"What is your problem?!" Galit na asik ni Samson matapos siyang sapakin ni Zachariah. Nagsilabasan din ang mga kameeting niya dahil sa nangyari. Naantala ang mahalagang meeting ng mga oras na iyon. "Gago ka Samson! Napakalaki mong gago." Singhal ni Zachariah at dinuri si Samson. Nagsidatingan naman ang mga security guard ng building para awatin si Zachariah ng pinahinto ni Samson ang mga ito. "I'm fine. Leave us." Utos ni Samson sa mga ito na agad naman nilang sinunod. Hinawakan ni Samson ang parte ng mukha na nasapak at masamang tiningnan ang dating kaibigan. "Siraulo ka ba? Ako pa talaga ang gago samantalang ikaw itong sumugod dito sa sarili kong kompanya." Tiim ang bagang na saad ni Samson. "Hunghang ka Samson. Bago ka magconclude alamin mo muna ang lahat kung ano ba talaga ang t

