Chapter 3 : ASSIGNMENT

1125 Words
Caleigh's p.o.v " s-sino yan? " kinakabahan kong tanong pero mukha namang walang ibang tao dito bukod sakin dahil sobrang tago nang lugar na to.. naglakad ako nang konti para makita ko kung may tao ba talaga , pero nahirapan ako dahil ang tanging nagbibigay lang nang liwanag sa buong lugar ay ang liwanag nang bilog na bilog na buwan.. " meow meow.. " napatalon naman ako sa gulat nang biglang sumulpot yung puting pusa sa may gilid ko at lumapit sya sakin tapoa ay idinikit nya yung katawan nya sa may paanan ko.. tinitigan ko nalang sya habang ginagawa nya yon at saka ako umalis at bumalik sa una kong pinuwestuhan tapos ay inilatag ko na yung kumot.. nang makaupo ako ay lumapit parin yung puting pusa na may color blue na mata tapos ay nahiga sya doon sa may kanto nang kumot na inilatag ko.. hinayaan ko nalang sya doon at binuksan yung camera at tumingala... medyo maulap ngayong gabi kaya baka hindi ko makita yung comet na pinapa project ni sir albert , pero naghintay parin ako doon at nagbakasakali.. isang oras na kong nakatingala lang at nakakaramdam na din ako nang ngawit kaya naman bumalik ako sa bahay para kumuha nang unan at kinuha ko na rin yung lampara para madagdagan naman yung liwanag sa pwesto ko.. pagbalik ko doon ay inayos ko agad yung unan at humiga ako para mas kitang kita ko yung ganda nang kalangitan.. itinutok ko yung camera sa langit nang maayos at nag iisip na agad ako nang magandang angulo kung sakaling makita ko ngayong gabi yung comet.. lumipas nanaman ang isang oras pero tanging maliit na mga kumikinang na stars at maliwanag na cresent moon lang yung makikita sa langit.. may mga ulap din pero hindi na ganon kakapal yon.. tumitig lang ako sa langit habang nakahiga at nag iintay.. sa hindi malamang dahilan ay bigla akong napahawak sa pendant nang necklace ko at naipikit ko yung mata ko.. kailangang kailangan kong makuhanan yung comet na yon para makapag college ako.. gusto kong makatapos nang pag aaral kahit na sobrang pagod na pagod na ko sa araw araw.. thirty minutes kong hawak hawak lang yung pendant na yun habang nakapikit parin ako nang... maisipan kong bumalik nalang muna sa bahay dahil naalala ko bigla na may assignment pa pala akong dapat gawin.. napadilat ako at agad agad na tumayo at tumungo sa bahay para kuhanin lahat nang gamit na kakailanganin ko sa mga assignments ko.. may lampara naman ako kaya makikita ko pari  kahit papano yung ginagawa ko.. pagbukas ko nang pintuan ay napatigil ako sa paglalakad dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sakin na hindi ko alam kung saan galing.. napalingon naman ako at nakita yung pusang puti at lamparang iniwan ko sa hindi kalayuan dito sa may bahay ko.. bukod doon ay wala na akong iba pang nakikita.. napahinga nalang ako nang malalim at napahawak nanaman sa pendant nang kwintas ko.. pagkapasok ko nang bahay ay kinuha ko yung bag ko at yung mga librong kakailanganin ko para sa assignments ko.. puro lang naman susulatin to , pero ang haba kasi nang susulatin kaya naisipan kong umpisahan na habang iniintay ko yung neowise comet na ayaw pa atang magpakita ngayon. nang makuha ko na lahat nang kailangan ko ay lumabas na ko nang bahay at pumunta ulit sa pwesto ko kanina.. dinala ko narin yung stand nang camera para incase na makalimutan kong inaantay ko pala yung comet.. ay narecord ko naman kung sakaling magpakita sya bigla kung sakali mang makatulog ako. nang maayos ko yung camera ay ipinuwesto ko yon sa likuran ko at naupo na ako para gawin yung mga susulatin ko.. binuksan ko na yung libro na pagkokopyahan ko at inilapit nang konti sa tabi ko yung lampara para lumiwanag.. " comet is a celestial object consisting of a nucleus of ice and dust and, when near the sun, a “tail” of gas and dust particles pointing away from the sun. " mahinang basa ko pa bago ko isulat yon.. makalipas ang 30 minutes ay naka kalahati na ako sa sinusulat ko pero ibinaba ko muna yung ballpen na hawak ko at tinitigan muna yon saglit tapos ay nag inatinat nalang muna ako dahil sobrang sakit sa kamay yung pasulat nang sampung page nang libro back to back.. ewan ko ba kung bakit kailangang i transfer pa sa notebook to.. e nakalagay naman na sa libro namin. nagpahinga muna ako nang sampung minuto at tumingala sa kalangitan pero ganon padin yung nakikita ko tulad nang kanina.. tanging mga butuin , buwan at konting ulap parin yung nakikita nang dalawang mata ko.. napabuntong hininga nalang ako at napayuko nang bahagya.. neowise comet.. magpakita ka na please.. may part time job na ulit ako bukas sa coffee shop.. sampung araw naman yung binigay ni sir na palugit samin pero kailangan ko nang matapos agad yon dahil sobrang busy ko sa buhay.. ako ang nagbabayad nang bills ko kaya kailangan kong mag part time job.. kailangan kong makuhanan nang magandang shot yung comet kasi sa tingin ko.. ito lang yung natatanging paraan , para makapagtapos ako nang pag-aaral.. nakasalalay sa comet na yon ang future ko. naihilamos ko nalang yung dalawang kamay ko sa mukha ko at ipinagpatuloy ko nalang yung pagsusulat.. " Comet NEOWISE is now racing towards the outer solar system and will not be visible from Earth for at least 6,800 years. Emily Kramer, a co-investigator of the NEOWISE satellite, said: "It's quite rare for a comet to be bright enough that we can see it with the n***d eye or even just binoculars." mahinang pagbasa ko ulit at dinalian ko nalang yung pagsusulat ko.. nang matapos ang isa pang oras , ay natapos narin ako sa pagsusulat kaya naman inayos ko muna lahat nang yon at nilagay sa loob nang bag ko .. nang maayos ko na lahat nang gamit ko ay humiga nalang ulit ako doon at tinignan yung kalangitan.. inangat ko yung kamay ko na para bang inaabot ko yung buwan at napatingin ako sa kamay kong nagkaron na nang paltos kakasulat.. ibinaba ko yung kamay ko at hinawakan nanaman yung pendant na neowise comet tapos ay pumikit nalang ako.. magpakita ka na please.. mauubos yung oras ko kakahintay sayo.. " haaaaay caleigh skye.... " mahinang sambit ko sa sarili ko... nanatili akong nakapikit habang nakahawak parin sa pendant nang biglang para nagliwanag yung buong lugar kahit na nakapikit ako at kasabay non ay parang may nalaglag na kung ano mula sa kalangitan dito lang malapit sa kinahihigaan ko.. napadilat ako nang mata at agad na napaupo.. nanlaki yung dalawang mata ko nang makita ko sa harapan ko na may umuusok.. siguro mga sampung metro din yung layo sakin nang kung anong bagay man yon.. * dug dug dug dug * * dug dug dug dug * dahan dahan akong tumayo at binitbit yung lampara bago ako dahan dahang naglakad papunta doon.. nakakailang hakbang palang ako nang biglang nagliwanag nanaman yung doon sa may lugar kung saan nanggagaling yung umuusok kaya napatakip ako sa mata ko.. nang unti unting dumilim nanaman ay may nakita akong anino nang lalaki na dahan dahang tumatayo... napatigil ako sa paglalakad at napalunok nalang.. s-sino k-ka?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD