Chapter 2 : LETTER

1067 Words
Caleigh's p.o.v pag uwi ko sa bahay ko na nasa gitna nang palayan at kitang kita mo ang malawak na kalangitan  at hindi nakikita 'to nang ibang tao kundi ako lang ay agad akong dumiretso sa kwarto at nagbihis nang pang bahay tapos ay nagluto nang pagkain para sa sarili ko at tsaka.. kumain nanaman ako nang mag isa.. 3 years na kong kumakain nang malungkot.. pero hindi ko na magawang umiyak pa dahil napapagod narin ako.. nang matapos akong kumain ay hinugasan ko rin yung pinagkainan ko at umakyat ako sa attic nang bahay namin para hanapin yung camera na  pagmamay-ari ni dad.. sana lang gumagana pa talaga yon.. ang tagal na din kasing nakatago lang dito sa storage box yung camera na yon.. ayoko din namang gamitin kasi nasasaktan ako kapag nakikita ko yung mga gamit nila na naiwan dito samin.. gamit nalang yung naiwan , pero yung mga may-ari.. iniwan na ko. dahil medyo madilim dito sa taas ay kinailangan kong magdala nang flashlight para ayusin yung bulb kung gumagana pa ba.. naayos ko naman agad yung bulb at bumukas yon para magbigay liwanag sa buong kwartong to.. napalunok nalang ako nang makita ko nanaman yung patong patong na storage box kung saan nasa loob non ay ang mga gamit nang magulang ko.. maalikabok na dito sa taas dahil sobrang tagal na rin nung tinambak ko lahat nang gamit nila dito.. napabuntong hininga nalang ako at nagsimulang hanapin yung camera para magawa ko yung project ko.. naupo ako sa maliit na bangkito nang maalala ko kung saan ko nailagay yung camera na yon at saka ko binuhat agad yun at inilagay sa harapan ko.. pinagpag ko muna yung mga alikabok na nakakapit sa labas nang storage box at dahan dahan kong binuksan yon.. pagkaalis ko nang takip ay unang bumungad sakin yung picture frame kung saan sobrang saya pa naming tatlo nung nabubuhay pa sila.. tinitigan ko yon nang ilang minuto at tinaob ko nalang yon para hindi ko na makita pa.. nahanap ko naman agad yung camera at itinabi ko agad sakin yun.. ipapasok ko na sana ulit sa loob yung picture frame nang may makita akong pahabang box na color black at may ribbon na white.. kinuha ko yun at ibinalik na yung picture frame sa loob nang storage box tapos ay ibinalik ko yon kung saan ko kinuha at pinatay yung ilaw tapos ay bumababa na ko ulit.. dumiretso ako sa table kung saan sagad yon sa may bintana ko.. kung makikita nyo sana yung bahay ko , siguradong magagandahan at matatakot din kayo at the same time.. maganda dahil parang nasa gitna ka nang kawalan.. pero nakakatakot kasi mag isa ka lang. inilapag ko yung mirrorless camera at yung black na box.. tinitigan ko muna yung camera dahil hindi ko alam kung bubuksan ko ba yon o hindi.. pero dahil kailangan na kailangan na talaga.. wala na kong magagawa.. sana lang talaga gumagana pa to kasi kulang na kulang na yung budget ko kung bibili pa ako nang bago. in-on ko yung camera at laking tuwa ko naman nang gumagana pa sya nang maayos.. at dahil nabuksan ko na yon , ay hindi ko na napigilan yung sarili kong tignan yung mga pictures na naka save pa doon.. nandoon yung pictures ko nung bata ako.. lahat nang birthday ko ay naka capture din dito sa camera.. nandito pa sila mom and dad na ang laki laki nang ngiti nung pumunta kami nang zoo... tapos nung nag perform ako sa stage habang kitang kita sa camera na proud sakin si mommy.. habang nakikita tong mga litratong to ay hindi ko maiwasang masaktan dahil puro alaala nalang lahat nang nandito.. hindi ko alam kung kailan titigil yung sakit na nararamdam ko hanggang ngayon.. pero buhay pa ko , kaya kahit gustong gusto ko nang sumunod sakanila.. wala akong magawa kundi magpatuloy nalang sa buhay.. ayoko namang magpakamatay kasi madadagdagan lang yung kasalanan ko kay lord.. hihintayin ko nalang sigurong tamaan ako nang ligaw na bala tapos.. tapos na.. wala na kong problema.. napatingin naman ako doon sa black na box na medyo mahaba na may ribbon na color white.. hinawakan ko muna yon at tinanggal yung ribbon na nakatali doon.. nang buksan ko yung box ay may naka fold na papel doon kaya yun nalang muna yung una kong kinuha.. nang ma un-fold ko yon ay nakita ko agad yung handwriting ni mommy sa papel na yon.. To my baby caleigh , hi anak! gusto ko lang batiin ka nang happy 16th birthday pero hindi ko alam kung bakit mas napili kong isulat nalang sayo yung pagbati ko.. dalaga ka na caleigh skye , pero baby girl ka parin ni mommy syempre.. kapag may boyfriend ka na , dapat ako ang unang makakaalam ha? by the way , eto ang gift ni mommy sayo! sana magustuhan mo caleigh .. isuot mo to palagi para maramdaman mong kasama mo parin kami nang daddy mo kahit mag isa ka lang sa bahay.. that neowise pendant will make your life lighter and brighter kahit na makita mo lang sya... i love you caleigh skye! keep safe , and happy 16th birthday. hintayin mo kami ni daddy mo , maaga kaming uuwi ngayon! :'> love , mommy  nailapag ko nalang yung sulat ni mom at napalunok.. pinigil ko yung luhang nag babadyang tumulo sa mga mata ko at naging matagumpay naman ako doon.. hindi sila umuwi nang maaga nung birthday ko.. mas tanggap ko pa kung nalate nalang sila ni dad , pero yung hindi na talaga sila makakauwi kahit kailan? hindi ko kaya , pero kailangang kayanin. napatingin ako sa black na box kung saan naglalaman yon nang gold necklace na may pendant daw na neowise.. i've seen neowise sa picture lang.. pero these necklace looks exactly the same sa tunay na neowise comet.. may stone din tong pendant na mukhang ito yung comet talaga.. inilabas ko sa box yon at sinuot ko nalang kasi sabi sa sulat.. basta , may sinabi kanina sa sulat. chinarge ko nalang muna yung camera at nagpahinga nang konti.. sana lang talaga ay hindi na ko pahirapan pa nang neowise comet na yan.. sa tingin ko kasi.. sya nalang yung natatanging pag asa ko para makapag aral pa ko sa college nang libre. bumuntong hininga nalang ako at napapikit sa sobrang pagod. makalipas ang thirty minutes ay nagpasya na kong lumabas habang may dalang tela para hindi ako makatihan sa d**o kapag umupo na ako , at bitbit ko na din yung camera.. lumayo ako nang konti sa bahay ko at inilatag ko na yung kumot sa damuhan para intayin yung neowise comet.. medyo malamig dito sa labas pero yung lamig naman na yon ay sakto lang na medyo nakakaantok din. nang ilalatag ko na yung kumot at naayos ko na yon ay napatingin nalang ako sa paligid dahil may narinig akong kaluskos..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD