Chapter 10

1126 Words
Chapter 10 - Javier's POV - Kahit ayokong sumama sa dinner namin ngayon ay napilit parin ako ni Mommy. Baka kasi may kakilala nanaman kaming makita doon at ipahiya nanaman ako ni Dad sa harap nila. Ako ang nag-di-drive dahil may driver's license naman na ako. "Saan ba tayo kakain?" Tanong ko. "Sa dati parin." Sabi naman ni Mommy. Makalipas pa ang ilang minuto ay nakarating na agad kami doon. Pumasok kami at agad kaming nakahanap ng upuan namin. Pagkatapos ay tumawag kami ng waiter at nag-order. "How's school?" Tanong ni Dad. Saglit lang akong tumingin sa kanya bago sumagot. "Still a school." Sagot ko naman. "Javier." Saway ni Mommy sa akin na agad ko din namang pinakinggan. "What happened to your school yesterday?" Tanong naman ni Mommy. "It's a long story. And, It's not suitable for kids." Sabi ko at nginitian ang mga kapatid ko. Dumating na ang order namin at sabay-sabay na kami kumain. "Wala ka parin bang girlfriend?" Biglang tanong ni Mommy. "Simula nung maghiwalay kayo ni Winter, parang wala ka nang babaeng sineryoso." Malungkot nyang sabi. Hindi ko alam pero bigla kong naisip si Zoey. Maya-maya pa ay napapaisip parin ako kung bakit ko naisip si Zoey. Bigla akong napatingin sa pinto at napakunot ang noo ko ng makita ko yung sinasabing boyfriend ni Zoey. Alam kong sya iyon dahil nakita ko ito ng malapitan. Nagtaka ako dahil sandali itong huminto at may tinignan sa phone nito. Napaiwas nalang nang dahil sa hindi malamang dahilan. Maya-maya pa ay napatingin naman ako sa pinto at nakita ko doon si Zoey, nakangiti. Napatingin ako sa boyfriend nya at nagulat ako ng makitang may kayakap na itong babaeng nakaupo na sa may table. Awtomatikong kumilos ang katawan ko at agad akong lumapit kay Zoey. Narinig ko pa ang pagtawag ni Dad at ni Mom sa akin pero hindi ko nalang sila pinansin dahil patuloy lang ako sa paglapit kay Zoey. Magulat pa ako ng bigla ko syang yakapin. Mas humigpit ang yakap ko sa kanya nang biglang humagolgol sya ng iyak. Agad ko syang inilabas at dinala sa kotse namin. Inabutan ko sya ng panyo at agad din namang nyang tinanggap. "Thank you." Naiiyak parin nyang sabi. Nang tumingin sya sa akin ay parang nagulat pa sya ng makita nyang ako ang kasama nya. "Ok ka na?" Tanong ko sa kanya. Tumango lang sya at ngumiti sa akin. Bigla ko namang naalala sila Mommy sa loob. "May susunduin lang ako, ha? Tapos ihahatid na kita sa inyo." Sabi ko na tinugunan nya nalang ng tango. Agad akong lumabas ng kotse at pumasok ulit ng restaurant. Kunot-noong nakatingin ngayon si Dad sa akin pero hindi ko na sya pinansin. Kay mommy ako lumapit. "Mom, nakapagbayad na ba kayo?" Tanong ko. "Tapos na. By the way, sino yung kasama mo kanina?" Tanong nito. Ngumiti ako bago sumagot. "Mamaya ko nalang sya ipapakilala. Tara na, uwi na tayo." Sabi ko at agad kong binuhat ang mga kapatid ko. Agad din silang sumunod at agad ko silang pinapasok ng kotse. Nang makasakay ako ay agad kong in-start ang kotse. "Ahh, mom, dad. This is Zoey, she's my friend." Pagpapakilala ko kay Zoey. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko at napalunok ako ng biglang lumapit si Zoey at bumulong sa akin. "Bakit hindi mo naman sinabing kasama mo yung family mo?" Nahihiya nyang tanong. "Alangan naman hayaan kita doon sa loob?" Sinikap ko pang hindi ako mautal dahil nakakahiya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga nya at umayos na din sya ng upo. Napalunok pa muna ako bago ako magsimulang mag-drive. Maya-maya pa ay biglang nagsalita si Mommy. "Matagal na ba kayong magkakilala?" Tanong nya. "Hindi po, ehh. Nung una ko pong makilala si Javier, magkaaway po kami pero dahil lang naman po yon libro. Pero ngayon, ok na po kami." Nakangiting sagot ni Zoey. Ako naman ay tinago ang hiya at pamumula ako. "Napapadalas kasi ang pag-uwi ni Javier ng gabi. Katulad nung isang araw, 9pm na sya nakauwi." Napakunot ang noo ko dahil sa biglang pagsabat ni Dad pero bigla din namang nawala dahil lumapit nanaman si Zoey sa akin at bumulong. "Yun ba yung araw na nahuli natin yung suspect?" Bulong nya. "Anong suspect?" Muhkang narinig ni Mommy ang bulong ni Zoey. Mabuti nalang. Agad ding lumayo si Zoey sa akin. "May nangyari po kasi nung gabing iyon. May tumamba sa akin at nadaanan po nila ako. Then, dumaan po kami ng police station at nag-dinner pa po sya sa bahay kaya po, nalate sya." Mahabang sagot ni Zoey. "Is that so?" "Ate, meron po ba kayong kapatid?" Biglang sabat ni Sofia. "Meron, dalawa. May isa akong kuya at isang younger sister. Pero, hindi kami ganon ka-close kasi yung kuya ko, feeling only child. Yung bunso naman namin, spoiled brat, tapos ako maganda lang." Sabi nya. Ako naman ay natawa dahil sa huling sinabi nya at dahil din sa naalala ko yung nangyari doon sa bahay nila. "Bakit ka tumatawa?" Biglang tanong ni Zoey sa akin pero di pa ako tapos tumawa. "Nakakatawa kasi yung joke mo." Sagot ko habang mahina paring tumatawa. "Hindi naman ako nagkikipagbiruan, ahh?" Seryoso parin nyang sabi. Unti-unting mawala ang tawa ko at napatikim nalang ako. Maya-maya pa ay nakarating na agad kami ng bahay. "Gusto mo ba munang pumasok?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman sya. Hinintay kong makalabas muna sila mommy bago ko paandarin ang kotse. Bigla ay naging tahimik ulit ang paligid. Hindi ko alam kung bakit ganon bigla ang atmosphere pero bigla nalang naging ganon. Tumikim ako at muling nagsalita. "Ok ka na ba?" Tanong ko ulit. Naramdaman kong tumingin pa muna sa sya sa akin bago sya nagsimulang umiyak. Naging tahimik lang ako dahil alam ko ang pakiramdam ng maloko. "Kanina, akala ko, nagkamali ako ng nakatukang condo. Akala ko, lumipat na sya. Pero tama naman pala. Yung babaeng kassama nya kanina, iyon din yung babae doon sa condo nya." Naiiyak nito sabi. "G-Ganon na ba talaga ako katanga? Javier, malapit na kaming mag-isang taon pero sinayang nya lang yon?" Humahagolgol parin nitong sabi. "Zoey, hindi naman talaga yan maiiwasan. May mga tao talagang akala mo, mahal na mahal ka. Sila yung unang nagkaroon ng interes sayo, naunang lumapit sayo, naghabol, pero sila din yung unang nag-iwan." Sabi ko. "Sanay ka na sa ganito?" Naiiyak parin nyang tanong. "Hindi naman. Pero naranasan ko na din yan." Sabi ko tapos ihininto ang sasakyan dahil nandito na kami sa bahay nila. "Ang bilis lang, ahh?" Tanong nya. "Wala kasing traffic." Natatawa kong sabi. Hinawakan ko ang ulo nya at hinaplos iyon. "IIyak mo lang, yan. Mawawala din yan. Tawagan mo ako, ahh?" Sabi ko. Tumango nalang sya sa akin bago bumaba. - To Be Continued - (Sat, October 16, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD