Chapter 14

1165 Words
Chapter 14 - Zoey's POV - Dahil sa nangyaring pagsuntok ko sa babaerong boyfriend ni Cathy, nakipagbreak sya dito at naging viral din ito online. Maraming mga influencer na nakilala ko doon at nakilala ko sa party ni Kuya Jonny ang nagtanggol sa akin. Patuloy lang ang pagsikat ko online at parang lahat na ata ng tao ay kilala ako dahil palaging trending ang pangalan ko sa Twitter. Kamakailan lang din ng malaman kong may fans club na ako. Isang araw ay tahimik akong naglalakad sa isang hallway papuntang office namin ng biglang makarinig ako ng ingay. Parang may nagkakagulo sa loob ng office. Nagmadali akong kumilos at pagdating ko doon ay nandoon si Bryan at pilit pumapasok sa office namin. "Anong ginagawa mo dito?" Pagkasabi ko non ay agad silang napalingon sa akin. Dali-daling lumapit sa akin si Bryan at yumakap. "Babe, I miss you." Sabi nito tapos bumitaw na sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan nya ang pisnge ko at akmang hahalikan ako ng iiwas ko ang muhka ko at lumingon sa gilid ko. "Tsk. Namiss mo ako? Ehh, hindi nga babe ang tawagan nating dalawa, ehh." Walang emosyon kong sabi. Sya naman ay napatitig lang sa akin. "Zoey, please. Nagsisisi na ako. Wag ka namang ganito. Mahal na mahal kita." Sabi nya habang nagmamakaawa. "Promise, gagawin ko ang lahat para mabago ko ang kasalanan ko. Zoey, hindi ko kayang mawala ka kasi mahal na mahal kita. Patawarin mo na ako, please." Sabi nya pa habang nagmamakaawa parin at medyo umiiyak na. "Alam mo ba yung salitang 'ayoko na'? Kasi kung hindi, ipapaintindi ko sayo." Sabi ko at sinampal sya. "Para yan sa akin." Sinampal ulit sya. "Para yan sa pagpapamuhka mong tanga ako." Ngayon naman ay binigyan ko sya ng mag-asawang sampal. "Ayan naman para sa panloloko mo sa akin. Umalis ka na. Baka di na ako makapagpigil at mabugbog na talaga kita." Sabi ko at pumasok na sa loob ng office namin. Narinig ko namang dumating ang security at sila na miamo ang nagpaalis dito. Maya-maya pa ay dumating si Javier at sya lang mag-isa. Nagtataka at kunot-noo ko syang tinignan at nakita kong nakangiti lang sya sa akin. "Nasaan sila?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat ito bago naupo sa tabi ko at sumagot. "May pupuntahan daw sila. Napakadami mo naman kasing pinapagawa, ehh. Palagi tuloy kaming busy." Sabi nya habang tumatawa. Ako naman ay napairap nalang sa hangin. Biglang napatingin ako sa picture nya na malapit sa desk. "Kailan to?" Tanong ko. "Nung festival yan dito sa school." Sagot nya. Napatango-tango naman ako. Napatingin naman ako sa date na nasa ilalim nito at napaisip ako kung anong araw na ngayon. 'May apat na buwan pa.' Napatayo ako at nakita kong nagulat si Javier dahil doon. Ngumiti ako sa kanya habang nagtataka naman syang nakatingin sa akin. "Ipatawag lahat ang mga myembro ng bawat school. Mag-me-meeting tayo." Sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa kawalan. Si Javier namab ay nagtataka parin pero sumunod nalang. ________________________________ Ngayon ay nandito na lahat ng mga leaders sa bawat campus. Ang mga classroom presidents ay pinatawag ko din para malaman nila ang gagawin ko. "Good afternoon, sorry at nakaabala pa ako sa inyong lahat. Nais kong malaman nyo ang gagawin kong surprise sa buong students. At, para magawa iyon, kailangan ko ang tulong nyong lahat." Nakangiti kong sabi. Nagtataka naman silang lahat, kahit ang mga kasama ko. "Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ng isa classroom president na kasama namin. "Gagawa ako ng project. Tatawagin ko itong project: Surprise. At, kailangang walang student ang hindi susunod sa mga kailangan nating gawin kasi para sa mga students din naman to." Sabi ko. Napaisip naman ako dahil magkakaroon kami ng 1 month vacation bago iyon. Napatango-tango nalang ako. "Kailangan matapos na ito sa loob ng tatlong buwan." Sabi ko pa. ________________________________ Lumipas ang mga araw at naging mabilis ang proseso ng surpresa ko. Panay na ang tanong nila Jake kung ano daw ang surprise ko pero nanatili parin itong secreto at walang nakakaalam nito sa kanilang lahat. Alam kong napa-selfish ng ginagawa ko na ginagamit ko ang kapangyarihan ko bilang president ng council pero wala akong pakialam. Ang ginagawa ko naman ay sa ikabubuti at ikakasaya nila. Malapit na ang hinihintay kong araw. Malapit na din ang bakasyon namin. Mas madali ngang walang students ang makakita para walang makahula ng gagawin ko. Kukuha nalang akong mga taong pwedeng gumawa noon. Lumipas nanaman ang mga araw at nagkaroon na nga kami ng bakasyon. Agad akong pumunta sa Dynasty para manghingi ng tulong sa mga taong nandoon. Agad silang tumulong sa akin at mabilis din ang naging kilos ng mga taong tumulong sa akin. Araw-araw akong nasa school at binibisita ang ginagawang mga parte ng sorpresa ko. Nagsimula na din akong gumawa ng mga ididikit sa mga pader. Isang araw ay busy ako habang nasa bahay ng bigla akong pababain ni Kuya dahil may bisita daw ako. Agad akong nagtaka kung sino ang bisita ko pero agad din naman akong nagsisi dahil bumama pa ako kwarto ko. "Pati ba naman dito sa bahay, maggugulo ka?" Tanong ko sa kanya. Ayon nanaman ang nakakainis nyang tingin habang nagmamakaawa. "Zoey, please. Magbabago na ako. Kaya kong magbago para sayo. Mahal na mahal kita, Zoey." Sabi nya tapos hindi pa nakuntento, lumuhod pa sya sa harap ko. "Please, patawarin mo na ako. Alam kong hindi madali, alam kong hindi na magiging ganon ang tiwala mo sa akin pero–––" "Pero hindi mo na mababago ang isip ko." Matigas kong sabi. Dahan-dahan akong lumapit at tumitig ng matindi sa mga mata nya. "Oo hindi na magiging ganon ang tiwala ko." Sabi ko na ikinangiti nya. "Pero, hindi na din magiging ganon ang relasyon nating dalawa." Sabi ko at tinalikuran na sya. Narinig kong nagsalita si Kuya hanggang sa makaalis na si Bryan. Nang bumalik ako sa sala ay naroon na ang pamilya ko ay takang nakatingin sa akin. "Anong nagyari?" Tanong ni Kuya. "He cheated on me." Walang emosyon kong sabi. Nag-iwas ako ng tingin at napabuntong-hininga. Lumapit naman si Mommy sa akin para yakapin at pagaanin ang loob ko. "At, napatawad mo na sya kaagad?" Tanong ni Dad. "Yeah–––" "No." Sabi ni Kuya. "May iba ka na, Zoey." Sabi ni Kuya na ipinagtaka ko. Napakurap-kurap ako at napakunot-noo. "Anong sinasabi mo, kuya?" "Sino ba talaga ang nag-cheat? Ikaw o sya?" Sabi pa nito. "Sya!!" Sigaw kong sagot at ikinumpas pa ang kamay ko, tinuturo ang nasa labas kung nasaan kanina si Bryan. "Talaga lang, ha? Akala mo ba hindi ko alam yung mga paglabas-labas mo na kasama yung Javier na yon? Wag mo akong sigaw dahil mas matanda parin ako sayo, Zoey." Sabi nya at ako naman ay nalito dahil wala namang koneksyon iyon sa tanong ko. "Kuya, mali ka. Wala ka namang naiintindihan, ehh. Wala kang alam." Sabi ko at umakyat na ng kwarto ko. - To Be Continued - (Mon, October 18, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD