Chapter 18

1738 Words
Chapter 18 - Zoey's POV - Ngayon ay naghahanda na ako sa Ball. Ngayon lang ako makaka-attend ng ganito kaya gusto kong maganda ako. Dahil hindi ko alam kung sino ang makakapartner ko ay tinawagan ko nalang si Javier. Wala pang ilang minuto ay sinagot na niya agad ako. "Hello? Javier, may partner ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Wala pa naman? Bakit mo natanong?" "Gusto mo, ako nalang? Wala kasi akong partner." Sagot ko habang nakasimangot. "Sige, susunduin kita sa bahay nyo mamaya." Sabi nya tapos binabaan na ako ng tawag. Agad akong naghanda ng sarili ko at makalipas lang ang ilang minuto si Mommy at dala-dala na ang isusuot ko. "Oh, my god." Parang natulalang sabi ni Mommy. "You're gorgeousーーー no, you're perfect." Sabi nito at ibinigay na sa akin ang ball gown ko at lumabas dahil magbibihis na ako. Pagkatapos kong magbihis ay tumingin ako sa life-sized mirror na nasa kwarto ko. "Ang... ganda... ng suot ko." Sabi ko at tumalikod na para bumaba. Pagbaba ko ay nakita kong marami silang ginagawa pero napahinto ng makitang pababa na ako. Napangiti ako ng makitang nandoon na si Javier at kausap si Kuya. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan dahil ayokong madapa, nakakahiya. Nang makalapit ako sa kanya ay tulala pa rin itong nakatitig sa akin na parang gusto nya akong tunawin sa titig nya. "Hoy, Javier." Tawag ko sa kanya. "Javier." Tawag ko pa sa kanya. "Hoy!!" Malakas ko pa uling tawag sa kanya. Doon na sya mukhang natauhan. Natawa ako ng mahina dahil sa kanya at humawak na sa braso nya. - Xander's POV - Ngayon ay nandito kami sa baba at hinihintay bumaba si Zoey. Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon. Iniisip ko kung ok na ba ngayon si Javier. Baka hindi na kumakain iyon at nagpapaka lasing na. Maya-maya pa ay biglang bumaba si Mommy at parang sobrang excited nya. "Ang ganda ni Zoey." Sabi nya. Maya-maya pa ay may dumating na sasakyan sa harap namin at huminto doon. Lahat kami ay nagtataka dahil wala pa naman daw partner si Zoey pero may tao na ngayon na parang susundo sa kanya. Nagulat kami ng makita naming si Javier ang bumaba sa kotse na dumating at pumasok ng bahay namin. Agad itong bumati sa mga magulang namin pero ako ay nakatitig lang sa kanya. 'Kahit kailan talaga, hindi mapaghiwalay ang dalawang to.' Tumabi ito ng tayo sa akin at saglit lang tumingin bago nag-iwas. Natahimik kaming dalawa ng dahil sa hindi malamang dahilan bago ulit ako magsalita. "May gusto ka ba kay Zoey?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya ng diretso sa mata ko bago nagkibit-balikat. "Hindi pa ako sigurado." Sagot nya at napatitig sa kung saan. Ako naman ay napangiwi. Halata naman na kasi silang dalawa, tumatanggi pa. Maya-maya pa ay bumaba na si Zoey at napatulala kaming lahat dahil sa ganda ng make-up nya at kung paano iyon bumagay sa suot niya ngayon. Maya-maya pa ay lumapit na sya kay Javier at ang lalaki naman ay nakatulala parin sa kanya. Tinawag na sya ni Zoey ng tatlong beses pero hindi parin natauhan. 'Iyan ba ang walang gusto sa kapatid ko?' - Javier's POV - Buo na ang pasya kong hindi na ako pupunta sa ball at gusto ko nalang itulog ang buong gabi ko katulad ng ginawa ko kagabi. Tahimik lang akong natutulog at bigla nalang akong tumayo at naligo at naghanda para sa ball. Nasa kalagitnaan ako ng pagsusuot ng tie ko ng biglang tumunog ang phone ko at nakita kong tumatawag doon si Zoey. Itinigil ko muna ang pag-aayos ng tie ko at sinagot ang tawag ni Zoey sa akin. "Hello? Javier, may partner ka na ba?" "Wala pa naman? Bakit mo natanong?" Hindi ko nalang pinahalata ang pagtataka ko. "Gusto mo, ako nalang? Wala kasi akong partner." Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong nya at itinago kaagad ang saya. "Sige, susunduin kita sa bahay nyo mamaya." Masayang sabi ko. Pinatayan ko na sya ng tawag at nagmadali na agad akong mag-ayos at dumiretso na agad sa bahay nila Zoey. - Zoey's POV - Pagdating namin ni Javier sa school ay marami nang taoang naroon. Ang kaninang mga co-students namin na may kanya-kanyang ginagawa ay bigla naming naagawa ang atensyon nila. Nakangiting isinabit ko kay Javier ang braso ko. "Bagay sila." Sabi nila. Ako naman ay napatingin kay Javier na kanina pa nakatingin sa akin. "May problema ba?" Tanong ko. Umiling naman ito. "Bakit kanina ka pa nakatitig sa akin?" Tanong ko sa kanya. "Ang gandaーーー" "Ng damit ko? Naku, salamat. Binili pa namin to from paris." Pagputol ko sa sasabihin nya. "Hindi ang ibig kong sabihin nungーーー" "Sapatos ko. Oo, binili pa namin to ng korea." Pagputol ko. "Hindi! I mean, ikaw." Sabi nya. Umirap naman ako sa hangin dahil alam ko na talagang mangyayari to. Lumipas ang oras ay naging masaya naman ang buong ball. Sayang lang at hindi ako makakilos ng maayos dahil sa suot kong gown. Ang gaganda din ng mga tugtog na napili ng DJ at talaga namang gusto kong magsayaw doon sa dance floor. Ang damit ko lang talaga ang problema. Maya-maya pa biglang nagsiupuan na ang mga estudyante ng tumigil na ang tugtog. Ibig sabihin, papalitan na ulit ng bago. Maya-maya pa ay bigla ulit tumugtog at mabagal na song naman ngayon ang tumutunog at tumayo naman ulit ang ibang mga tao. 'This is it.' Akmang tatayo na ako ng biglang tumambad sa harap ko si Javier at nakaharap pa sa akin ang palad nya. 'Owemji, niyaya nya ba ako?' "Can we dance?" Tanong nya. 'Hala!!!' "Uhm. Yes." Sabi ko habang nagpipigil ng tili. Dahan-dahan kaming nglakad papunta sa gitna ng dance floor at inilagay ko ang isa kong kamay sa balikat nya. "You look so beautiful tonight." Bigla nyang sabi na nagpapula sa pisnge ko. "Thanks." Sabi ko at nag-iwas ng tingin dahil baka mahalata nya ang pamumula ng pisnge ko. "Get ready for our announcement about the King and Queen of prom." Biglang singit ng emcee. Nagpatuloy pa ang pagtugtog ng kanta at talagang nag-e-enjoy kaming dalawa ni Javier. "Ang sarap mo palang kasayaw?" Natatawang sabi nya. Napangiti naman ako sa kanya. "Ewan ko sayo." Natatawang sabi ko at umirap sa hangin. "Totoo nga." Natatawa na din nyang sabi. "Ehh, bakit tumatawa ka?" Tanong ko pa, naiinis. "Hindi naman, ahh?" Sabi nya pa at mas lalong natawa. Maya-maya pa ay napatigil sya sa pagtawa at napatitig sa akin. Matagal syang nakatitig sa akin habang nakangiti, at ganon lang sya ng ilang minuto. "M-May problema ba?" Hindi ko na napigilan syang tanungin. "Wala naman." Nakangiti nyang sabi. "May dumi ba ang muhka ko?" Tanong ko pa. "Ang ganda mo. Ang sarap mo lang titigan." Dahil sa sinabi nyang iyon ay namula nanaman ang pisnge, kailangan ko nanaman tuloy mag-iwas dahil baka mahalata nya ang pagmumula nito. "Time's up!!" Sigaw ng emcee. Lahat kaming mga nagsasayaw sa dance floor kanina ay agad kumilos at nagsiblikan sa mga upuan namin. "Napaka-energetic naman talaga ng Cypress ngayong gabi. At, napakasweet naman ng sayaw nyo kanina. Lalo na ng napili naming Prom King and Queen ngayong gabi." Nakangiting sabi nito. "Ready na ba kayo?" "Oo!!" Sigaw naming lahat. "Ok, ito na. Hawak ko na ngayon ang papel na naglalaman ng result kung sino sila." Nakangitiing sabi nito. "Ang ating Prom King and Queen tonight ay sina...." Pagpapabitin nito at inilabas ang isang papel sa envelope na hawak nya. "... Javier Desai and Zoey McHale!!! Congratulations!!!" Sogaw nito at sinundan ng palakpak ng mga students. Ako anman ay hindi nalang pinapansin ang paligid ko kasi wala naman talaga sa utak ko ang prom queen na yan. Tyaka, wala akong pake sa kanya. Kanya na si Javier, bagay naman silang dalawa. Tsk. "Zoey." Tawag sa aking galing sa tabi ko. Nang tignan ko ay si Javier iyon. "Tara na. Hinihintay na nila tayo doon." Sabi nya kaya nalito ako. Tumayo nalang ako pero wala talaga akong kaalam-alam. "Bagay sila." "I ship na sila." "Saan kaya ako makakahanap ng sarili kong Zoey?" "Zoey, akin ka nalang!!" "Javier!!! Ang pogi mo!!" Ilan lang iyan sa mga naririnig naming ingay sa paligid. Ang iba ay gusto si Javier habang ang iba ay ako naman. Ngayon lang nag-sink in sa akin na ako pala ang tinawag kanina. "Nababaliw na talaga ako." Sabi ko sa sarili ko. "Sa akin?" Biglang sabat ni Javier. Nandito kami ngayon sa dance floor at ninanamnam ang sandali naming dalawa. "Ako din. Baliw na din ako sayo." Sabi nya na dahilan para mapatitig ako sa kanya. 'Nagbibiro ba sya?' "Ang gwapo mo ngayon." Honest kong sabi. Ngumiti naman sya sakin at tumango. "Ngayon mo lang napansin? Kanina mo pa ako kasama, ahh?" Natatawa nyang sabi pero narron parin ang pagtatampo na hindi ko naman alam kung para saan. "Bakit parang nagtatampo ka?" Tanong ko. "Hindi, ahh." Natatawang pagtanggi nya. Ngayon ko lang din napansin na panay ang pagtawa nya ngayong gabi. Hindi sya ganito lalo na may ibang nakakakita sa amin. Kadalasan kasi, hindi nya ipinapakita ang malaki at maganda nyang ngiti. Napailing ako. 'Ano bang iniisip ko. Quit that.' Maya-maya lang ay kailangan na naming umuwi dahil tapos na ang party. Ngumiti ako sa kanya ng makarating kami sa bahay. Napabuntong-hininga ako at parang tulog na ang mga tao sa loob dahil ang ibaba nalang namin ang may ilaw. "Papasok na ako. Salamat." Sabi ko ng makababa ako ng kotse nya. "Ok lang. Sige na, mahamog." Nakangiting sabi nya. Maglalakad na sana ako paalis ng bigla nya akong isandal sa kotse nya. "Javier?" Tanong ko. Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong halikan. Sa gulat ko ay naitulak ko sya. "Anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong. Nag-iwas naman sya ng tingin. Pumasok na ako ng bahay at agad kong isinara ang pinto. Napasandal ako doon at hindi ko alam kung ilang minuto akong naroon pero narinig ko na ang pag-alis ni Javier pero naroon parin ako. "Bakit namumula ka?" "Ay, anak ng ina mo ka!!" Gulat kong sabi. Napahawak ako sa dibdib ko at napatingin kay kuya. "Ano ba yan, kuya. Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot?" Sabi ko habang naghahabol parin ng hininga. "Ang dami mong arte. Umakyat ka na." Sabi nya. Agad naman akong sumunod at umakyat ng kwarto ko. - To Be Continued - (Sat, October 23, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD