Chapter 16

1154 Words
Chapter 16 - Zoey's POV - Ngayon ay nandito kami sa bahay at talagang masaya ang nangyaring festival ngayon. Kanina kasi pinacopy namin ang mga litrato namin. Ngayon ay naisipan nilang pumunta dito sa bahay ng hindi ko alam kung bakit. "Grabe, ang laki pala talaga ng bahay nyo. Mas malaki sya titgnan sya loob kesa sa labas." Sabi ni Harvey. "May gagawin pa ba kayo?" Tanong ko. "Wala na." Sagot nilang lahat. "Kung ganon, magsiuwi na kayo." Sabi ko. Sinadya kong ipamuhka sa kanilang pinapaalis ko na sila. "Wag mo munag paalisin ang mga kaibigan mo, Zoey." Sabi ni Kuya at inabutan sila ng pagkain. "Oo nga. Mamaya na kami uuwi. Maaga pa naman." Sabi nila at naupo na sa sala. "Anong magandang movie?" Tanong ni Jake. "Maraming magagandang palabay yan si Zoey sa flash drive nya. Zoey, kunin mo muna." Sabi nya sa akin. Agad akong tumayo at kinuha ang sinasabi ni Kuya. Nang makabalik ako ay ready na ang papanuuran namin, papanuurin nalang ang hinihintay. "Ito na." Sabi ko at iniabot kay Kuya ang flash drive na hinihingi nya. "Baka akin, to, ah?" Tanong nya. Napakunot naman ang noo ko. "Bakit ko naman kukunin yung sayo kung akin ang hinihingi mo." Mataray kong sabi. Agad nyang isinaksak at nanlaki ang mata ng mga kasama namin dahil sa lumabas sa screen. "Zoey!!" Sigaw ni Kuya at naghahanap ng maiibato sa akin dahil hindi nya pwedeng ibato sa akin ang hawak nya. Tatawa-tawa akong bumalik at naupo sa tabi ng mga kasama namin. "Grabe, ang dami, ahh?" Gulat na sabi ni Solane. Lalo naman akong natawa. "Lagot ka talaga sa akin, Zoey." Sabi ni Kuya habang makikita mo na ang pamumula ng tenga nya. Ibinigay ko na ang totoo kong flash drive at agad din naman nyang isinalang. Nang makaupo sya ay biga nya akong binatukan. Natural, napaaray ako dahil sa lakas non. Nagsimula na ang movie at nang matapos iyon ay agad ding umuwi ang mga kaibigan ko. Nang maihatid ko na sila sa labas ng bahay ay agad din akong pumasok sa kwarto ko. ________________________________ Lumipas na ang ilang araw at dumating na ang Wednesday. Kakatapos lang ng program kami na at magkakaroon kami ng overnight ngayong gabi dito sa bahay. Marami na kaming nakalabas na unan dito at nandito lang kaming lahat sa sala. Wala kasi kaming pasok bukas kaya naisipan naming mag-overnight nalang dito sa bahay. Umuwi muna silang lahat para kumuha ng damit pangtulog at pang-bihis kinabukasan. Pagbalik nila ay sabay-sabay kaming naghanpunan. Nandito kami ngayon sa sala at nandito ang magkakatabi naming mga higaan. Kumakain kami ng snacks ngayon at nakaupo lang sa sofa at sahig na may mga unan. Nanonood kami ng movie at kakatapos lang non. "Gusto ko nang matulog." Reklamo ko. "Ang arte mo naman." Sabat ni Kuya. "Bakit ka ulit nandito?" Tanong ko na nagpatahimik sa kanya at nagpatawa sa mga kasama namin. "Dito ulit tayo sa bahay nyo sa friday." Sabi ni Jake. "Wag na. Baka anong oras na tayo makauwi noon. Itutulog na nga lang natin, ipupunta nyo pa dito." Sabi ko na nagpanguso kay Jake. Sumang-ayon naman ang lahat sa akin. Maya-maya pa ay di ko na kinaya ang antok ko at nakatulog na ako. - Javier's POV - Nandito sa tabi ko ngayon si Zoey at parang natutulog na kasi naririnig ko ang mahina nyang paghilik. Nang humarap ako sa kanya ay nakita kong nakapikit na nga sya at natutulog na nga. Tahimik akong natawa at akmang bubuhatin sya ng tumingin sa akin ang mga kasama namin. "Saan mo dadalhin si Zoey?" Tanong nila sa akin. "Tulog na." Sabi ko at itinuro si Zoey. Napatango-tango naman sila at akmang bubuhatin ko na sya ng unahan ako ng kuya nya. Wala na akong nagawa kung hindi ang maupo nalang ulit at tignan si Zoey mula sa kinauupuan naming lahat. Hanggang sa tamadin na akong manuod at tumabi na ako kay Zoey. Pinanood ko syang mahinang humilik at mahinang huminga. Maya-maya ay gumalaw ito at parang may hinahanap. Bigla nya akong nahawakan at bigla akong niyakap. Masarap na ang pagkakahiga ko at sya mismo ang yumakap sa akin. Yung lumapit pa talaga sya para lang yakapin ako. Wala akong ginawa para yakapin nya ako. "Teddy." Parang nagpapacute na sabi nito. Napalunok naman ako dahil may natatamaan ang paa nya na hindi dapat tamaan. Ipinikit ko nalang ang mata ko para matulog at mabuti nalang ay kaagad din akong kinain ng antok. - Xander's POV - Kakatapos lang ng movie at si Zoey palang ang natutulog. Pero pagtingin namin kay Zoey ay katabi na nito si Javier at magkayakap pa ang dalawa. Agad napakunot ang noo ko dahil sa postura nilang dalawa. Kung magyakap sila ay parang mag-asawa na sila. Simula palang noon ay naiinis na ako sa Javier na to. Marami kasi akong naririnig na mga balita na babaero daw ito at marami nang napaiyak na babae. Ayokong maisama nya sa listahan nya ang kapatid ko. Kahit na parang kayang magpataob non ng apat na lalaki. Napapansin ko din ang pagiging malapit nilang dalawa ni Zoey. Kahit anong gawin kong pagpapalayo kay Zoey ay patuloy parin ang paglapit nya kay Javier. Minsan, kahit anong talino ng kapatid ko, may pagka-ingot parin sya minsan. Natutulog na ang lahat ngayon habang ako ay hindi parin makatulog. Katabi ko kasi ngayon sila Zoey at Javier at binabantayan ko ang kamay ng lalaking kayakap nya. Parang gusto kong masuka dahil sa pagkakayakap sa kanya ng kapatid ko. 'Minsan talaga, may pagkamalandi din tong kapatid ko, ehh.' Kinabukasan. . . - Zoey's POV - Paggising ko ay nakaalis na daw ang mga kaibigan ko. Ang naiwan nalang na naroon ay si Javier. Sabi nya ay sasabay na daw syang mag-almusal sa amin. Kakatapos lang ng agahan namin at hindi ko alam kung anong meron sa tingin nilang lahat, lalo na ng kay kuya. Yung parang nandidiri sya at gusto nyang sumuka. Nang makaalis na si Javier ay nilapitan ko na si Kuya at kinausap kung bakit ganon sya makatingin. Naiinis na din kasi ako sa paraan ng pagtingin nya na parang ewan. "Hoy, kuya." Tawag ko sa kanya. "Kanina ko pa napapansin yang tingin mo." Sabi ko pa. "May gusto ka ba kay Javier?" Kaagad nyang tanong bago ako hinarap. Napakunot naman ang noo ko at tinatago ang hiya ko. "Bakit bigla mo yang natanong?" Naiinis ko kunwaring tanong. "May gusto ka ba sa kanya?" Tanong pa ulit nito. "Hindi!" Inis kong sagot. Pagtalikod ko ay nagulat ako ng makita si Javier. "Javier, may nakalimutan ka?" Naiilang kong tanong. "Oo, yung wallet ko." Sagot nya at ngumiti. Agad ko din namang kinuha iyon at ibinigay sa kanya. Ngumiti sya at nagpasalamat. "Salamat, ahh? See you tomorrow." Sabi nya tapos umalis na kaagad. Ako naman ay napaisip kung narinig nya ba ang pinag-usapan namin ni kuya o hindi. - To Be Continued - (Wed, October 20, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD