Araw-araw pa rin nakakatanggap si Rania ng mga email galing kay Vent at ni isa sa mga iyon ay dinidelete niya kaagad. Noong una ay natatakot pa siya sa mga banta nito sa kaniya pero ngayon ay hindi na. Kailangan niyang labanan ang takot na nararamdaman niya. Hindi siya dapat nagpapaapekto ng husto sa mga ganoong bagay. Hindi lingid sa kaalaman ni Rania na nakamasid at nakasubaybay sa kaniya ang lalaki pero nakahanda na siya sa mga posibleng mangyari. Tiyak naman siyang hindi siya nito guguluhin lalo na at maraming nakabantay sa kaniya. Agad na sinirado ni Rania ang pinto ng makapasok siya sa apartment niya. Kakagaling niya lang sa university at maaga siyang umuwi dahil wala na naman silang pasok mamayang hapon. Binuksan ni Rania ang fridge at kumuha ng maliit na ice cream. Nagpunta siya

