Chapter 13

1147 Words
Chapter 13 - Zoey's POV - Kinabukasan ay pagdating ko doon ay agad kaming pumunta sa stage upang simulan ang flag ceremony. Agad namang nagsimula ang flag ceremony at kaagad din nagsimula ang mga klase. Nagsimula na din akong i-check ang bawat corridors sa high school at college campus. May mga nakikita pa akong mga nagkakalat pero hindi na kasing dami ng dati. Mabibilang mo nalang sa kamay mo. Marami na ding nagbago sa buong school namin. Yung mga punong itinanim namin ay malalago na lahat at ang iba ay may mga bunga na. Dahil hindi naman daw ginagamit ang bakuran sa likod ng cafeteria, pinagawa ko nalang iyong taniman ng mga pagkain. Lumipas na din ang mga araw atnaging ok naman na ang lahat ng mga projects na ginagawa ko sa loob ng school. Doon ko nalang din itinuon ang buong atensyon ko sa mga kailangan kong gawin. Hindi din maiwasang maging maingay ang pangalan ng school dahil sa malaking pagbabago nito. Maraming mga visitors ang pumunta ng mga nakaraan at nakikita mo doon na satisfied sila sa mga naging resulta. Isang araw ay kakatapos lang ng mga klase namin nang biglang magyaya ang isang schoolmate namin na pumunta sa party nya. Kaarawan daw kasi nito at gusto nya din kaming imbitahin. Pumayag kaming lahat dahil wala naman kaming lahat gagawin. Umuwi muna kaming lahat dahil kailangan naming magbihis ng damit. Dahil, party nga ang pupuntahan namin ay naisipan kong magsuot ng fit dress na umaabot lang sa may kalahati ng hita ko. Pagbaba ko ay nagulat pa ako kasi nandoon na sila at hinihintay na ang pagbaba ko. Agad kaming umalis at nagpaalam ako sa kanila na hanggang 10 lang ako. Pumayag naman ang mga ito at ihahatid nalang daw nila ako. Pagdating namin sa party ay ang sobrang daming tao. Sa isang malaking hotel ginanap ang party ni Cathy dahil isa itong influencer at marami din itong kilalang mga artista. Pagpasok namin ay napatingin ang lahat sa amin, lalo na sa akin. "I didn't know, you're this famous." Sabi ni Jake. "Oo nga, you're incredibly famous." Sabi nito at humiwalay na sa akin. Nagsimula na silang humalo sa mga nagsasayaw habang ako naman ay naghanap nalang ng mauupuan ko dahil ayokong tumayo ng matagal. "Hi, miss." May biglang sumulpit sa kung saan at lumapit sa akin ang isang lalaki. "Ahm, hello?" "Can I know you're name?" "Because?" "Because I want to know the name of my future girlfriend." Sabi nito at biglang tumabi na sa akin. Agad naman akong umiwas sa kanya. "Sorry, huh. Pero, hindi kasi ako ang future girlfriend mo, ako ang susuntok sayo." Malakas kong sabi at agad syang sinuntok. Agad nagtinginan ang mga tao habang ako ay iwinasiwas ang kamay ko dahil masakit. "Alan!!" Sigaw ni Cathy. "Ano bang problema mo? Why did you punch him?" Galit na tanong nito sa akin. "Hinipian lang naman ako ng boyfriend mo. Alangan naman sapakin ko yan kung kinausap lang ako." Sabi ko. Dahil sa inis ko ay sinipa ko pa ang sapatos nito. "Bwesit ka, napakaharot mo, girlfriend mo pa pala ang may birthday." Sabi ko at umirap sa hangin at akmang aalis na ng pigilan ako ni Javier. "Saan ka pupunta?" Tanong nito sa akin. Kasama nya ngayon sila Jake. "Aalis na." Sabi ko. "Tara na, boring naman dito." Sabi nila at nauna nang umalis sa akin. Lahat kami sumakay ng kotse at doon lang ako nakapagtanong. "Saan na tayo pupunta?" Tanong ko. "Sa D' Bar tayo." Sabi ni Jake. Nang dumating kami doon parang may kasiyahang nangyayari. Ipinalibot ko ang paningin ko at nakita kong may dalawang taong nakatayo sa gitna. "Huh, si Kuya Jonny." Dahil wala ata ako sa utak ko ay kumaway ako sa kanya at di ko inaasahang kakaway din ito sa akin. Napatingin tuloy sa akin ang mga tao at agad lumapit sa akin si Ate Jenny. "Hi, Zoey." Bati nya sa akin at hinila ako. Napatingin naman ako sa mga kasama ko na nagtatakang nakatingin sa amin. "Ate, may kasama po ako." Nahihiyang sabi ko habang nasa mga kasama ko parin ang tingin. Pinaupo nya ako sa isang upuan at maya-maya lang ay kasunod na ang mga kasama ko. "Anong meron, ate?" Tanong ko sa kanya. "Engagement party ni Kuya." Sabi nya. Napatango-tango naman ako. Ang mga kasama ko naman ay nagtataka parin. "Guys, sya nga pala. Sya si Ate Jenny, kakambal sya ni Kuya Genson. Tapos, yung isa pa nilang kambal, engagement party nya ngayon." Nakangiting paliwanag ko. "So, triplets sila?" Tanong ni Jake. "Quadruplets." Sabi ko. "Zoey!!" Sigaw galing sa likod. Agad akong humarap at napangiti. "Kuya!!" Sigaw ko at yumakap sa kanya. "Kumusta?? Buti pumunta ka, ikaw lang ba?" Tanong nito. "Napadaan lang po kami dito." Nahihiyang sabi ko. "Ahh, ok." Sabi nito tapos tumawa nanaman. Lumapit ulit ako sa mga kasama ko na kumakain na doon. Napatingin naman ako doon sa batang malapit sa tabi ni Ate Jenny. "Hi, baby." Bati ko sa kanya at ngumiti. "Ang daming tao dito." Sabi ni Jake habang may hawak na alak. "Umiinom ka ba, Zoey?" Tanong ni Javier sa akin. Umiling naman ako sa kanya. "Zoey, kumusta na ang kuya mo?" Tanong ni Kuya Gerry sa tabi ko. "Kuya." Nakangiti kong sabi. "Naku, hindi ka pa nasanay sa kuya ko." Sabi ko tapos pareho kaming natawa. "Zoey, ilan ang taong kilala mo dito?" Tanong sa akin ni Solane. "Medyo kilala ko din naman halos ng tao dito. Tyaka, lumaki kasi akong dinadala kami dito ni Mommy." Sabi ko tapos uminom ng juice nabinigay ni Ate Jenny sa akin. Maya-maya pa ay nagsimula na ang totoong party at nakisaya na kami. Marami kaming nakilala na umatend lang din party. May mga artista doon na gusto na akong kunin dahil hindi daw sila makapaniwala sa ganda ko. Sobrang saya ng bawat oras at talagang ang lahat ay nagsasaya. Sa sobrang saya ay hindi na namin napansin ang oras. Malapit na mag-10 ng umuwi silang lahat. Nag-prisinta pa si Kuya Genson na ihatid kami dahil hindi naman sya unimon at kami ng mga kasama ko ay nakainom. "Uminom kayo ng advil bukas paggising nyo. Tyaka, uminom ng maraming tubig para hindi sumakit ang ulo nyo bukas. May pasok pa naman kayo bukas." Sabi nya habang nag-di-drive. Kami naman ay tumango nalang. Inuna nya munang ihatid ang mga kasama ko at kinausap nya pa ang parents nito at ipinaliwanag ang nangyari. Pagkatapos ay ako naman ang hinatid nya sa bahay at ako nalang ang hindi pa nakakauwi. "Ako nang bahala kila Tito, just rest well." Sabi nya na tinugunan ko nalang ng tango. Hindi naman ako masyadong nalasing. Kaya ko parin naman maglakad kahit papaano. Pero kagaya ng inaasahan, pagdating namin sa bahay ay inalalayan parin ako ni Kuya Genson papunta sa kwarto ko bago nya kinausap sila Mommy. - To Be Continued - (Sun, October 17, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD