Sinadya talaga ni Samson na puntahan si Zachariah sa pag-aakalang nandun si Rania sa kanila. Hindi gawain ni Samson ang manulong ng basta-basta nalang. "Anong ginagawa mo rito sa pamamahay ko Samson?" Malamig na salubong ni Zachariah sa kaniya. "Where's Rania?" Hindi pinansin ni Samson ang pagiging malamig ng dating kaibigan. "Naliligaw ka ata Samson. Wala rito si Rania, nasa London. Umalis kana bago ko pa basagin yang pagmumukha ko." Seryoso at malamig na tugon ni Zach. "Don't try to hide her again from me, Gonzales! Nagkita kami ni Rania kahapon lang dito sa Pilipinas!" Singhal ni Samson. "Ano bang pinagsasabi mo, Samson? Baka nananaginip ka lang." Pambabara naman ni Zach na mas lalong nagpainit sa ulo ni Samson. Magtatalo pa sana silang dalawa ng lumabas si Daffney at tumatakbong

