya sa kung saan at sinalubong agad ako ng yakap. "Where have you been?" Tanong ni Mommy sa akin. "May nangyari lang po kaya mas nalate ako nang-uwi." Sabi ko at ipinaliwanag sa kanila ang nangyari. "Mabuti nalang at di nagreport ang daddy mo ng missing. Ang OA pa naman nyan." Sabi ni mommy. "I'm just worried." Depensa naman ni Daddy. "Thank god talaga at dumating kayo doon." Sabi ulit ni Mommy. Tumango lang si Javier sa kanila. "Sumabay ka na sa amin mag-dinner." Sabi ni Mommy. Tumango lang ulit si Javier. Tumayo na sila mommy at dumiretso na agad sila sa kusina. Si kuya naman ay nakatingin parin kay Javier. "Anong meron sa inyong dalawa?" Kunot-noo tanong ni Kuya. Napakurap-kurap naman ako. "Magkaibigan nga lang kami." Sagot ko sa kanya. "Zoey, tandaan mo si Bryan." Sabi ni kuya at agad na umalis. Ako naman ay napanguso dahil hindi ko alam kung bakit nya pinapaalala sa akin si Bryan. - Javier's POV - Kanina ay inis na inis ako pero ngayon ay parang nakalutang lang ang ulo ko dahil sa mga nangyayari sa harapan ko. Napakasaya ng pamilya ni Zoey, nakakainggit. Kaso nga lang, parang hindi sila close ng mga kapatid nya. Nandito kami ngayon sa hapag-kainan at masaya ako na hindi naman nila iniisip na may relasyon kami ni Zoey. Ganon kasi ang ibang pamilya, ganon kaagad ang nasa isip. Nalaman ko ding ngayon-ngayon lang na second cousin pala ni Zoey si Mr. de Vega. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang magsalita ang kuya ni Zoey. "Kumusta na kayo ni Bryan?" Tanong nito kay Zoey. Iyon ding yung Bryan na sinasabi nito kanina pa. "Ok naman kami." Nakangiting sagot ni Zoey. "Nag-uusap pa ba kayo? Balita ko ay uuwi na sya dito sa pinas." Sabat naman ng Daddy nya. "Really?!" Pasigaw na sabi ni Zoey. Ngumiti ito na parang sobrang excited nya at nagpatuloy na ulit sa pagkain. Ako naman ay napaisip kung sino ang Bryan na tinutukoy nila. _____________________________ - Zoey's POV - By the way, hindi ko nga pala na introduce sa inyong lahat ang mga kasama, no? Simulan natin kay Gavin. Si Gavin ay isang mabait na tao. Palagi nya akong binibigyan ng pagkain, palagi din nya akong tinutulungan sa mga gawain at sobrang bait nya talaga. Ang problema lang ay seloso sya sa mga bagay na hindi ko naman malaman. Si Solane naman ay yung nerd na secretary namin. Masyado syang tahimik pero kapag nagtanong ka sa mga bagay na gusto mong malaman ay marami sya kaagad alam. Minsan ay kahit chismis ay alam nya. Si Jake namab yung nagpapayaman sa amin. Mahilig kasi sya magreklamo pero palagi din namang maaasahan at joker pa. Ang problema lang ay masyado syang playboy. Si Harvey ay may pagkamatalino din. Sya yung palaging naniningil kay Jake kapag nagrereklamo ito. Magaling din sila sa Sports kaso lang pareho sila ni Jake na babaero. Si Walter naman yung serious type pero may kakulitan din minsan. Minsan ay ito ang utak ng mga kalukuhan nila dahil matalino talaga itong si Walter. Nakakatulong din sya sa akin dahil sobrang dami nyang alam sa maraming bagay, lalo na sa computers. Si Javier naman ang serious type talaga. Wala din syang hilig sa kung anong bagay pero magaling din ito katulad ni Walter. Sya yung palagi kong kaaway dahil hindi magkasundo sa maraming bagay. _________________________________ Maraming nakaalam na nahuli na namin yung suspect at maraming natuwa doon. Maraming nagbibigay ng regalo sa akin at nalaman din nila yung nangyari sa akin. Lumipas na ulit ang mga buwan at naging ok na ang lahat. Naging maingay din ang pangalan ko at ng Cypress sa media dahil sa nangyaring aksidente. Naging top famous school din ang school namin dahil sa nangyari. "Zoey, sama ka sa amin mamayang 12?" Tanong nila Jake sa akin. "Hindi na. Maaga kasi akong uuwi mamaya, ehh." Nakangiti kong sabi at bumalik na sa ginagawa ko kanina. Pupunta kasi sila sa isang party at gusto nila akong isama pero ayokong sumama kasi ayoko lang. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ko ng mga gamit ng biglang tumunog ang phone ko. Nang tignan ko kung sino ang nag-text ay agad akong napangiti. Ilang buwan na din kaming hindi simula nung umuwi kami dito. 'Let's date later. Let's meet here.' Napangiti ako dahil kahit ganon na lang kaikli ang text nya ay ganon naman ang sinasabi nya. Ilang buwan na din kami ni Bryan. Malapit na din kaming mag-isang taon. Simula nung umuwi kami ay nawalan na sya ng contact sa akin. Ngayon nya palang ulit ako kin-ontact. Nabalitaan ko kasing magbabakasyon din ito sa grandparents nya dito sa pilipinas. Kaya magdadate kami mamaya. Iyon din talaga ang dahilan kung bakit hindi ako sasama sa kanila. - To Be Continued - (Fri, October 15, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD