Chapter 34 : DIARY

1216 Words
Caleigh's p.o.v hinimas ko nang marahan yung pisngi nya at sya naman ay nakatitig lang sakin habang ginagawa ko yon sakanya.. " n-neo.. " " n-normal lang ba para sa comet na tulad mo na mamula yung pisngi dahil nasampal ko nang malakas? " nagtataka kong tanong sakanya.. ibinaba ko naman yung kamay ko at napakunot yung noo nya tapos ay hinawakan nya yung pisngi nya.. " h-hindi ko alam e.. " sagot naman nya sakin tapos ay tumayo sya at pumunta sa may lalabo at kumuha nang baso tapos ay uminom sya nang tubig.. isa din yan sa mga pinagtataka ko.. kumakain sya nang pagkain nang tao , pero hindi ko rin alam kung saan napupunta yung pagkain na yon... nailalabas nya kaya yon? san kaya napupunta yung mga kinakain nya? nailalabas din kaya nya yon? " Master , aalis pala ako mamaya.. " " may pupuntahan lang ako saglit. " pagpapaalam nya sakin.. napakunot naman yung noo ko sa sinabi nya.. san naman sya pupunta? anong gagawin nya? " s-sige lang.. " " basta mag iingat ka. " " hihintayin kita. " sabi ko nalang sakanya tapos ay tumayo ako sa sofa at saka pumasok sa kwarto ko.. pagkasara ko nang pintuan ay agad akong dumiretso sa kama ko at naupo ako doon.. gusto ko syang tanungin kung saan sya pupunta , o kaya kung anong gagawin nya pero hindi ko alam kung bakit parang bigla akong napigilan nang sarili kong tanungin ko sakanya yon.. nahiga nalang ako sa kama tapos ay bumuntong hininga... baka hahanapin na nya si luna. tumagilid nalang ako at saka ko niyakap yung unan na nasa gilid ko at saka ko ipinikit yung mata ko.. matutulog nalang muna siguro ako para makalimutan ko kahit saglit lang yung mga observations ko kay neo na nagpapaasa sakin.. hindi kaya unti unti na syang nagiging tao? o ako lang yung nag iisip nang ganon dahil yun yung gusto ko? hay nako caleigh.. tama na yang pag iisip nang ganyan.. ilang saglit pa ay nakatulog nalang ako kahit na maraming tumatakbo sa utak ko.. nagising ako nang 4:00 p.m... tumulala muna ako sa bintana  sa may ulunan ko na kita yung kalangitan.. napapikit ako saglit tapos ay tumayo narin ako sa kama ko at itinali ko nalang muna yung buhok ko bago ako lumabas.. ano kayang ginagawa ni neo ngayon? pagbukas ko nang pintuan ay wala akong nadatnang neo doon.. napabuntong hininga nalang ako at lumabas na nang tuluyan sa kwarto.. nagpaalam nga pala sya sakin na may pupuntahan daw sya.. bakit ba nakalimutan ko naman agad yon? bumuntong hininga nalang ako at saka napatingin sa may lamesa.. agad agad kong nilapitan yon at kinuha yung brown na papel na parang sunog sunog pa yung gilid tapos may nakasulat doon.. umupo nalang muna ako at saka ko binasa yung note.. Caleigh ko , L agi mong patayin yung kalan kapag wala ako.. Wag mo na kong intaying umuwi ngayon... medyo gagabihin kasi ako e.. may pagkain akong hinanda para sayo , nasa ref lahat yon.. yung nasa tupperware na kulay orange.. pang meryenda mo yon.. yung nasa violet naman , pang dinner mo. iinitin mo nalang yon. kung gusto mo nang snacks .. meron sa may taas nang cabinet sa may lababo.. mag ingat ka dyan master ko :'> - neo   tinitigan ko pa nang ilang minuto yung letter na yon para sakin... napangiti nalang ako at itinupi yung letter na sinulat nya tapos ay pumunta ako sa kwarto ko at saka ko hinanap yung diary ko sa may cabinet ko.. inipit ko yung sulat nya na yon para sakin tapos ay napatingin ako sa may table na nasa gilid nang kama ko at nakita ko doon yung tatlong piraso nang sunflower na binigay nya sakin... inilapag ko nalang muna yung diary ko sa may kama ko at kinuha yung sunflower na tatlong piraso.. kumuha pa ako nang gunting sa may kusina at pagkabalik ko sa kwarto ay agad agad kong pinutulan nang stem yung sunflower na sasakto lang doon sa diary ko kapag inipit ko yon doon.. nang maputol ko na yung kalahating stem nang sunflower ay binuklat ko yung page nang diary ko.. yung unang sunflower ay inipit ko sa page 5.. yung pangalawa naman ay sa page 4.. at yung pangatlong sunflower naman ay inipit ko sa 3.. nang matapos kong iipit yung mga bulaklak sa diary ko ay naisipan ko munang buklatin yon at magbasa nang mga pinagsususulat ko nung bata pa ako.. April 03 , 2006 Dear Diary ,               Nakakita ako kanina nang magandang star sa langit. Ang ganda at kakaiba nang star na yon diary , kasama ko kanina sila mommy pero hindi nila nakita yon.. Nakakalungkot at sayang.. Sana ay makita ko ulit yung star na maganda. - Caleighkyut  Napangiti nalang ako at napailing iling habang binabasa ko yung sulat ko na yon.. ang pangit pala nang sulat ko dati hahaha.. ang tagal na nung sulat ko na yon kaya hindi ko na maalala kung nakakita ba talaga ako nang star na maganda daw.. hindi ko nga rin alam na caleighkyut pala ako dati e.. tinignan ko pa yung ibang pages doon na sinulatan ko.. napakunot nalang yung noo ko nang basahin ko yung letter na sunod kong nakita.. April 03 , 2007   Dear Diary ,                   Una sa lahat , happy birthday to me muna.. Tapos natutuwa ako kasi nakita ko ulit yung star na sinabi ko sayo nung nakaraang birthday ko din na maganda.. Hindi parin nagbabago yung star na yon diary.. Sa sobrang ganda nga non , parang gusto kong kunin yon sa langit tapos itatabi ko sya sakin e.. Nagtataka lang ako kung bakit hindi parin nakita nila mommy yon kahit na tinuro ko na sakanilang dalawa ni daddy yung star.. Para bang ako lang ata yung nakakakita non e. Ikaw ba diary? Nakita mo ba yon? - Caleighkyut   Birthday ko talaga yung april 3 pero pinanganak ako nung 2001.. Nakakapagtaka lang , ay hindi ko na maalala yung mga pinagsususulat ko dito nung bata pa ako.. wala talaga akong matandaan na may nakikita akong star dati na maganda.. pero ang mas nakakapagtaka pa ay yung mga date nung sulat na yon.. magkasunod na taon pero tuwing april 3 ko lang nakikita yung star na yon kung saan yun yung araw nang birthday ko... tinignan ko pa yung ibang mga page pero iba ibang mga month at date na yon tapos wala naman akong nabasa na may nakita akong star na maganda chuchu.. pero nang ilipat ko pa yon nang mga ilang page.. nakita ko ulit yung date na... April 3 , 2008  April 3 , 2009  April 3 , 2010 April 3 , 2011 April 3 , 2012 at puro may nakalagay doon sa mga date na yan na nakakita ako nang star na maganda at gusto kong kunin yon at itabi sakin.. inilipat ko pa sa ibang mga page yun pero last na yung april 3 , 2012 na sulat ko.. ano ba yung star na maganda? marami pang page yung diary ko pero wala nang mga sulat yon , hanggang sa matigil ako sa paglipat nang mga blank pages na nasa may bandang dulo na.. napakunot nalang yung noo ko nang may makita akong sulat ko doon na parang medyo matanda na ko nung sinulat ko dahil maganda ganda na yung sulat at nakasulat yon sa gitna nang page na yon.. ' Je te reviendrais. ' napatingin pa ako sa may bandang ibaba non sa may kanan na may nakasulat na sobrang liit na sulat na kakailanganin pa nang magnifying glass.. kinuha ko yung magnifying glass ko sa may cabinet tapos ay itinapat ko yon doon sa sulat na yon.. nang makita ko yon ay agad na lumakas yung t***k nang puso ko.. nabitawan ko yung diary ko at saka ako tumingin nang diretso.. b-bakit may neowise na nakasulat doon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD