Chapter 33 : LAMOK

1019 Words
Caleigh's p.o.v " neopanget... " mahinang tawag ko sa pangalan nya habang nakatingin ako sa araw.. nagulat naman ako nang bigla nyang takpan nang kamay nya yung mata ko tapos ay inilapit nya ako sakanya at saka nya ko niyakap habang nakatakip parin yung kamay nya sa mata ko.. " a-aray naman!  b-bat mo tinatakpan mata ko h-ha? " sabi ko pa sakanya habang tinatanggal ko yung kamay nya sa mata ko.. " w-wag ka ngang titingala sa araw na yan. " " n-nakakabulag yung kapangitan nyan e. " parang asar pa nyang sabi sakin.. tinanggal naman nya yung pagkakatakip nya sa mata ko at tinignan ko sya na nakabusangot yung mukha habang nakaakbay parin sya sakin.. " luh , nakakabulag ba si sol , hah? " " ang angas nga nya e , pinaliliwanag nya yung buong kalawakan e. " kunwaring manghang mangha kong sabi sakanya.. dahan dahan namang bumaba yung tingin nya sakin at tinitigan nya ako habang naka poker face yung mukha nya.. " ah , maangas? " sarcastic pa nyang tanong sakin.. napatawa nalang ako sa reaksyon nya at mapang asar ko pa syang tinanguan.. tinitigan nya muna ako nang seryoso nan ilang minuto tapos ay dahan dahan nyang inalis yung pagkaka akbay nya sakin at saka mahina akong pinalayo sakanya.. " pasok na ko sa loob.. " " ang init dito e... " " pati ulo ko umiinit na din. " sabi pa nya sakin tapos ay nginitian nya ako nang peke at saka tumayo sya dala dala yung bangkito nya.. " NEO! JOKE LANG E... " sigaw ko pa pero patuloy parin sya sa paglalakad papasok nang bahay.. " MAS MAANGAS KA NAMAN KAY SOL E! " " ANG GANDA KAYA NANG BUNTOT MO , PANG UNICORN! " Pabirong sigaw ko pa sakanya tapos ay napatigil sya sa paglalakad at dahan dahan nya akong nilingon.. " ah , parang buntot nang unicorn , caleigh? " tanong pa nya sakin habang parang pinipigilan nya yung asar nya.. napatawa naman ako nang walang sounds habang tinitignan syang parang naasar na pero pinipigilan parin nyang maasar.. " o-oo , a-ang ganda kaya nang kulay ng buntot nang unicorn.. " " rainbow. " pang aasar ko pa sakanya tapos ay nginitian ko pa sya nang matamis.. tinignan lang nya ako nang naka poker face at parang pagod na pagod na tapos ay tumalikod nalang sya ulit at nagpatuloy na sa paglalakad pabalik sa loob nang bahay.. napakamot nalang ako sa ulo dahil parang naasar talaga sya sakin.. j-joke lang naman e.. mas maangas kaya sya kay sol. ang angas nang kulay nang buntot nya e.. lakas maka pegasus. nag stay nalang muna ako nang ilang minuto sa labas at saka ko palang naisipan na sundan sya sa loob.. binitbit ko rin yung bangkitong inupuan ko tapos ay dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuan nang bahay ko.. sinilip ko muna sa bintana si neo sa may kusina pero hindi ko sya matanaw doon.. dahan dahan kong binuksan yung pintuan at nang makapasok na ko sa loob ay nakita ko sya sa may sofa na nakahiga at natutulog na.. dahan dahan kong isinara yung pintuan tapos ay naglakad din ako nang dahan dahan papunta sakanya.. nung una ay nakatayo lang ko sa harapan nya habang tinititigan syang natutulog , pero hindi ako nakuntento doon at dahan dahan akong umupo sa lapag para mas maging komportable ako habang pinanonood syang natutulog.. napaka gwapo naman nang nakopya mong mukha neo.. habang tinititignan sya ay biglang may lamok na dumapo sa may pisngi nya.. tinitigan ko muna yon at inisip kung anong gagawin habang pinanonood ko yung lamok na sipsipin yung dugo ni neo sa pisngi.. h-hindi naman siguro sya ma d-dengue diba? comet naman sya e.. iba naman siguro yung lasa nang dugo nya? tinitigan ko lang muna yung lamok habang sinisipsip yung dugo ni neo sa may pisngi.. pinasingkit ko yung mata ko habang tinitignan yon tapos ay nanlaki nalang yung mata ko nang makita yung pisngi nya na parang nangingitim na doon sa may part na sinisipsipan nang lamok.. dahil sa sobrang takot ko na baka may mangyari nanamang masama kay neo ay agad agad kong idinampi yung palad ko sa mukha nya para mapatay yung lamok pero napalakas yon nang konti kaya naidilat nya agad yung mata nya at napaupo sya sa sobrang sakit siguro? napalunok nalang ako nang makita syang nakaupo na habang hawak hawak yung pisngi nya.. dahan dahan naman syang napatingin sakin na parang shocked parin sya sa nangyari.. " s-sorry neo.. " " k-kasi a-ano e.. " " m-may lamok k-kasi s-sa pisngi mo.. " " b-baka kasi m-magkaron n-nanaman nang bad effect yon s-sayo tapos h-hindi ko nanaman alam yung gagawin ko. " natatakot ko pang sabi sakanya.. habang nakaupo ako sa sahig at sya naman ay nakaupo sa sofa habang tinititigan ako nang walang reaksyon yung mukha nya.. dahan dahan naman nyang ibinaba yung kamay nya na nasa pisngi nya tapos ay bumuntong hininga at saka tumayo habang papalapit sya sakin.. napapikit nalang ako kasi baka sampalin din nya ako katulad nang pagsampal ko kanina sakanya pero hinawakan nya yung braso ko kaya naidilat ko yung isa kong mata at nakita ko sya na nakakunot lang yung noo habang nakatingin sakin.. " bat nakapikit ka dyan? " " nagdadasal ka ba? " tanong pa nya sakin.. dahan dahan ko namang idinilat narin yung isa kong mata at hilaw na napatawa habang kaharap sya.. " a-akala ko k-kasi ... " " i-idadampi mo rin y-yung k-kamay mo sa pisngi k-ko e , hehehe " sabi ko pa sakanya habang hilaw na tumatawa.. napailing iling naman sya habang natatawa tawa narin tapos ay inalalayan nya akong tumayo sa sahig at inupo sa sofa habang sya ay lumuhod sa harapan ko habang hawak hawak pa yung dalawang kamay ko.. " bat naman kita sasaktan master ko? " " napaka judgemental mo naman  masyado sakin. " " itatayo lang naman kita sa sahig kasi hindi pa ko nakapagwalis dyan.. " nakangiti pa nyang sabi sakin habang nakaluhod sya sa harapan ko at nakangiti pa sya sakin.. napatingin nalang ako doon sa pisngi na nasampal ko kanina at nakitang bumakat yung palad ko doon... hinawakan ko naman yung pisngi nya at nagtaka kung bakit mapula yon.. tinitigan ko naman sya sa mata habang nakakunot yung noo ko.. " n-neo.. " " b-bakit parang m-may dugo sa loob nang k-katawan mo? " nagtatakang tanong ko pa sakanya.. ang alam ko kasi.. tanging mga bato lang yung nasa loob nya at wala nang iba pa.. pero bakit parang nagkakaron na sya nang dugo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD