Chapter 15
- Zoey's POV -
Nandito ako ngayon sa office ko at panay na ang tanong ng lahat sa akin ngayon pero panay lang ang ngiti ko sa kanilang lahat. Lahat ng sinasabi ko ay madali nilang ginagawa para lang malaman kung ano ang sorpresa ko sa kanilang lahat.
Ngayon ay kailangan ko nang simulan ang flag ceremony at sobrang ingay ngayon sa buong school. Nakangiti akong tumayo sa kanilang lahat alam kong ipagtataka nilang lahat dahil masyadong matanong ang students na to.
"Good morning, students. Meron bang nakakaalm kung anong araw ngayon?" Nakangiti kong tanong. Agad naman silang napaisip lahat.
"Birthday mo?!" Sigaw ng isa. Natatawang umiling naman ako.
"Pagkatapos ng flag ceremony, matatapos na ang pag-iisip nyo." Natatawag sabi ko at umingay agad ang paligid dahil sa reklamo nila at pamimilit pero wala akong pinakinggan sa kanila. Sumunod naman sila sa gusto ko at walang reklamo.
Nang matapos ang flag ceremony at nakangiti ulit akong humrap sa kanilang lahat. Alam kong pati mga kasama ko ay gusto na ding malaman pero alam nilang hindi ko sila sassagutin ngayon. Ngumiti ako at nagtanong sa kanila.
"Kailan ang festival ng school?" Tanong ko. Napaisip silang lahat at may sumuigaw.
"Ngayon!" Sigaw ng isa. Pumalakpak naman ako.
"Kung ganon, Happy Festival." Nakangiti kong sabi at sinenyasan na ang mga taong nakaantabay na buksan na ang mga ihinanda ko. "Walang liliban sa ball sa Friday, maliwanag?" Nakangiti kong sabi at umalis na doon. Pagtalikod ko at natawa ako sa ganda din ng tingin nila sa pinagawa ko para sa festival.
"Wow." Mahinang sabi ni Jake.
"Sa Friday ang ball. Walang hindi aattend." Sabi ko pa. Napatingin din ako sa mga tinitignan nila at ang ibang students ay gumagawa na ng team nila at ang iba naman ay pumasok na sa mga booth hindi na kailangan ng students.
________________________________
Nang lumipas ang lunch ay marami ng mga booth ang nakatayo na at ayos na. May mga nagbebenta na ng milktea, burgers, fries, at iba pang pwedeng kainin sa loob ng school. May nagbebenta din ng beer na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Kahit na maraming tao ay marami paring sumusunod sa mga batas na nasa loob ng school. May photo booth, may horror house, may movie theather din. Hindi lang mga students ang nakikita kong nagsasaya, nakikita ko din ang ibang teacher na pumapasok sa ibang booth.
Habang kami ay nagkahiwa-hiwalay na dahil may kanya-kanya kaming gustong puntahan. Hindi ko nga alam kung may kasama pa ba ako o wala na, ehh. Ang alam ko kasi ay wala na akong kasama dahil hindi na nila ako pinansin ng magkanya-kanya kami.
"Zoey." Biglang may nagsalita sa tabi ko. Nagulat ako ng makitang nandoon pa si Gavin. "Gusto mo ng ice cream?" Tanong nya sa akin. Napaisip ako at tumango sa kanya. Bigla syang nawala at pagkatapos ay bigla ding sumulpot ng may dala nang dalawang ice cream.
"Thank you." Sabi ko tapos tinikman ang ice cream na binili nya. Kulay puti ito pero lasang strawberry na hindi ko maintindihan. "Anong flavor to?" Tanong ko sa kanya.
"Strawberry season." Sagot nya. Napatango-tango namanako. "Ayaw mo ba?" Biglang nyang tanong.
"Hindi. Masarap kasi kaya tinatanong ko kung anong flavor." Sabi ko tapos ngumiti sa kanya. Sya naman ay parang natunaw na hindi ko maintindihan kasi nakatitig lang sya sa akin. Ipinalibot ko ang buong paningin ko sa paligid at biglang pumasok sa isip ko na may nakalimutan pala akong sabihin.
"Everyone!" Sigaw ko. Ang iba lang ang nakarinig sa akin at medyo maingay din. Bigla ay parang nasa akin talaga ang panig ng langit dahil may nakita akong megaphone sa may gilid ko. Agad ko iyong binuksan at nagsalita. "Hello, hello. Ayan. Guys, I want to inform all of you about the show in Wednesday. Yon lang, nakalimutan ko kasi kanina." Sabi ko. Agad umingay ang paligid at excitement ang isinisigaw nito.
