Chapter 19

1801 Words
Chapter 19 - Third Person's POV - Maririnig mo ang malakas na t***k ng puso ng dalawa. Kahit hindi nila iparating sa isa't isa, alam nilang nararamdaman nila ang pagmamahal para sa isa't isa. Ang isa ay nag-aalangan at ang isa ay alam nang meron nga syang nararamdaman. Marami nang nagbago sa paaralan nila, ang dating paaralan na gusto nang ipasara dahil wala nang masyadong estudyante ang gusto pumasok, ngayon ay binigyang kulay at saya ng bagong presidente ng Council. Ang mga estudyanteng lilipat na ng school, parang ayaw nang umalis. Pero sa kabilang banda, hindi mo maiiwasan ang mga naiinggit sa presidenteng si Zoey. Maraming gusto kuhanin nalang ang posisyon nya dahil akala siguro ng iba ay kaya nilang higitan at kuhanin ang posisyon nyang matibay at pinagtitibay pa ng panahon. Sa kwarto ng principal na si Lucila, mahihimigan mo ang malakas na paghampas nito sa lamesa. Galit na galit ito at hindi mo maitatanggi iyon sa muhka nya. Habang nakakagalaw ng malaya si Zoey, hindi parin naaalis kay Lucila ang mainis dahil masyado itong nagiging pabida. Masyado itong gumagawa ng mga bagay na hindi naman nya dapat gawin. Wala din namang nagsabi sa kanyang gawin nya ang mga bagay na yon. Maswerte sya dahil hindi pa ngayon mailalabas ng principal ang kanyang galit. "Humanda ka, pagbalik ko dyan, tatanggalin na kita sa pwesto mo." Sabi nya sa sarili habang masamang-masama ang tingin sa kung saan. "Ma?" Tanong ni Eric. "Ano yung malakas na tumunog?" Dagdag pa nito. Agad syang humarap ang nakita ang anak nyang dala-dala ang anak nito na umiiyak na ngayon. "Wala, may nalaglag lang ako." Palusot nya. Bumuntong-hininga naman ang anak nya. "Next time, ma, mag-ingat ka. Ang hirap kayang magpatulog. Nag-luluto pa si Juliet sa baba, tapos ako nasa sala." Sabi nito at umiiling na umalis. Hindi nalang nya pinansin ang anak at naupo nalang sa upuan malapit sa kanya. ________________________________ - Zoey's POV - Kakarating ko lang ng school ngayon at pagkababa ko palang ng kotse ay bigla na agad sumulpot si Javier sa tabi ko. Gulat ko syang tinignan at nagtataka din, habang sya ay nakangiti sa akin. "Ano ba yan, bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot sa kung saan-saan?" Tanong ko sa kanya. "Good morning, Zoey." Sabi nya habang nakangiti. Nag-iwas naman ako ng tingin dahil parang nasisilaw ako sa ngiti nya. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko pa. "Pupunta ka na ba ng office? Samahan na kitaーーー I mean, sabay na tayo." Sabi nya at biglang ipinulupot ang brado nya sa akin at masigla akong hinila papunta sa office. Pinagtitinginan na kaming dalawa ng mga students pero para paring pakialam si Javier. Wala na akong nagawa dahil mabilis din kaming nakarating ng office at naroon na ang iba naming mga kasama. "Wow, ang aga-aga magkasama na agad kayo?" Sabi ni Jake na may kasamang nang-aasar na tingin. "Tigilan mo ako." Sabay naming sabi ni Javier. Napalingon ako sa kanya at nagtaka dahil bumalik nanaman sya sa pagiging malamig nya. Kanina ay parang mas matanda pa kumilos sa kanya ang kapatid ko, pero ngayon at para syang lalaking depressed na wala nang patutunguhan ang buhay. "You're such a b*tch." Biglang sabi ni Lexi at bigla akong sinampal. Sa gulat ko ay ilang segondo pa akong napatigil at bigla ko din syang sinampal pero mas malakas. "Ano bang problema mo?" Inis kong tanong sa kanya habang pareho na kaming nakahawak sa pisnge namin. "Malandi ka!!! Humanda ka, kapag bumalik na si Winter, hindi ka na pwedeng mag-reyna-reynahan dito!!" Sigaw nya pa at saka lumabas ng office. Napairap naman ako sa hangin at naupo nalang sa table ko. Maya-maya pa ay nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng mga papers na hiningi ko kay Solane ay biglang may nagsabing pinapatawag daw ako sa principal's office. Nagulat ako dahil nakabalik na pala ito galing sa 'Very Important' business nya. Pagkadating ko doon ay nakaupo sa harap ng lamesa nya ang principal na ngayon lang nagpakita at diretso nang nakatingin sa akin na parang may ginawa akong kasalanan na alam ko namang wala akong ginagawang ganon. "Kumusta, Ms. McHale." Bati nya sa akin habang pekeng nakangiti. Dahil mainit ang ulo ko ay binigyan ko din sya ng pekeng ngiti. "Kumusta po. I guess, you really have fun in your vacation, or your 'VERY IMPORTANT' business." Sabi ko ata diniinan ang pagkakasabi ng 'Very Important'. "You're so... Disrespectful." Ang kaninang pekeng ngiti nya ay nawala dahil sa sagot ko. Napairap ako sa hangin at inalis na din ang ngiti sa labi ko. (A/N: Wag kayong masyadong ganito. Hindi po maganda tignan, lalo na babae ka. Promise.) "So, what? Hindi ka naman ka-respe-respeto." Sabi ko at nakipagtitigan sa kanya ng mata sa mata. "Bastos ka talaga, ehh, no?!" Inis na nyang sigaw. Ihinampas na nya ang kamay nya sa desk na akala nya ay magpapasindak sa akin at nanginginig na rin sa galit. "You're going to resign on your position, NOW!!!" "Paano kung ayoko?" Sa kabila ng galit nitong muhka, nanatili parina kong kalmado at lalo kaming naiinis. "Mawalang galang na po, ha? Ayoko na po kayong bastusin pa, kung tutuusin, mas napabuti ko pa ang paaralan na to, kesa sa inyo. Kaya po, kung sino man ang dapat mag-resign, kayo yon." Pagkasabi ko nun ay agad akong tumayo at umalis sa office nya. Narinig ko pa ang malakas at galit nyang pagtawag sa akin pero hindi ko na sya pinansin. Dumiretso na ako ng cafeteria dahil parang gusto kong bumili doon ng bottled water at parang nauuhaw na ako sa pagsigaw at pagsasalita ko simula ngayong araw. Pagpasok ko ay agad akong pumunta sa mga nakapila. Mabilis naman ang takbo ng pila at agad akong nakapag-order. Isang milkshake ang in-order ko at habang hinahanda iyon ay agad akong naghanap ng mauupuan saglit. "Ito na order mo." Sabi sakin nung babae sa counter. Agad ko iyong kunuha at akmang lalabas na ng biglang may bigla akong makabangga at natapon ang shake ko sa kanya... At, sa akin din. "Oh, my god!!! My phone!!!" Sigaw nito. Ako naman ay walang pakialam sa kanya at uniform ko lang ang ang inaatupag ko. "Ikaw nanaman?!" Sigaw pa ni Lexi. "Yeah." Sabi ko at bumuntong-hininga dahil ok pa naman ang phone nya pero parang napakalaking gulo ang nangyari. "Oh, my god. Ikaw nanaman?!" Maarteng sigaw nya naman. Napairap na ako sa hangin at akmang aalis na nang bigla nya akong hilahin. "Where the hell are you going?!" Maarteng parin nyang sigaw. "Aalis." Maikling sagot ko. "You have to pay for what you did!!" Sigaw nanaman nya. Bigla nyang hinawakan ang buhok ko at ayon na. Nasasabunutan na nya ako. Dahil masakit, agad kong hinawakan ang buhok nya at sa kanya ko ibihuhos ang lahat ng inis ko ngayong araw, which is, sa kanya din naman talaga nagsimula. Mas lumambot ang hawak nya sa akin at parang nasasaktan na din sya. Maya-maya pa ay biglang sumulpot sila Jake at pinigilan kami. Agad din namang akong bumitaw at agad akong niyakap ni Javier na parang susugurin ko pa ulit si Lexi. Ngayon ko lang din napansing marami na palang nakatingin sa amin. "Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Javier. Hinawakan nya ang balikat ko at hindi ko alam pero biglang tumulo mga luha ko at naiiyak akong yumakap sa kanya. ________________________________ Nandito kami ngayon sa principal's office at nandito na din ngayon ang mga magulang ni Lexi na parang sya pa ang naapi ko. Nasa tabi ko si Javier at hawak nya ang nanginginig kong kamay. Bigla kong naalal ang pag-uusap namin sa office kanina. "Ano bang nangyari?" Tanong nya. "H-Hindi ko a-alam." Humihikbi kong sabi habang pilit na punupunadan ang mga luha ko. Nasa harap ko sya ngayon at nakaupo sa mga paa nya habang ako naman ay nakaupo sa isang upuan. "Wala ka namang kasalanan, diba?" Tanong nya pa. "M-Meron. N-Natapunan ko s-sya ng s-shake. P-Pero, s-sya ang naun-na." Sagot ko pa. Yumakap nanaman sya sa akin at tumango-tango. "Naniniwala ako sayo." Sabi nya habang nakayakap sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko at tumango sa akin. "I'm really sorry, Mr. And Mrs. Logan. Pero, ang sabi po ng mga students na saksi ay si Lexi daw po ang nauna sa nangyaring gulo kanina." Sabi ng principal. "No. Kahit na ang anak ko ang nauna, I want that girl to be punished. She doesn't deserve to lay her dirty hands on our daughter." Sabi ng Mommy ni Lexi. 'Kaya pala sya maarte, may pinagmanahan.' "Unfair naman po iyon." Sabat ni Javier. "Anak nyo na nga ang may kasalanan, tapos, si Zoey pa ang mapaparusahan? Kung dinisiplina nyo sana ng maayos ang anak nyo, edi sana, walang gulo." Sabat ni Javier. Napatingin naman ako sa kanya. "Nag-ra-rap ka ba?" Bulong ko sa kanya. "Huh?" Takang tanong nya. Muhkang di ako narinig. "Oo." Sagot ko kahit wala namang koneksyon sa tanong nya. "Excuse me?" Tanong nung nanay nya. Napairap naman ako. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si kuya Finlay. "What do you want? Be sure that it's important because you interrupt something." "I want a Lawyer." "You're only 18 years old. What did you do?" "I have a fight. My enemy's parents want me to be punished. That's why I want a Lawyer." "I'll be there in a few minutes, just let me finish here." Sabi nya at agad akong binabaan. Nang tumingin ako sa mga magulang ni Lexi ay nakakunot na ang mga noo nito at parang inaalam na ng mga ito ang nasa utakko. "Dadating na po ang kaibigan ng pinsan ko maya-maya. Maghintay lang po tayo." Sabi ko. Tumango lang sila sa akin at lumipas ang sampung minuto ay dumating na si Kuya Finlay. "What did you do? Tell me." Sabi nito at hindi lang sya ang narito ngayon. Kasama na din nito ang mga pinsan ko. "Ano bang meron? Bakit si Finlay agad ang tinawagan mo? Nakakatampo ka na, ahh." Sabi ni Ate Jenny. "Abogado ba kayo?" Tanong ko. "Hindi." Sagot nilang lahat. "Ayon." Maikli ko pang sabi. "What happened?" Tanong ni Kuya Genson. "Lexi's parents want me to be punished." Panimula ko. Nagsimula na akong magkwento at napanganga sila dahil hindi sila makapaniwala. "You called me for this?" Inis na sabi ni kuya Finlay. "I thought you were involved about some drugs at a party, or driving without a license, or driving while drunk. But, this? Oh, my god, Zoey." Reklamo ni kuya Finlay. "Sila, ehh." Sisi ko sa mga magulang ni Lexi. Nagkasundo nalang kami na si Lexi ang mapaparusahan dahil hindi kaya ng mga magulang nya, lalo na ng tatay nya, ang dynasty. Si Lexi naman talaga ang may kasalanan, at sya naman talaga ang ayaw maparusahan kaya tiawagan nya agad ang mga magulang nya. - To Be Continued - (Sun, October 24, 2021)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD