Chapter 11

1198 Words
Chapter 11 - Zoey's POV - Nagulat pa ako ng mabilis kaming nakarating sa bahay. Siguro dahil na din pag-iyak ko ay hindi ko na din napansin na nakarating na kami ng bahay. Agad akong bumaba ng kotse nya at naglalakad na ako papasok ng biglang sumunod si Javier sa akin at niyakap ulit ako. 'Nakakarami na tong lalaki to sa akin, ahh?' "Tawagan mo ako kung kailangan mo ng kausap, huh?" Tanong nya habang yakap parin ako. "O-Oo na. B-Basta bitiwan mo na ako." Nauutal kong sabi. Ngayon ko lang napansin na naka-formal attire pala sya. Ngumiti sya sa akin at kumaway. Pilit lang akong ngumiti sa kanya at pumasok na. Aaminin ko, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko nung nakausap ko si Javier. Hindiko alam na naranasan na din pala nya ang ganitong bagay. Agad akong umakyat ng kwarto ko at gusto ko nalang itulog ang sakit. Pag-akyat ko ng kwarto ko ay nakita kong naroon ang pusa ko. Marahan akong napangiti at nahiga na ng kama ko. Pagkahiga ko ay agad ko ding inilabas ang phone ko at tin-ext si Javier. - Javier's POV - Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga kapatid ko. Hindi ko alam kung nasaan sila mommy pero nandito ang mga kapatid ko sa may sala, naglalaro ng mga manika nila. "Kuya!!" Sigaw nilang makita ako. Agad silang lumapit sa akin at yumakap. Ako naman ay niyakap din sila. "Parang masaya ka, ahh?" Biglang sulpot ni Mommy. "Nasaan na yung babaeng kasama mo? Si Zoey?" Tanong naman ni Dad. "Hinatid ko na." Maikli kong sagot. "Akyat muna ako." Maikli ko pang paalam tapos dumiretso na para magpalit ng damit ko. Pagkatapos kong magbihis ay biglang tumunog ang phone ko. Nang tignan ko ito ay nakita kong si Zoey pala. Zoey: Hey, thank you for your comfort. Napangiti ako dahil sa reply nya. Pero agad din namang nawala ng maalala ko ang itsura nya kanina. Javier: Are you really ok now? Zoey: Honestly, nahh. But, I'm really thankful that you're here to comfort me. Javier: Yeahhh. Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko at ipinikit ang mata ko. Hanggang sa hindi ko nalang namalayang nakatulog na pala ako. Nang magising ako ay alas-singko na ng hapon. Agad akong tumayo at paglabas ko ay nasa sala ang mga kapatid ko at kumakain ng ice cream. May kinakausap ang mga ito at nang tuluyan na akong bumama ay nagulat ako ng makitang si Zoey ang kasama nila. Napatingin ito sa akin at napatitig. Bumaba ang tingin nito sa katawan ako at nakita kong namula sya at napalunok bago mag-iwas ng tingin. Ako naman ay nagbaba ng tingin at agad napatakbo ng makita kong wala pala akong suot na pang-itaas. Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumama at nakita kong tatawa-tawa pa sila Mommy at Yaya sa ibaba. Pinanlakihan ko sila ng mata upang sawayin pero nagpatuloy lang sila sa pagtawa at umiling-iling. - Zoey's POV - Hindi na ako ni-reply-an ni Javier kaya medyo na bored na ako. Nagdesisyon nalang akong umidlip saglit. Nang makaidlip ako ay alas-kwatro na nang hapon ng magising ako. Nang tignan ko ang phone ko ay hindi parin ako ni-re-reply-an ni Javier. 'Siguro nakatulog, to.' Agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Dahil wala namab akong magagawa dito sa bahay at dahil nasa resort sila Daddy, ako lang ang nandito sa bahay bukod sa mga yaya namin. Nagpaalam ako sa mga yaya namin na aalis ako at pupunta ako sa bahay ng kaklase ko. Well, pupuntahan ko talaga si Javier. Naiinis kasi ako na hindi nya ako nireplyan kanina kaya pupuntahan ko nalang sya. Pagdating ko ng bahay nila ay yaya nila ang sumalubong sa akin. Nagtanong ito kung sino ako at sinabi kong kaibigan ako ni Javier at biglang dumating ang mommy nya kaya agad nila akong pinapasok. "Ano palang ginagawa mo dito, hija?" Tanong sa akin ng mommy nya nang makaupo ako sa sala nila. "Ate!!" Sigaw ng kambal at agad lumapit sa akin at pinakita ang mga laruan nila. Tapos saka ako lumingon sa mommy nila. "Si Javier po?" Tanong ko sa kanya. "Tingin ko ay natutulog sya ngayon." Nakangiting sabi ng mommy nya. "Ganon po ba?" Parang nawawalan ng pag-asa kong sabi. "Sofia, Monica, kumuha muna kayo ng meryenda sa kusina. Ipadala nyo dito kay yaya, kakausapin ko lang ang ate Zoey nyo." Nakangiting sabi ng mommy nila na agad din namang sinunod ng mga kapatid ni Javier. Nang makaalis ang mga ito ay nakangiti syang tumingin sa akin. "Zoey, gusto ko lang itanong kung girlfriend ka ba ng anak ko?" Walang paligoy-ligoy nyang tanong. "Nakita kasi namin ng daddy nya ang nangyari, at hindi namin naiwasang isiping na may relasyon kayo." Nakangiting parin nyang sabi. Ako naman ay ngumiti pero namumuo na ang mga luha ko dahil bigla kong naalala ang nangyari kanina. "Sa totoo po, wala po kaming relasyon." Naiiyak ko nang sabi. "Yung nangyari po kanina, tinulungan lang po ko ni Javier." Sabi ko at pinunasan na ang luha ko. Parang naawa naman sa akin ang mommy nya. "Ano bang nangyari?" Tanong pa nito sa akin. "Nalaman ko po kasing niloloko ako ng boyfriend ko." Ayon, ang kanina ko pa pinipigilang luha ay pumatak na ng pumatak. Pilit namang ngumiti ang mommy nila sa akin. "Alam mo, siguro kaya ka tinutulungan ni Javier dahil naiintindihan na nya ang nararamdaman mo. Hindi na ikaw ang kauna-unahang babaeng naipakilala nya sa amin. Ang una ay si Winter, ayon yung girlfriend nya simula second year, pero bigla nalang hindi sila nagpansinan at nalaman nalang naming hiwalay na pala sila dahil nagloko pala si Winter." Nakangiting nya paring sabi sa akin. "Parte yan ng pagmamahal, hija. Bata pa naman kayo kaya makakahanap pa kayo ng taong totoong magmamahal sa inyo." Dagdag pa nya. Ngumiti naman ako at binigyan nya ako ng tissue para sa luha ko. "Salamat po." Nakangiting sabi ko. Agad kong pinunasan ang muhka ko at maya-maya lang ay dumating na ang kambal at kasama na ang yaya nila na may hawak na ice cream. "Ito ang sayo, hija." Nakangiting sabi nito at inabot sa akin ang isang baso na may ice cream. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat. Sabay silang umalis ni Mrs. Desai at pumunta ng kusina. Ang kasama ko nalang ngayon ay ang mga kapatid ni Javier. Nakangiti akong tumingin sa kanila at sumubo ng ice cream. Agad nanuot sa labi at dila ko ang lasa at talagang napakasarap sa pakiramdam. Makalipas ang ilang minuto ay biglang dumating ang daddy ni Javier. Agad akong tumayo at tumango sa kanya. Ganon lang din ang ginawa nya at dumiretso na ng kusina. Ako naman ay naupo na ulit. Nag-uusap kami ng kambal ng biglang may narinig akong tunog galing sa itaas nila. Parang pababa na ito. Nang tumingin ako ay nakita ko si Javier. Pababa na ito ngayon at palihim pa akong napalunok. Nakatayo na ito sa harap ko na parang walang ideya. Dahan-dahan akong napatingin pababa sa katawan nya bago nag-iwas ng tingin at napalunok. Muhkang napansin na din nya ang nangyari kaya agad itong umakyat. - To Be Continued - (Sat, October 16, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD