Chapter 12
- Javier's POV -
Nakaupo na ako ngayon sa tabi ni Zoey at ang kambal ay umalis para kumuha ng bagong ice cream. Habang kami ni Zoey ay parang nagkakailangan parin dahil sa nangyari kanina. Tumikim ako at ako na ang unang nagsalita.
"Ahh, ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Ahh, kasi... Wala akong kasama sa bahay. And, ayokong mag-stay doon ng matagal kasi malulungkot lang ako kaya, pumunta nalang ako dito sa inyo." Nakangiti na nyang sabi.
"Ahh. Sorry, natutulog kasi ako kanina." Nahihiya kong sabi at napakamot pa ng ulo ko.
"Ok lang. Nandito naman yung mga kapatid at mommy mo." Nakangiti parin nyang sabi.
"Ok ka na ba?" Nag-aalala kong tanong. Ngumiti ito ng malaki at umiling. Npabuntong-hininga nalang ako. Biglang sumulpot ang mga kapatid ko at inabutan kami ng ice cream at umalis na agad.
"Ang sarap ng ice cream nyo? Ginawa nyo ba to?" Tanong nya sa akin.
"Gawa ni Mommy." Nakangiti kong sagot.
"Alam mo, ang sarap talaga kumain ng ice cream kapag gusto momg umiyak." Sabi nya habang nakatungo. Nagsimula na din syang humikbi kaya agad ko syang niyakap. Doon ay umiyak ito ng umiyak hanggang sa ayaw na nya.
Kumuha ako ng tissue at ibinigay sa kanya. Agad din naman nyang pinunasan ang luha nya at ngumiti sa akin. Napabuntong-hininga ako at niyakap ko ulit sya. Bigla ditong bumitaw at sinamaan ako ng tingin.
"Nakakadami ka na, ahh? Kanina ka pa doon sa restaurant." Sabi nya habang masama parin ang tingin sa akin. Dahil mahilig ako mang-asar ay niyakap ko ulit sya kaya pilit naman syang bumibitaw sa akin.
"Ayoko nga!" Sigaw nya dahil hindi sya makawala sa pagkakayakap ko. Ginantihan ko nalang sya ng tawa.
"Ang lalandi." Biglang may nag-salita sa likod namin. Sabay kaming napatingin ni Zoey sa likod namin at nakita namin doon ang buong team namin.
"Anong ginagawa nyo dito sa bahay ko?" Kunot-noo kong tanong.
"Kayo, ha. Bakit magkasama kayo ni Miss Pres?" Nang-aasar na sabi ni Jake. Nakita ko namang inirapan sya ni Zoey.
"May nangyari lang kasi kaya nandito sya." Sabi ko.
"Kelan pa kayo naging close? Diba nga, hate nyo isa't isa?" Tanong sa akin ni Harvey.
"Kumain ka nalang dyan." Sabi ko dahil kinakain na nito ang ice cream ko.
"Ano bang meron at nandito kayong lahat?" Tanong ni Zoey.
"Birthday kaya ni Javier." Sabi ni Solane. Nanlaki naman ang mata ni Zoey sa gulat at gulat na tumingin sa akin.
"Birthday mo?" Gulat parin nyang tanong. Pilit parin akong ngumiti at tumango. Sya naman ay napaupo sa sofa na parang nawalan ng lakas. "Bakit ngayon mo lang sinabi?" Sabi pa nya.
"Busy ka kasi." Sagot ko at sumeryoso ulit.
"Nasaan na ang handa mo?" Tanong ni Jake.
"Nandito." Sigaw ni Mommy galing sa bakuran namin. Kaagad na pumunta silang lahat. Actually,hindi sumama yung Gavin kaya hindi talaga kami kompleto. Prang papatayin ako kapag makatingin ang lalaking iyon, ehh.
- Zoey's POV -
Nakaupo parin ako sa sala habang ang mga kaibigan namin ay pumunta na ng bakuran. Si Javier naman ay nasa harp ko parin ngayon. Parang gusto ko nang umuwi dahil nahihiya ako kay Javier.
"Ayaw mo ba bang pumunta doon?" Tanong nya at naupo ulit sa tabi.
"Ayoko na." Nanghihina paring sabi ko. Narinig ko naman ang pagtawa nya. Napansin ko na nag-iibang tao sya kapag kaharap ang ibang tao. Kanina hindi sya tumatawa pero ngayon, parang may nakakatawa.
"Bakit?" Tanong nya.
"Nakakahiya kasi, birthday na birthday mo, nanggugulo ako." Sabi ko. Bumuntong-hininga naman sya.
"Tara, punta nalang tayo doon." Sabi nya at hinila na ako palabas ng bakuran nila. Naroon na sila at kumakain.
"Zoey. kain ka na. Masarap lahat." Sabi ni Harvey. Hindi naman normal sa akin na tahimik si Walter. Kumain na ako at nang matapos ay agad din naman silang nag-uwian. Biglang sumulpot ang maraming tao kaya kami ni Javier ay umakyat ng taas nila at doon kami naupo sa teresa.
"Ang daming tao." Sabi ko.
"Oo nga, ehh. Ganyan naman palagi kapag birthday ko." Sabi nya. Napatango-tango naman ako.
"Yung last birthday ko, Hindi kami nag-celebrate kasi naghiwalay kami non ni Winter." Bigla nyang sabi. Ako naman ay napatingin at napatitig sa kanya.
"Baka umiyak ka din." Biro ko. Mahina lang itong tumawa.
"Alam mo, sa una lang yan masakit. Pero, kapag nagtagal, kahit banggitin at ipamuhka pa yan sayo ng paulit-ulit, hindi ka na masasaktan." Nakangiti nyang sabi. Ako naman ay napatango-tango nalang.
"Alam mo, hindi ko naman talaga alam kung mahal ko si Bryan, ehh. Napilitan lang talaga akong sagutin sya kasi nag-confess sya sa akin sa harap ng buong campus." Sabi ko.
"G*go naman pala sya, ehh." Parang naiinis na sabi ni Javier.
"Kaya lang naman ako umiiyak dahil hindi ko matanggap na naloko ako. Feeling ko kasi ang tanga-tanga ko." Sabi ko pa.
"Ganyan din yung sa akin, Pero mas masakit kasi minahal ko talaga noon si Winter." Sabi nya pa. Napatango-tango nalang ako. "Ayaw mo pa bang umuwi? Malapit na mag-gabi, ohh." Sabi nya tapos tinuro ang langit. Malapit na nga.
"Siguro, maya-maya na. Wala pa naman doon sila Mommy." Sabi ko at kumain ulit ng ice cream.
"Javier, hijo, bumaba muan kayo dito." Sigaw ng mommy nya galing sa ibaba. Agad din naman kaming kumilos ay nang bumaba kami ay marami parin namang tao sa ibaba.
"Dad, ayon na ang apo mo." Sabi ng Mommy nya at itinuro si Javier. Agad lumapit sa amin ang dalawang matanda.
"Binata ka na talaga. Sino ito? Bagong girlfriend mo ba?" Tanong sa amin ng matandang babae, muhkang lola nya.
"Naku, hindi po ako girlfriend ni Javier. Magkaibigan lang po kami." Ako na ang sumagot dahil baka kung ano pa ang isagot nya.
"Ayy, mabagal ang apo mo kumilos." Sabi nito, kausap ang isa pang matanda, lolo ni Javier.
"Torpe ka pala?" Parang nang-aasar na sabi ng lolo nya. Ako naman ay mahinang natawa nalang. Inakay kami ng mga ito papunta sa kusina at pinakain kami ng dala nilang cake. Kahit busog na ako ay pilit ko paring kinakain ang mga pinapakain nila sa akin dahil kaunti lang naman.
Maya-maya pa ay biglang naging mas maingay ang lahat dahil magkakaroon daw ng palaro. Wala pa sana akong balak sumali kaso, nagprisintang sasali si Javier. Ayon natalo kaming dalawa. Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng text kila Mommy na nandoon na daw sila sa bahay. Hinatid ako ni Javier sa bahay at hindi na sya pumasok sa loob.
"See you tomorrow." Nakangiting sabi ni Javier.
"See you." Nakangiti ding sabi ko. Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ni Chloe. Umiiyak nanaman dahil nag-iinarte nanaman.
"Saan ka galing? Buong araw ka daw wala sa bahay?" Tanong ni Kuya.
"Nagpunta ako sa birthday ng kaklase ko." Sagot ko at nag-aalam na na magpapahinga dahil sobrang nakakapagod kumain. Yes. Kumain.
- To Be Continued -
(Sun, October 17, 2021)