Halatang iniiwasan ni Zach si Rania dahil sa tuwing nagkakasalubong silang dalawa ay hindi sila nagpapansinan. Napapabuntong hininga nalang si Rania. Hindi niya naman masasabing galit sa kaniya ang kapatid. Nagtatampo lang talaga ito dahil sa naging mga desisyon niya. "Tama na ang kadramahan Rania. It's time to talk to your brother." Pangaral ni Rania sa kaniyang sarili at mabilis na hinanap ang kapatid para makausap ito. Una niyang pinuntahan ang opisina ng kapatid pero wala ito roon. Sunod niyang pinuntahan ay ang kwarto nito ngunit wala pa rin ang kapatid doon. Bumaba si Rania at nagpuntang entertainment room nagbabakasakaling nandoon na ang kapatid ngunit wala pa rin. Sumuko nalang si Rania at doon nalang tumambay sa may sala. Mukha kasing umalis ang kapatid kaya hindi niya ito ma