"May artista po ba?" Tanong ng isang student.
"Yes, marami. At, mag-bro-broadcast din ang isang tv station dito kasabay ng show." Sabi ko kaya agad silang na-excite lahat. Nagsibalikan na ulit sila sa mga ginagawa nila at ibinalik ko na din ang ginamit ko.
"Pinaghandaan mo talaga ang festival nato, ahh?" Biglang tanong ni Gavin. Nakangiting napatango-tango nalang ako. "Buti nagawa mo to ng tinatago sa buong school, kahit sa amin." Natatawang sabi nya.
"Gusto nyo kasi palagi ng sorpresa, kaya gagawin nyo lahat para roon. Worth it naman lahat ng ginawa nyo." Sabi ko at kinain na ang ice cream ko.
"Zoey, Gavin!" Sigaw galing sa likod namin. Biglang sumulpot doon sila Jake at tumatakbo papalapit sa amin.
"Bakit?" Tanong ko.
"Tara, punta tayo ng photo booth." Sabi nito at agad akong hinila. Nang makarating kami doon ay kompleto na kaming lahat. Nandoon na si Solane at bigla akong sinuotan ng kung ano. Agad akong nagpose dahil may limang segondo nalang kami.
Nakangiti ako at mabilis kaming nagpalit ng kung ano-ano sa mga katawan namin at ngumiti lang ng ngumiti sa harap ng camera. Nang matapos ay nag-uuhan kaming kuhanin ang litrato. At si Jake ang nakakuha noon dahil sya ang malapit sa monitor.
"Ang ganda!!" Sigaw nya. "Ipaframe natin to." Sabi nya tapos ipinakita sa amin ang litrato. Lahat kami ay namangha sa ganda ng litrato naming lahat.
"Pahingi ako copy, ha?" Sabay-sabay naming sabi at lahat nalang kami ay natawa. Lumabas na kami doon at nagulat ako ng bigla kaming ipinasok doon ni Javier.
"Picture kayong dalawa." Sabi ni Jake galing sa labas ng photo booth. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Javier at nagulat kami ng biglang kumuha ito.
"Hala, di pa ako ready." Sabi ko at umayos na. Sya naman ay ngumiti din at umakbay pa. Napatingin naman ako sa braso nyang nasa balikat ko. Ayon, bigla nanamang kumuha ng nakatingin nanaman ako kay Javier.
Bigla kong niyakap si Javier at nagulat din ito. Ngumiti ako ng malaki at nakuhaan na ako ng maayos. Maya-maya pa ay biglang yumakap din sa akin si Javier at natatawa nanaman kaming nakuhanan ng litrato. Paglabas namin ay napasimangot ako kasi parang hindi kami nakuhaan ng maayos. Habang si Javier ay anlaki ng ngiti dahil maayos ang lahat ng kuha nya.
"Wow, may payakap pa." Sabi ni Jake.
"Kayo naman ni Gavin." Sabi ni Solane at pinapasok nanaman ako pero si Gavin naman ang kasama. Ngumiti ako sa kanya at kumuha ng gamit na naroon at isinuot sa kanya. Tatawa nyang isinuot at bigla din akong sinuotan ng shades na naroon.
Sabay kami napangiti at nagpalit-palit ng pose hanggang sa matapos ang litrato at tatawa-tawa parin kaming dalawa. Paglabas namin ay sila Jake naman ang pumasok. Pagkatapos ay ipinasok naman nila si Gavin. Kung kanina ay tatlo lang sila, ngayon ay apat na sila doon.
Pagkatapos nila ay kami naman ni Solan ang pumasok. Palabas na sana kami ng bigla nilang ipasok si Lexi. Halatang labag sa loob nito ang kumuha ng litrato kasama namin pero tinawanan lang namin sya ni Solane. Nang matapos kami ay nagsabi lang ito na manghihingi ng copy bago umalis.
"Sa Wednesday, may pageant." Sigaw ko. Taka naman silang tumingin sa akin. Ngumiti lang ako at nagsimula nang maglakad. Agad din naman silang sumunod sa akin at naglakad na kami at pumunta pa sa ibang booth.
- To Be Continued -
(Tue, October 19, 2021)