Chapter 9
- Zoey's POV -
Nakatayo ako ngayon sa harap ng party na imbitado si Bryan. Isinama nya ako sa party dahil gusto nya daw akong ipakilala sa mga friends nya. Nandito pa kami sa labas dahil may biglang tumawag sa kanya na kailangan nya agad sagutin.
"Zoey?" Biglang may nagsalita sa likod ko. Agad akong napaharap at napangiti ng makita sila.
"Hi." Bati ka nila.
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?" Tanong sa akin ni Solane.
"Baka nagbago ang isip nya." Sabat naman ni Jake.
"Hindi. Hindi ko nga din akalain na dito din ang pupuntahan nyo. Kasama ko kasi ngayon si Bryan." Nakangiti kong sabi sa kanila.
"Sino si Bryan?" Tanong ni Javier.
"Boyfriend ko."
"May boyfriend ka?!" Gulat na tanong nilang lahat. Natatawang naman akong tumango.
"Kelan pa?" Tanong ni Gavin sa akin.
"Mag-iisang taon na." Nakangiti kong tanong.
"I'm sorry, babe." Biglang sabi ni Bryan. Agad akong napaharap sa kanya. "Kailangan kong umuwi. It's really urgent. Next time nalang. Babawi ako."
"Ok lang." Sabi ko habang nakangiti.
"I'm sorry talaga." Sabi nya pa. Ako naman ay hinihintay ang halik nya kapag palaging may ganitong emergency. Pagkatapos nya kasing magsorry ay kasunod na agad ang halik nya. "Hahatid nalang kita." Sabi nya tapos panay parin ang tingin sa phone nya.
"Ako na ang maghahatid sa kanya." Prisinta naman ni Javier. Tumingin pa muna si Bryan sa kanya bago pumayag.
"I'm sorry talaga, babe. Very urgent kasi talaga." Sabi nya tapos ngumiti lang sa akin at pinasakay na ako sa kotse ni Javier. Tumango lang ako at pilit na ngumiti sa kanya.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Javier sa akin nang makasakay sya sa kotse nya. Tumango lang ako sa kanya at di na ulit nagsalita. "Sigurado ka?" Tanong nya pa ulit. Tumango naman ako ulit sa kanya.
Buong byahe kaming walang kibuan. Hindi na nya din ako kinausap simula kanina. Ako naman ay pagsasalita nalang, nawalan pa ako ng gana. Nang dumating kaming bahay ay doon ulit sya nagsalita.
"Zoey, mag-iingat ka, ahh?" Tanong nya sa akin. Tumango naman ako at pumasok na ng bahay. Pagpasok ko naman ay nandoon si kuya na parang may ginawa akong kasalanan.
"Bakit si Javier na ang kasama mo umuwi? At bakit ang bilis nyo?" Kunot-noong tanong nito.
"May emergency kasi, kuya. Tulog na ako." Matamlay kong sabi habang iniisip ko parin na may mali parin sa pakikitungo sa akin ni Bryan. Sya kasi ang lalaking naglakas-loob manligaw sa akin.
________________________________
Kinabukasan ay hindi parin ako kinakausap ni Bryan. Dahil alam kong may kakaiba talaga sa kanya ay pinuntahan ko sya ngayon sa condo nya. Kumatok ako ng pinto para isurpresa sya. Agad akong napangiti ng bumukas ang pinto.
"Ano yon?" Tanong babaeng nagbukas ng pinto. Sandali ako natigilan at ngumiti.
"Sorry, nagkamali ata ako ng nakatok." Naiilang kong sabi at pilit na ngumiti sa kanya. Tumingin ako sa hallway at napabuntong-hininga. Muhkang lumipat na si Bryan.
Agad akong umalis doon at bumalik nalang ng bahay. Panay ang buntong-hininga ko dahil parang nawawalan na ako ng pag-asa. Dahil alam kong ito nalang ang magagawa ko ay gagawin ko na ito.
Napag-desisyonan kong sundan si Bryan ngayong gabi. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, gusto ko lang mawala yung kutob ko na may ibang babae nga sya. Nag-text ako sa kanya na pupuntahan ko sya pero ang sabi nya ay may kailangan daw syang gawin.
Pero dahil makulit ako ay inalam at sinundan ko parin sya. Nakasunod ako ngayon sa kanya habang nag-di-drive sya. Maya-maya pa ay huminto ito sa harap ng isang restaurant na palagi naming kinakainan.
Naging excited ako at agad bumaba ng taxi. Pumasok na sya sa loob ng restaurant at agad din naman akong sumunod sa kanya. Hindi pa sya nakakaupo ay inilabas na agad nya ang phone nya at muhkang i-te-text na ako.
Agad kong inilabas ang phone ko at hinintay ang text nya. Pero nang mag-angat ulit ako ng tingin ay nakita ko syang may babaeng yakap at hinalikan pa nya ito. Kaagad na tumulo ang luha ko at di ko na napigilan pa.
Biglang may yumakap sa akin at pinalabas ako ng restaurant. Doon na lumabas ang hagulgol ko at hinayaan ko lang ang lalaking naglabas sa akin sa restaurant na yon na panoorin ako. Maya-maya pa ay inabutan nya naman ako panyo.
"Thank you." Naiiyak ko paring sabi. Nang lingonin ko sya ay sandali pa akong nagulat ng makita kong si Javier pala ang kasama ko.
"Ok ka na?" Nag-aalala nyang tanong tumango nalang ako sa kanya tapos pilit na ngumiti sa kanya. "May susunduin lang ako, ha? Tapos, ihahatid na kita sa inyo." Sabi nya. Napatango nalang ako sa kanya.
Maya-maya pa ay may pumasok na mga bata at isang mag-asawa sa kotse. Kasunod nila si Javier at pare-pareho kaming nagtataka habang si Javier naman ay nag-i-start na nang kotse.
"Ahh, mom, dad. This is Zoey, she's my friend." Sabi ni Javier. Nanlaki ang mata ko at agad napatango-tango sa kanila tapos naiilang na lumapit at bumulong kay Javier.
"Bakit hindi mo naman sinabing kasama mo yung family mo?" Nahihiya kong bulong sa kanya.
"Alangan naman hayaan kita doon sa loob?" Tanong ni Javier sa akin. Napabuntong-hininga naman ako at umayos na ng upo. Nagsimula na syang mag-drive at biglang nagsimulang magsalita ang mommy nya.
"Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong nito. Agad akong humarap sa likod at ngumiti.
"Hindi po, ehh. Nung una ko pong makilala si Javier, magkaaway po kami pero dahil lang naman po yon libro. Pero ngayon, ok na po kami." Nakangiti kong sabi.
"Napapadalas kasi ang pag-uwi ni Javier ng gabi. Katulad nung isang araw, 9pm na sya nakauwi." Sabi naman ng daddy nya. Napalingon ako kay Javier at bumulong sa kanya.
"Yun ba yung araw na nahuli natin yung suspect?" Bulong ko sa kanya. Tumango naman sya sa akin.
"Anong suspect?" Tanong ng mommy nya. Nilingon ko sila at ngumiti bago sumagot.
"May nangyari po kasi nung gabing iyon. May tumamba sa akin at nadaanan po nila ako. Then, dumaan po kami ng police station at nag-dinner pa po sya sa bahay kaya po, nalate sya." Nakangiti kong sabi sabay tingin kay Javier.
"Is that so?" Sabi naman ng mommy nya.
"Ate, meron po ba kayong kapatid?" Tanong nung bata sa akin. Muhkang kambal silang dalawa dahil magkamukha sila.
"Meron, dalawa. May isa akong kuya at isang younger sister. Pero, hindi kami ganon ka-close kasi yung kuya ko, feeling only child. Yung bunso naman namin, spoiled brat, tapos ako maganda lang." Seryoso kong sabi. Napalingon naman ako kay Javier dahil bigla syang tumawa. "Bakit ka tumatawa?" Seryoso ko paring tanong.
"Nakakatawa kasi yung joke mo." Natatawang sabi nya.
"Hindi naman ako nagkikipagbiruan, ahh?" Seryoso ko paring sabi. Unti-unting tumigil ang pagtawa at tumikim. Maya-maya lang ay dumating na kami sa bahay nila.
"Gusto mo ba munang pumasok?" Tanong ni Javier sa akin. Umiling nalang ako. Tumango sya at agd na pinaandar ang kotse papunta sa bahay namin.
- To Be Continued -
(Fri, October 15, 2021)