Chapter 17

1127 Words
Chapter 17 - Javier's POV - Tahimik akong naghahanda na sa pag-alis at kakatapos lang namin kumain kanina. Aaminin kong naging masaya ako buong gabi dahil sa kulitan namin ng mga kaibigan ko. Kahit na ganon, hindi parin ako gaanong tumatawa at ngumiti sa harap nila, maliban sa harap ni Zoey. Napansin ko ding nitong mga nakaraang araw ay panay ang pag-iisip at pag-aalala ko sa kanya sa hindi malamang dahilan. Bumibilib din ako sa kanya dahil kahit kakagaling nya lang ng break-up, nasorpresa pa nya kaming lahat. Pero nung ako ang nasa kalagayan nya noong lokohin at iwan ako ni Winter ay ilang buwan akong nagmaktol at nagrebelde dahil sa sakit na idinulot noon sa akin. Alam kong hindi maganda ang gonawa ko pero anong magagawa ko? Nasaktan lang naman ako noon. Aaminin ko na hindi ko na din maiwasang isipin kung bakit nagiging ganito ako ngayon. Kung bakit parang nagiging malambot nanaman ako sa harap nya, actually ito ang una. Hindi naman kasi ako ganito noon sa harap ni Winter. Hindi ko na din maiwasang tanungin ang sarili ko kung may gusto na ba ako kay Zoey. May parte sa akin na sumasagot ng Oo pero mas malaki ang parte ng hindi pa pwede. Hindi pa kasi nakakatagal ang break-up nya at baka mapahiya lang ako kapag umamin ako na ako mismo ay hindi parin naman sigurado. Dahil hindi ko makapa ang wallet ko at muhkang nakalimutan ko ito sa loob ay pumasok ulit ako at nagpunta ng kusina dahil nandoon ko iyon naiwan. Pagdating ko ay nakatayo si Zoey sa harap ko at parang nag-aaway nanaman sila ng Kuya nya. "May gusto ka ba kay Javier?" Tanong ni Xander na nagpahinto sa sistema ko. Silang dalawa lang ang nandito ngayon at parang nag-aaway nga. Tungkol... sa akin? "Bakit bigla mo yang naitanong?" Tanong ni Zoey na medyo parang natatawa pa na parang nagbibiro lang ang kuya nya kahit na napakaseryoso nito. Bigla namang nagtama ang paningin namin ni Xander. "May gusto ka ba sa kanya?" Tanong pa nito habang nakatingin ng deritso sa akin. "Hindi!" Biglang sigaw ni Zoey. Biglang bumakas sa muhka ko ang gulat at panghihinayang. Napalunok ako at biglang namula ang mata ko at parang umiinit din iyon. Napalunok nalang ulit ako at mabilis at pinilit kong baguhin ang sarili ko ng biglang humarap si Zoey. "Javier, may nakalimutan ka?" Tanong nito na parang wala syang sinabi tungkol sa akin kani-kanina lang. Napalunok ako at nagdadasal na sana hindi ako mautal. "Oo, yung wallet ko." Sabi ko at ngumiti ng peke pero yung parang hindi. Agad nya iyong kinuha at ibinigay sa akin. Ngumiti ako ulit at pilit na tinatago ang luha ko. "Salamat, ahh? See you tomorrow." Sabi ko tapos umalis na agad dahil hindi ko na kayang pigilan ang luha ko. Pagsakay ko ng kotse ay biglang bumuhos ang luha ko. Hindi ko na ito napigilan at hinayaan nalang kung anong gusto nito. Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng bahay ng malabo ang paningin ko dahil sa luha ko. Pagpasok ko ay agad akong sinalubong ni Mommy. "Anong nangyari sayo?" Nag-aalalang tanong ni Mommy. Pumasok kami ng bahay at nakita kong nasa sala si Daddy na nakamasid din sa amin. "Mommy..." Mahina kong sabi tapos biglang bumuhos nanaman ang mga luha ko. Agad nya akong niyakap at doon na lumabas ang malakas kong hikbi. "Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla ka nalang umiiyak?" Tanong nya sa akin. Pero hindi ko na sya nasagot dahil sa malakas kong hikbi at dinadamdam. - Xander's POV - Hanggang ngayong umaga ay naiinis parin ako. Panay ang tingin ni Zoey sa akin kanina habang nag-aagahan pero mas sinasamaan ko sya ng tingin. Wala anman syang kasalanan, naiinis lang talaga ako kasi parang lumalandi na ito kaagad. "Hoy, kuya." Tawag nya sa akin nang makaalis na ang mga kaibigan namin. "Kanina ko pa napapansin yang tingin mo." Dagdag nya pa. Sumama nanaman ang muhka ko at sinamaan ulit sya ng tingin. "May gusto ka ba kay Javier?" Diretso kong tanong kay Zoey. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito at pamumula nya. 'Anak ng lupa...' "Bakit bigla mo yang naitanong?" Tanong nya habang hindi parin makatingin sa akin. 'Puny*ta ka, Zoey.' Bigla ay nakita ko si Javier sa likod nya at nakatingin kami ngayon sa isa't isa. "May gusto ka ba sa kanya?" Tanong ko ulit habang nakatingin parin kay Javier. Gusto kong ipamuhka sa kanya ang magiging sagot ng kapatid ko para tumigil na sya. "Hindi!" Sigaw ni Zoey. 'Puny*ta talaga.' Napamuhka ako sa isip ko dahil nagulat ako ng makita ko mismo ang naging reaksyon ni Javier. Hindi ko alam pero parang hindi ko na alam ang nangyayari. Parang mali, ehh. May gusto si Javier sa kapatid ko, mali. May gusto sila sa isa't isa. Hindi ko sila pinansin at nauna nang umalis doon. Hindi ko alam pero may parte sa aking natutuwa dahil may nararamdaman din si Javier sa kanya pero meron ding parte sa akin na ayaw paniwalaan ang nakita ko, ang mismong nakita ko na. - Third Person' POV - Kinagabihan ay tahimik nang natutulog si Javier at doon na lumabas ng kwarto ang kanyang ina. Nag-aalala si Lucia para sa anak dahil parang hindi pa nito kaya ang nangyaring sakit na idinulot ng dati nitong nobya, at ngayon ay meron nanaman. Naalala sya ang mga araw na nagrerebelde ito. Palagi itong may bugbog sa asawa nya dahil hindi na ito marunong sumunod at pinapabayaan na din nito ang sarili nya. Lasing din ito kung umuwi palagi. Tahimik syang naglakad papuntang papunta sa aklatan ng mahal nyang asawa at naupo sa tabi nito. Agad sya nito binigyan ng halik ng makaupo sya sa tabi nito at nagpatuloy ulit sa ginagawa nito. "Sinabi nya na sa akin ang nagyari." Malungkot nyang sabi. "Muhkang nasaktan talaga sya sa sinabi ni Zoey." Sabi nya pa habang ang asawa nya ay tahimik lang at nagpapatuloy lang sa ginagawa nito. "Bakit, ano bang sinabi sa kanya nung bata?" Sa wakas ay nagsalita na ito. "Hindi nya daw matanggap na hindi sya gusto ni Zoey." Sabi nya. Ang asawa nya naman ay napatingil sa ginagawa nito at napatingin sa kanya. "Wag mong sabihing may gusto si Javier sa batang babaeng iyon." Gulat nito sabi. Sya naman ay napabuntong-hininga nalang. "Mabait naman si Zoey. Alam naman nating pareho iyon, hindi ba? Pero anong magagawa natin? Hindi naman natin sya pwedeng pakiusapan na gustuhin ang binata natin." Nag-aalala nyang sabi. "May gusto ba talaga sya kay Zoey?" Nagdududa paring tanong ni Manuel. "Iiyak ba na parang bata ang anak mo kung wala syang gusto sa dalagang iyon?" Tanong nya pa. Napabuntong-hininga nalang ang asawa nya. - To Be Continued - (Wed, October 20, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD